抖阴社区

HATE ? FIFTY-SEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tse! Lahat naman ng tao makasalanan!" sagot ko saka ako umalis sa may main hall. Baka kasi humaba na naman ang pagtatalo namin ni Kuya. Hayun talaga, lagi akong napupuna. Ang sarap niyang kutusan kung hindi lang talaga siya ang mas matanda sa amin. Talagang tatanda na siya dahil magbi-birthday na siya ulit. Gugurang na at kukulubot na ang balat, hmmpk. Nanggigigil ako eh.

Alam mo pinangarap ko rin na maging panganay, alam mo kung bakit? Dahil kapag naging panganay ako makakaganti ako kay Kuya. Ang bad ko talaga.

Pumunta na lang akong kusina at tiningnan kung ano ang mga pagkain. Nakita ko sa isang basket ng makopa. Hinugasan ko muna ang makopa at saka ko hiniwa hiwa 'tapos kinain ko. Ang sarap niya, parang lasang apple.

"Kumakain ka na naman!" puna sa akin ni Kuya. "Pahingi ako. Huwag kang magdadamot! Galing kang simbahan, masama 'yon!"

Napilitan akong ibigay ang kalahati kay Kuya. Hindi na lang ako makakontra dahil masama nga naman ang maging maramot. Sinundan ko na lang siya ng tingin at saka umalis na rin. Arrgh! Talagang si Kuya!

GABI na. Sobrang bilis ng oras at bukas babalik na kami sa San Pablo. Grabe, sobrang halaga talaga ng panahon at minsan naiisip ko na sa ilang oras na nakatunganga ka, marami ka na palang nasasayang na oras. Gaya ng pagce-cellphone, hindi mo namamalayang hapon na pala at nakatutok ka pa rin sa phone. Napansin ko lang 'yon at tama ako, ang daming nasasayang na oras para sa mga walang kuwentang bagay kaya dapat may sense ang ginagawa.

Kumain kami ng hapunan at kagaya ng mga nakaraang araw, puro kuwentuhan ang naganap.

"Lola, sumama ka na sa amin bukas!" pagpupumilit ni Kuya. "Birthday ko na sa November 2! Please po!"

"Sige pero babalik ako kaagad ah! Kailangan kasi ako rito eh," sabi ni Lola.

"Salamat po Lola!"

"Hindi ka ba dadalaw sa sementeryo? Si Ellaine nakadalaw na, kayong dalawa ba?"

"Syempre naman po Lola, nakadalaw na po kaming dalawa ni Kian. Nako 'yung isa riyan laging nangunguna,'tapos napapahamak naman."

Hindi ko na lang pinansin si Kuya at pinagpatuloy ang pagkain. Baka mawala pa ako sa mood pero hindi naman talaga ako nawawalan ng mood sa pagkain eh. Pagkatapos niyon, saglit akong lumabas ng mansyon. Nanatili ako rito sa may terrace, dito sa may glass slide door, saka umupo sa bench na malapit dito.

Tumitig ako sa kalangitan. Ang ganda ng kalangitan at nakakahumaling ang kagandahan ng mga bituin sa kalawakan. Bigla ko tuloy naalala si Mama. Ang hilig kasi talaga niyon mag-star gazing kaya ngayon, alam ko na kung bakit sobrang hilig niya roon dahil sobra naman talagang maganda ng kalangitan, makahulugan sila.

"Love is just like the universe—endless, mysterious, and full of wonder."

Narinig kong muli ang malamig niyang boses na ikinasanay ko ng pakinggan. Tumingin ako rito sabay ngumisi.

"Because universe always fall in love with a stubborn heart," pambabara ko. "Yeah, universe nga." Pinagmasdan ko ang kilos niya at umupo naman siya sa gilid ko. "Bakit nga ba ang universe ay naging love para sa 'yo?"

Nakakadiri naman 'tong love thingy na ito. Bakit naman kasi naisingit niya ito?

"Love is the most powerful force in the universe. Just like God created the universe with a purpose and a pattern, He also created love with meaning. The stars, planets, and galaxies all follow a beautiful order, just like how love has its own way of showing itself. They're both here for a reason: because God made them, and He is the source of both the universe and love."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon