抖阴社区

HATE ? SIXTY-THREE

Magsimula sa umpisa
                                    

NOONG sandaling makarating kami sa Dean's Office, kaagad na dumako ang aking tingin sa mga traydor ng student council. Pinukulan ko sila ng tingin ngunit hindi masama dahil baka mabaligtad ako nang dahil lamang sa tingin. Mas gugustuhin ko na lamang na maging kalmado kaysa maging defensive sa harap nila.

"You may now take a seat, Mr. Salvador." Sinunod ko naman si Dean at umupo ako. "Alam ninyo naman siguro kung bakit kayo narito 'di ba?" tanong sa amin ni Dean. "Ayon kay Mr. Villegas, ikaw daw Mr. Salvador ang nagpasunog ng laboratory kanina."

"Kabaligtaran po yata ang sinabi niya," kontra ko ngunit mahinahon. "Nasaan ang ebidensya na magpapatunay na ako ang nagpasunog. Maniniwala lang ako kung may maibibigay ka sa 'kin," sabi ko habang nakaharap kay Kieth, pero wala silang naging ebidensya. "See? Wala."

"Mayroon kaming ebidensya," sabi ni Grace at ibinigay nito badge ko ng student council. "Nakita po namin iyan sa mismong laboratory."

Kaya pala nawawala ang badge ko noong isang buwan kasi kinuha nila. "I thought I lost it somewhere but I was wrong, you stole it, para madiin ako rito," sabi ko sabay ngumisi.

"Nagsisinungaling po iyan Dean!" sabi naman ni Karen. "Paano namin mananakaw iyan eh nakita nga namin sa lab. Isa pa, lahi mo talagang magsinungaling, 'di ba gangster ka? Syempre kaya ka defensive kasi ayaw mo rin malaman ng lahat ng tao na isa kang gangster."

"So the rumors are correct?" tanong naman ni Dean at pinukulan ako ng tingin. "I won't take it as a consideration, Mr. Salvador. You might evict in student council because of your drastic actions, as well you will also be expelled from this school."

"So is that mean now that we will also evict in this school," sabi ni Riella. "Because we are also gangsters?"

Bahagyang nanlaki ang mata ni Dean nang dahil sa sinabi ni Riella. Kaya naman napatingin ako rito. She is fearless and anytime kaya niyang makipagdebate sa mga ito, kahit na kay Dean pa.

"Sa batas ng eskuwelahan, maaring mapatalsik ang isang officer ng student council kung napatunayang isa siyang gangster. As you can see and heard po Dean, gangster siya," sabi pa ni Karen.

"You just keep quiet, b*tch," sabi ni Riella.

"Huh? Hindi dahil isa ka sa apo ng may ari ng school na ito hindi kita papatulan huh!" sabi ni Karen sa kabilang panig .

"Mali ka rin sa iyong pinaparatang Karen, dahil ayon sa Zage University's Student Handbook na nai-published noong nakaraang 2015, walang sinasabing mapapatalsik ang isang officer ng Zage University kung ito ay isang gangster," sabi ng aming future lawyer na si Ethan napatahimik silang lahat lalo na si Karen. "Kahit anong basa ninyo rito, wala kayong makikita na bawal maging presidente ang isang gangster," sabi ni Ethan. "As well as you rin po Dean, sorry to say this po pero mali po inihayag ninyo kanina tungkol sa pagpapatalsik sa amin. We might get some consequences because we are gangsters but not in eviction. Nasa handbook po ang patunay at nakasaad ang katotohanang binabanggit ko."

"But if Mr. Salvador was proven guilty behind the incident, he will get evict in this school," sabi ni Dean sabay tingin sa kabilang panig. "Pati na rin kayo. Nakasaad sa handbook na mapaparusahan ang sinunang estudyante na nagkakalat ng fake news sa loob at labas ng eskuwelahan at walang katibayan ang mga sinasabi."

"Dean! Nagsasabi po kami ng totoo. Sila ang dapat ang managot! Wala kaming ginagawa tapos sisisihin nila kami!" pagiinarte ni Grace.

"We are talking about Kieth and Eice. Why don't you both shut your f*cking mouth?" gigil na sabi ni Riella dahil nantatarak na ng mata eh.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon