Sa bawat pagtingin nya sa akin ng ganito parang nahuhulog ulit ako at natutuliro.
Aasa na naman ba ako?0w
Bigla akong napatayo at iniwan siya ng hindi man lang nagpapaalam. Naiinis ako, naiiyak ako.
Ayaw ko na, tama na!
NOVEMBER 1, 2017: Tuesday. Dumating ulit si Kuya Jonas para sunduin kami rito. Madaling araw pa raw tinahak niya na ang daan para masundo lang kami, gamit ang van na para sa aming lahat.
Medyo kaunti lang ang dala namin, pero si Kuya. Ang dami niyang dala, isang maleta nga eh.
"Grabe ka naman Kaizer, isang maleta talaga?" tanong ni Vhan at parang nagtaka pa.
"Syempre," sagot naman ni Kuya.
"Mang Jerry at Mang Tomas! Aalis na po kami Salamat po sa inyong paglilingkod!" sabi ni Kian.
"Ala eh, mamimiss namin kayo!" naiiyak na sabi ni Mang Jerry na kaagad naman nasapok ni Mang Tomas.
"Alay! Napakadrama mo naman eh!" bulyaw ni Mang Tomas sabay tingin sa akin. "Masaya kaming bumisita kayo rito at sana'y maulit muli."
"Oo naman po, babalik kami!" sabi ko.
"Nako, oo nga pala, Mang Jerry at Mang Tomas, baka puwede po kayo bukas? Birthday ko po kasi."
"Nak-o Boss Kaizer, hindi ho kami pwede eh at gawa nang kami ang magbabantay sa hacienda habang wala si Ma'am. Sa susunod na lang ho!" sabi ni Mang Tomas.
"O sige po! Salamat po sa pag-guide sa amin. Hanggang sa muli po nating pagkikita!"
Mayamaya umalis na kami kasama si Lola. Sabi niya, pagkatapos lang daw ng birthday ni Kuya aalis na siya ng kinabukasan dahil sa hacienda.
Nakatulog na ang iba samantalang ako'y inatupag ko ang pags-soundtrip. Bigla naman akong napasulyap kay Zander na nakatingin sa labas at tila pinagmamasdan ang daan at kagaya ko rin naka-earphones siya.
Masyado nga siguro ako naging masama kagabi at bigla ko siyang iniwan.
Nag-update ako sa instagram at sa facebook, saka ko sila itinag. Pagkakapost ko niyon, kaagad na nag-pop up sa notifications ko ang comments at reactions nila. Nakakagulat kasi ang dami na namang nag-react na fangirls ng H4 or The Four. Biglang nag-vibrate ulit ang phone ko at tiningnan ko ang nagpop up sa aking notifications.
Napatingin kaagad ako sa taong nag-react ng post at kasalukuyan itong nakatingin sa akin sabay ngumisi. Sinamaan ko na lamang ito ng tingin sabay bumalik muli sa phone ko. Pinusuan niya ang post ko na nakatag sa kanya, bago ito ah.
"HALA, tulog pa si Ate eh."
"Hayaan mo siya! Picture-an mo dali!!"
"Ayaw ko nga, Kuya."
"Ako na nga!"
Napamulat ang mata ko dahil sa liwanag na nanggagaling sa harapan ko. Napakunot ang noo ko sabay bigla realize ang ginawa nila sa akin.
"Kuya!! I-delete mo 'yan!!"
"Ayaw ko nga!" Sabay dumila pa 'tapos kumaripas ng takbo, pero may paghabol pa. "Ipopost ko ito!"
Napahalukipkip ako at pumungay pa ang mata dahil sa inis. Grr, nakakainis talaga ang bakulaw na 'yon! "Don't worry Ate, ihahack ko ang phone ni Kuya para ma-delete 'yung picture mo."
Oo nga pala, may Kian pa akong maasahan. Napayakap na lang ako sa kapatid ko dahil sa sinabi niya.
"Thank you, Bunso!" sabi ko. "O siya! Tara na sa loob."
Tumango siya at ako nama'y kinuha ang bag ko saka pumasok kaming dalawa ni Kian sa loob ng bahay. Nagulat ako nang makita ko silang apat na magkakaibigan na nakaupo sa couch. Nakaalis na pala sina Jamie, hindi ko man lang sila nayakap.
Bigla tuloy akong napahawak sa ulo ko at inaantok na tumaas ng kwarto habang silang lahat ay nakatingin sa akin, siguro. Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga pero kahit na humiga ako, hindi pa rin ako makatulog.
Masakit ang ulo ko. Anong ibig sabihin niyon? Ah, iinom ako ng gamot.
Tumayo ulit ako para kumuha ng gamot sa ibaba.
"Kuya!" tawag ko kay Kuya. "Kuya!"
"Ano?" pasinghal na tanong nito.
"May gamot ba riyan sa sakit ng ulo?"
"Doon sa first aid kit!" sagot nito saka niya pinagpatuloy ang paglalaro ng video game kasama ang mga kaibigan niya.
Kinuha ko ang gamot sa first aid kit, saka ininom ito sabay pumikit. Noong pagmulat ng mata ko saka ko lang narealize ang disenyo ng bahay namin na puno ng agiw, puro nakakatakot ang design at higit sa lahat—what the heck!
Ang theme ng birthday party ni Kuya ay Halloween! Kaya pala! Kaya pala hindi niya sinasabi sa akin dahil alam niya na ayaw ko nito at kokontrahin ko lang.
Arrgh! Kuya! Nang aasar talaga siya! Maraming imahe ang nasa isip ko gaya ng mga clown, mga manika at lalo na si—VALAK!!!!!
"I hate you Kuya!"
Narinig kong humagalpak ito ng tawa—kahit kailan pahamak ka talaga!

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FIFTY-SEVEN
Magsimula sa umpisa