抖阴社区

HATE ? FORTY-EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

Naglakad ako patungong library para gawin ang thesis namin. Arrgh, nakaka-stress.

Kailan kaya ang defense?

Kinakabahan na ako, kung sana lang maasahan ang mga ka-group ko at kasing galing ako nina Jamie, siguro tapos na 'to.

Habang naglalakad ako nakita ko sina Kuya at Alexia na magkasama palabas ng library kaya naman sinigurado kong hindi nila ako makikita.

Ano kayang mayroon?

Baka sila na?

Pagkarating ko sa library, humanap ako ng bakanteng lamesa para sa akin. Walang masyadong tao at tamang tama para sa paggawa ng thesis.
Kaya naman kinuha ko ang laptop ko at mga notes kasama ang librong pinagkukuhanan ko para sa related literature at studies.

Nag-stretching muna ako bago magtipa sa laptop. Kung pwede na lang sana na maging title ay Effectiveness of Removing Practical Research in Senior High School, hayun na lang sana, pero hindi puwede.

Alam ko namang importante talaga ang research sa amin dahil sa research dito umuunlad ang mundo.

Kung sana ka-group ko siguro si Zander, matutulungan niya ako rito.

Napahimas ako ng sintido ko, nananakit pa ang ulo ko dahil sa napipiga kong brain juices. Nawala ako sa konsentrasyon nang marinig ko na may bumuntong hininga.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Shhh!" suway sa akin ng mga taong narito.

Noong makaupo na siya sa tabi ko, saka ko lang siya sinipa sa binti niya. Halos mamatay na ako sa gulat at mapaalis dito sa library dahil sa kanya.

"To study," sagot niya.

Bigla kong naalala 'yung performing arts club. Kasali ako roon kaya kailangan kong um-attend. Puwede kasing sumali ng isa hanggang dalawang club as long as nagagampanan mo ang tungkulin ng club. Napatingin naman ako sa katabi ko na nakatulala. Napakunot ang noo ko. Nag-aaral siya ng ganyan gayong wala man lang siyang dalang notebook.

Nag-aaral daw.

"I can memorize all lessons we tackled."

"Eh?" tanong ko. "Natutulog ka kaya sa klase saka kapag naman ginigising ka sinasabi mo naman you don't have a rights to ruin my sleep even you are a teacher, memorize daw."

"Sleeping is my style, but memorizing and listening during class while sleeping is one of my skill."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Tsk, ang yabang talaga. Kung gayon, kailangan kong mapatunayan na nagsasabi siya ng totoo. Ah, doon sa subject na lagi siyang nasisita.

"Sige nga, ano ang natatandaan mo sa Philippine Politics and Governance?"

"First of all politics denotes social activity. It is the creation, maintenance and amendment social norms or rules. The Governance is the exercise of power or authority by political leader for the well being at their country's citizens or subject. The basic concepts of politics is order. What is order? Order is central to the study of politics because it shows different compon-"

"Oo na! Oo na!" pagtigil ko sa kanya.

Hindi nga ako makapag-recite ng dire-diretsong ganoon, samantalang hetong lalaking ito na laging tulog sa klase ay magaling sa recitation. Well, he is very intelligent talaga, a valedictorian kumbaga.

Napatingin naman ako sa relo ko. Oh my gosh, malapit na ang meeting.

"Aalis na ako," sabi ko sabay tumayo. "Pupunta na ako sa performing arts club," sabi ko sabay alis ko.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon