I couldn't help but to talk to my husbandos again at sabihin sa kanila kung ano ang nararamdaman ko. I cried again. I was hurt to know that I am just a friend to him, kung kailan bumabalik na naman itong nararamdaman ko para sa kaniya, saka ko lamang nalaman na kaibigan lamang talaga ang turing niya sa akin.
Hindi niya rin magawang magsabi sa akin ng katotohanan tungkol sa kaniya. Nakakainis, to the point na umasa na naman ako, na siya na naman ang dahilan ng pag-iyak ko, na kahit sinabi niyang magkaibigan kami ay nagawa niya pa rin magsikreto.
He is secretive, after all.
I guess I should distance myself from him. I should stay away from him, to release this hurtful feeling.
TALAGANG dinala ko rin ang aming mga alaga dahil hindi ko talaga kakayanin na iwanan sila ng isang linggo. Kaya naman inihanda ko rin ang kanilang komportableng paglalagyan habang nasa biyahe sila.
Kasalukuyan din akong nagche-check sa mga dala namin.
"Yayey, dalhin n'yo po 'yung first aid kit baka po magka-emergency. Kuya Jonas, okay na po ba ang van?"
"Opo Ma'am Ellaine, ready na po ang van."
Four o' clock na ng hapon at siguradong hapon na hapon na kami makakarating doon. Sinimplehan ko na lang ang damit ko kasi hindi naman ako 'yung tipong tao na magara kung mag-suot.
Lumapit ako sa gate namin nang sandaling mag-doorbell. Tiningnan ko naman kung sino ang nagdoorbell.
Sumilip ako at nakita ko naman sina Jamie at Sharmaine na may dala-dala silang mga gamit."Pasok muna kayo," sabi ko kaya naman pumasok at tinulungan ko na rin sila para hindi sila mahirapan sa bitbit nila.
Agad namang isinakay ni Kuya Jonas sa van 'yung mga gamit ng mga kaibigan ko.
"Yieee! Excited na akong makita ang Batangas!" sabi ni Jamie.
"Ako rin! Excited na excited na ako! Kaso wala nga lang si Alexia, hindi tayo kumpleto!" sabi ni Sharmaine.
"Si Kuya nga rin eh, wala rito, pero ayos lang kung wala siya at para walang epal!" sabi ko. "Tara na! Mahaba-haba pa ang biyahe natin."
"Tara!"
Sumakay na kami sa van na sasakyan namin. Matagal-tagal kasi ang biyahe mula San Pablo City to Taal Batangas.
"Fb-live tayo!" sabi ko.
Kinuha ko ang phone ko 'tapos binuksan ko ang facebook at nag-live.
"Hello guys!" bati ko sa mga facebook friends kong active ngayon. 'Tapos itinapat ko sa mga kasama ko ang front camera ng phone ko."So hayun na nga guys, pupunta tayong Taal Batangas para makita ang ganda ng tanawin doon," sabi ni Jamie na parang isang vlogger.
"Can't wait to see Taal Batangas, yey!" si Sharmaine.
"Kian, bumati ka sa fb friends ko!" sabi ko saka tinapat sa kanya.
"Hello, guys! I'm still good-looking like my brother and sister, I love you!"
Mayamaya natapos na akong mag-live at karamihan nilang tinatanong kung nasaan si Kuya pero hindi ko sinabi.
After three hours and thirty two minutes, narito na kami sa Taal, Batangas. Dito nakatira ang lola kong si Lola Ersa and Lolo Bernard, pero wala na si Lolo kasi patay na siya.
Naisipan naming magkakapatid na bumisita sa Batangas dahil alam namin ang feeling na wala ng kasama.
Hacienda Ang
Manghang-mangha ang aking mga kaibigan dahil sa labas pa lang ng aming hacienda, makikita mong napakaganda nito. Kilala ang aming hacienda sa taniman ng kape, cocoa at iba pang mga prutas.
Matapos ni Kuya Jonas, iparada ang van namin, kaagad kaming bumaba na magkakaibigan at dumiretso sa loob ng mansyon ni lola.
Nakasalubong na si Lola sa loob na nakahanda na kaming yakapin.
"Lola!" kaagad kaming dalawa ni Kian yumakap ay Lola.
"I miss you mga apo." Sabay tingin sa dalawa. "Mga kaibigan mo?"
"Opo Lola, si Jamie at si Sharmaine po." Pagkatapos ko silang ipakilala nagmano naman silang dalawa.
"Oo, kilala ko sila. 'Di ba't sila 'yung kinukuwento mo?"
"Opo."
"Tamang-tama, salu-salo tayong kumain ng hapunan. Alam mo ba? Hindi lang ikaw ang nag-aya ng mga kaibigan? Ang Kuya mo rin," sabi ni Lola. "Kulang kayo ng isa ah, si Alexia nasaan?"
"May pinuntahan po siya," sagot ko. Baka kasi bigla na lang magpakasal sina Kuya at Alexia dahil sa mga pamahiin. Siyempre gusto kong enjoyin nila ang mag-on nila without getting married. And something sink on my mind. "Ano pong ibig n'yong sabihin na si Kuya rin ay nag-aya ng kaibigan?"
Nanlaki ang aking mata nang biglang lumabas ang tatlo sa kanilang mga silid.
"Anong ginagawa nila rito?"

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FIFTY
Magsimula sa umpisa