抖阴社区

HATE ? FIFTY-ONE

Magsimula sa umpisa
                                    

"We will pretend as a couple," she said.

"What?!" pagulat kong tanong.

Naalala ko tuloy 'yung pinangdahilan ko kay Ellaine. This is a law of attraction.

"Huwag mong sasabihin ang tungkol dito ah. Don't you dare Eice dahil bago ka makaabot sa Pilipinas, bali-bali na 'yang mga buto mo!"

"Syempre hindi ko sasabihin! Ang gusto ko lang itanong ay paano tayo makakapuslit sa loob na hindi nalalaman na ikaw 'yan?"

"What's the sense of my disguise? At hindi lang 'yon magpapanggap ako na pamangkin ni Yaya Dahlia na galing sa Pilipinas pagkatapos niyon sasabihin ni Yaya na magbabakasyon lang tayo rito ng kaunting araw. In that way, makakapasok tayo sa loob."

"Pero paano kung nalama-"

"No! Hindi 'yan! Magtiwala ka sa akin!" she said. "Let's go."

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa paradahan ng mga sasakyan nila. Sumunod naman ako kay Taba, este Prinsesa Taba.

Palacio Terrazzo

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob, namangha ako dahil sa ganda ng loob at talagang mas maganda sa loob. Ang mga dingding ay mga kulay ginto 'tapos 'yung chandeliers, gold din. Ang ganda! Parang gusto ko ng tumira dito.

"Chaírete." Napalingon ako sa nagsalita. [Chaírete=Hello]

At bumungad sa amin ang babaeng kasing edad lang ni Mama. Kahawig ni Taba at may pinaghalong tatay ni Zander.

Huwag mong sabihing . . . "I'm Mrs. Alexa Cortez Terrazzo and it's my pleasure to meet you."

Nanay ni Taba!

Ellaine

ANG sama-sama talaga sa akin ni Kuya! Kuruin mo 'yon kahit wala siya, gumawa siya ng paraan para lang mainis ako. 'Yung akala kong perfect ang sembreak ko hayun pala terror, akala ko magiging masaya na!

Pang sampung beses ko ng irap 'to at sana hindi ako mahipan ng hangin sa ginagawa ko.

"Apo? Bakit ang sama ng tingin mo sa mga panauhin natin?" tanong ni Lola sa akin sabay umiling na lang ako.

Hindi ko namalayang ganito ang expression ko! Napapikit na lang ako dahil sa inis. Kainis kasi si Kuya, kung hindi lang talaga sila na ni Alexia, baka basagin ko ang pagmumukha niyon.

Nevermind.

"May masakit ba sa 'yo Ate?" tanong ni Kian.

"Wala naman," kaagad na sagot ko. "Ano lang, nakagat ko lang ang dila ko kaya ang sama kong tumingin kasi ang sakit."

Napansin ko naman ang pagsulyap niya sa akin. I just ignored him kasi kapag tumitingin ako sa kanya, naalala ko 'yung nangyari, ilang araw na ang nakalilipas.

"After n'yong kumain mga apo, you may now go to your respective rooms at ihahatid kayo ni Ellaine."

Napatingin ako kay Lola sabay kumindat. Alam ko ang galawan niyang ito, alam ni Lola na may crush ako kay Zander dati, at sinabi ko rin sa kanya na wala na akong crush noong nag-stay siya sa amin gawa ng birthday ni Kian.

"Bukas din ay ililibot ko kayo sa aming lupain," sabi pa ni Lola.

"Sige po! Excited na po kami!" sabi ni Jamie sabay tumingin kay Sharm.


PAGKATAPOS kong ihatid sila sa kani-kanila nilang kwarto, turn naman ni Zander dahil wala pa siyang kwarto si Zander. Malapit lang kasi ang kwarto niya sa aking tutuluyan kaya natural lang na magkakasabay kami.

Saktong pagtungtong namin sa harap ng kwarto niya kaagad kong binigay sa kanya ang susi ng tutuluyan niyang kwarto "Heto ang susi ng kwarto mo. Ikaw na ang bahalang mag-imis ng gamit mo kasi mag-aayos pa ako ng kwarto ko."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko na katabi lamang ng kanya nang bigla itong nagsalita. "Maybe you are thinking about what you discovered about us," he said once he opened his room. "So that you keep avoiding me," sabi nito. "Masyado na siguro akong naghahangad ng malaki kung sasabihin ko sa 'yong huwag mo akong layuan kahit gano'ng klaseng tao ako."

Hindi ako nagsalita, pero imbes na magpatuloy ako sa pagpasok sa aking kwarto, bigla niya na lamang ako hinigit papasok sa loob ng kwarto niya, sabay isinara ang pinto.

He pinned me to a wall and looked me directly into my eyes. "Stop ignoring me as if I was nothing to you."

"You are nothing me," sabi ko. "Kaya please, let me go."

Pinilit kong kumawala sa kanya, pero hindi ko magawa dahil magkabilaang bisig na ang humarang sa akin. "You are ignoring me because I answered you that you're just my friend, right?" Namula ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. "Answer me." He cupped my face. "Are you in love with me?"

Imbes na sinagot siya, nagawa ko siyang sampalin. Ramdam kong sobra ng pula ang mukha ko at walang anu-ano'y tumakbo ako palabas sabay diretso sa kwarto. Lumagutok ang aking balakang nang sandaling ako ay mahiga, marahil sa ako ay na pagod talaga.

Bigla ko tuloy naalala na 'yung kontrata naming dalawa na malapit ng matapos. Ibig sabihin lamang niyon makakawala na ako sa kanya, magagawa ko na ang lahat ng aking kagustuhan, at lalayuan ko na siya.

Natatakot na akong sumugal ulit.

"Ano pang ginagawa mo sa labas ijo?"

Si Lola ba 'yon?

Lumapit ako sa may pintuan at nakinig sa kanilang usapan.

"Hinahanap ko po kayo para sabihin na uuwi na po ako bukas sa San Pablo," sabi nito.

"Bakit naman ijo?"

"Kailangan ko na pong bumalik, may kailangan pa po akong asikasuhin."

Bigla akong nakaramdam ng guilt nang dahil doon. Kailangan kong mag-sorry bago siya umalis bukas. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko at nagtungo sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Kakatok na sana ako nang bigla akong pinangunahan ako ng kaba at hiya.

Kaagad akong nagtungo sa kwarto at humilata.

"Yeah, I am already in love with you," sabi ko nang maalala ko ang tinanong niya sa akin kanina. "But I can't love you . . . because I was afraid to lose you."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon