Nakakatuwa, ang galing talaga ni Kuya.
"Ahh oo nga pala Kuya."
"Ano 'yon?" tanong niya sa akin habang busy siya sa pagde-design ng kape.
"Kailan tayo uuwi?" tanong ko. "Ang alam ko, magce-celebrate tayo ng birthday mo sa two. Pupunta ka na ba sa sementeryo?"
"Oo sa November 1 tayo uuwi, saka umuwi na sina Yayey at Kuya Jonas para mag-ayos para sa birthday ko."
Pagkatapos niyang mag-design ibinigay niya sa akin ang kape ko. Bago niyon pinicturan ko muna itong coffee para sa instagram.
"Heto oh." Binigay niya pa sa akin ang pandesal at saka ko naman 'yon kinain. "Balak ko pati na isama natin si Lola para mas masaya."
Tumango tango ako at hindi maiwasang mapaisip. Si Dad kaya? Pupunta kaya 'yon sa birthday ni Kuya?Oo nga pala. Hindi nga namin alam kung ano na ang nangyayari sa kanya, pero patuloy pa rin ang pagsusustento niya sa amin at paminsan-minsan, nakikibalita kung ano na ang nangyayari sa amin.
What a nice father.
Sana naman dalasan niya ang pagkausap sa amin.
"Huwag kang magtampo kay Dad, dapat nga ako ang magtampo eh. Well, masaya rin naman ako kahit wala si Dad kaya nga isasama natin si Lola para mas masaya eh!" sabi niya sabay ginulo niya ang buhok ko.
"Pero Kuya, anong theme ngayon ng birthday mo?" tanong ko.
He smirked. "Sikretong malupet."
Napangiti na lamang ako ng pilit. Hindi ko kasi mawari kung ano ba talaga ang pinapahiwatig niya sa ngisi niyang iyon. Pakiramdam ko, puro na naman iyon kagunggungan.
HABANG nagpapatuyo ng buhok, napatingin ako sa may t-shirt na nakahanger. Nakakahiya. Kapag talaga naalala ko iyong nasukahan ko siya, hindi ko talaga maiwasan na mahiya sa aking kagunggungan.
Tiniklop ko ito kaagad sabay isinilid sa bag ko. Saka ko na lang ito ibabalik kapag mabangong mabango na. Ibabad ko pa 'to sa maraming pabango pagbalik sa San Pablo.
Pagkatapos kong isilid iyon, lumabas na ako. Hinanap ko silang lahat kung nasaan sila at natagpuan ko sila sa may manukan.
Pagkadating ko sa manukan, kapansin-pansin na parang pinagdidiskitahan nina Kuya ang manok. Mali pala, sina Vhan pala kasi naalala ko na si Kuya nga pala'y takot sa manok pero hindi siya takot kumain ng mga lutong manok.
"Kapag nakuha ko 'yung matabang manok na 'yon." Turo ni Vhan. "Tapos hahawakan mo Kaizer."
"HELL NO!" angal ni Kuya.
"Takot sa manok-napakaduwag!" pang-aasar ni Ethan na inaasar pa si Kuya.
"Tse! Ayaw ko lang sa mga buhay na manok!" kontra niya. "Kasi nahabol na ako, nasabungan at ang malala pa niyon ay natuka kaya na-trauma na akong humawak ng buhay na manok."
Si Kuya kasi ay may Alektorophobia, in short, fear of chicken.
"Paano kung patay na?" tanong ni Jamie.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FIFTY-SIX
Magsimula sa umpisa