抖阴社区

HATE ? FIFTY-SIX

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy! Hoy! Walang KJ!" panggagatong ko pa. "Mamaya mayroong palaro sa paghuli ng biik doon sa labas. Sasali tayo!"

"Tayo? Ibig sabihin niyon, kasali ka!" sabi ni Vhan.

"Syempre hindi ako kasali," sabi ko. "Hindi ako magaling diyan eh."

"Sabi mo walang KJ?" si Kuya na umepal pa-buset.

"Sige payag ako pero dapat kasama sina Alexia, Jamie at Sharmaine saka si Kian."

"Hindi Ate, taga-video at picture na lamang ako," kontra ni Kian. "Besides, Lola is here naman para mabantayan sina Nightmare."

"Hayun!" sabi ko.

"Hoy Taba, bagay na bagay sa 'yo! Mga kauri mo 'yung huhulihin mo eh!" pang aasar ni Kuya kay Alexia na kaagad na ikinainis nito.

"Ha-Ha-Ha, nakakatawa! Gusto mo ingudngod kita sa putikan? Ay! Doon pala sa tae ng mga biik para jackpot talaga 'no?"

"Wohoy! Tigilan n'yo na nga 'yan! Hahaba na naman ang usapan! Para tapos ang usapan, tayong lahat ay sumali roon!" panghahamon ni Vhan. "Walang atrasan at walang kill joy!"

Iniwan ko na lang sila dahil magkokontrahan na naman silang lahat. Basta ako'y gusto ko munang tingnan kung may lutong pagkain na.

Pumunta ako kina Mang Jerry at Mang Tomas na ngayon ay nagluluto na sa malaking talwasi. Nasa labas itong mga ito malapit sa abuhan namin kung saan sila nagluluto gamit ang kahoy.

'Yung manok ay tadtad na kaya ilululuto na lang. "Mang Jerry, Mang Tomas!" tawag ni Lola.

"Ano po iyon Ma'am?" tanong nina Mang Tomas at Mang Jerry.

"Ipahanda n'yo ang kubo at magbo-boodle fight tayo."

"Sige ho mam, sasabihin ko ho sa mga tauhan," sabi ni Mang Tomas at naiwan na lang si Mang Jerry.

"Oo nga pala po Lola, balak naming manghuli ng biik sa labas 'yung palaro po," sabi ko.

"Ay uo nga pala, ang nagpasimula ng larong iyon ay si kapitan at talagang masaya 'yon!" sabi ni Mang Jerry habang nagluluto.

"Aanuhin n'yo naman ang biik kung makahuli man kayo?" tanong ni Lola.

"Syempre po, ibibigay namin kina Mang Tomas at Mang Jerry-hihihihi kaya sana po makahuli ako mamaya. Promise po kapag nakahuli kami ibibigay namin 'yon sa inyo."

"Ay siya'y kung ganoon ay good luck! Sana'y makakuha kayo ng biik."

"Syempre po, gagalingan namin!"

"Sige," sabi ni Mang Jerry. "Pero teka, ano ga ang ginagawa mo rine?"

Napahawak ako sa tiyan ko at alam na 'yon ni Mang Jerry kung ano ang ibig kong sabihin. Kaya naman napatawa na lang siya at iiling-iling na kumuha ng platito sabay nilagyan ng laman ng manok.

Kung si Kuya ang kakain nito, sigurado akong lulurain niya 'to. Ayaw niya kasi ng mga lamang loob. Sobra kasi talagang arte niyon eh.


NAKAHANDA na ang pagkain. Dito sa kubo namin napagpasyahan na kumain ng tanghalian. Madami kaming mga narito at halos mga tauhan ni Lola ang mga nakisabay sa amin. The more the merrier ika nga.

"Sabi na nga ba eh, kaya wala ka! Alam na alam kong pupunta ka rito dahil kakain ka na naman!" puna ni Kuya.

"Bakit ba? Eh, sa gusto kong kumain. Anong magagawa mo roon?" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon