抖阴社区

HATE ? FIFTY-SIX

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayon ang mas malala! Kapag hiwa na 'yung leeg at inakala mo patay na 'tapos mamumukat mo, nangingisay pa pala kaya, nako! Nakakatakot talaga!"

"Duwag ka lang kasi!" sabi ni Alexia. "Just try."

"Anong gagawin n'yo kapag nahuli n'yo ang manok? Papakawalan lang?" pakisabat ko.

"Malamang kakatayin!" sagot ni Kuya. "Ikaw ang magkakatay."

"Aba!" kontra ko. "Alam mo namang may hemophobia ako."

Napairap na lang ako kay Kuya. Tsk, alam niya naman na may takot ako sa dugo pagkakatayin niya pa ako ng manok.

"Arte mo lang!" sabi niya.

Napairap ulit ako kasi nakakaasar si Kuya! Mema lang naman para maasar lang ako, hmmpt.

"Ako may cacophobia," sabi ni Vhan kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Ano namang cacophobia 'yan?" tanong ni Kuya.

"Cacophobia means fear of ugliness at takot ako sa pangit na tulad mo!" Turo ni Vhan kay Kuya na ikinahagalpak ng tawa namin.

"Ako may fear of monkey at kaharap ko na 'yon!" sabi ni Kuya at talagang hindi talaga magpapatalo si Kuya.

"Stop that phobia thingy na 'yan! Ang usapan dito eh hahabulin ni Vhan ang manok saka ibibigay kay Eice," sabi ni Alexia na halatang inip na inip na.

"Pagkatapos niyon ipaluto natin kina Mang Tomas at Mang Jerry," suggest naman ni Sharmaine.

"Yeah," pag-sang ayon ni Jamie kay Sharm.

"Hindi matatapos 'yan kung hindi kayo manghuhuli ng manok!" sabi ko.

Gusto kong makita ang reaction ni Kuya kasi talagang must watching.

"Duwag ka ba Kaizer?" pang-aasar na tanong ni Vhan kay Kuya habang nahabol ito sa manok. Hanggang sa nahuli na ni Vhan ang manok at iniaabot kay Kuya na ngayo'y ay naka-gloves, matching hat pa at bota.

Arte naman.

"Matapang ako!" sabi ni Kuya sabay iniaabot ang manok sa kanya.

Napahaglpak ako ng tawa dahil napagkaisahan nina Ethan at Zander na ihagis kay Kuya ang manok na hawak nila.

Kaming lahat tuloy ay napahagalpak ng tawa, si Kian nama'y nakikitawa lang. Buti nga at narito rin siya.

"Walanghiya kayo!" Napatigil si Kuya sa pagsasalita nang bigla itong nagkaipot. "Eww! Eww! Yuck! Ipot! Arrgh! Mang Tomas! Mang Tomas, tulong po!"

"Oh ano ga iyon?" tugon ni Mang Tomas.

"Pakuha nga po ng manok at paluto na rin ho!" diring diring sabi ni Kuya at kaagad namang kinuha ni Mang Tomas ang manok at saka hinubad ni Kuya ang kanyang gloves. Napakaarte.

"Kadiri!" sabi ni Kuya.

"Duwag!" pang-aasar nina Ethan.

"Hoy Ethan! I dare you! Hulihin ng biik!" sabi ni Kuya. Aba, 'kala mo'y hindi siya diring diri sa putikan, huh.

"No way!" angal ni Ethan.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon