"Pero ikaw pa rin ang sumunog ng laboratory," sabi ni Dean. "I am just doing my job, Ijo."
"If you born poor it is not your fault and if you die poor, it is your fault." Napatingin kaming lahat kay Zander at bigla ko ulit naalala si Ellaine sa mga salitaan niya. "Would you want to ruin someone's future because you haven't given him another chance, is that so?"
Parang natamaan naman ang pride ni Dean. Tama naman kasi si Zander sa sinabi nya. May alibi naman si Erwin kaya niya ginawa 'yon at ang mali niyon ay sinunog niya ang laboratory. Buti na lang at walang namatay kasi talagang makukulong siya.
"There are possibilities that he might do if you remove his scholarship, it's either he steal or he commit suicide," malamig nitong tugon pero alam kong bagot na bagot na siya at inaantok sa away na ito. "Is that so?"
Sa ganitong pagkakataon, nagagamit talaga ni Zander ang galing niya sa pakikipagsalitaan. Hindi man siya maingay katulad namin ni Vhan eh magaling talaga siyang mangkumbinsi.
"Kahit na ikaw ang may ari ng school na 'to, wala kang karapatan na pakialaman ang school policy at magdesisyon na lamang1" sumbat ni Grace.
"Hindi niya 'yon gagawin kung hindi n'yo siya inutusan na ipasunog ang lab. Kaya kayo ang mastermind at galamay lang siya," sabi ni Riella. "Saka kung tatanggalan naman siya ng scholarship, kami na ang bahala kay Erwin," sabi ni Riella. "Saka Flores, hindi makatwiran 'yang sinasabi mo, wala ka lang pera para pangtustos kay Erwin."
"Anong sinabi mo?!" kontra ni Grace.
"Oh bakit? Kaya nga nagnanakaw kayo sa pera ng student body kasi talagang uhaw na uhaw kayo sa pera."
"Wala kang ebidensya!" kontra ni Grace.
"Please Miss Flores, pagsalitain muna natin siya," sabi ni Dean sabay turo kay Riella. "Sige Miss Terrazzo, continue."
Tumingin sa akin si Riella. "Opo Dean, sila rin ay nagnanakaw ng pera ng student body kaya nagkukulang ang pondo para sa mga estudyante. Nasa kamay na ni Mrs. Kang ang mga dokumento hinggil doon at panigurado po akong magpapaliwanagin ni Mrs. Kang ang ginawa ng mga nasasakdal," sabi ko.
Tumingin ako kay Riella. "Gaya po ng sinabi ko kanina, kami na po ang bahala kay Erwin kung sakali siya'y matanggal sa list ng mga scholar," sabi ni Riella. "At kung hindi man po matanggal, bibigyan po ng pamilya namin ng extra allowance ang magkapatid para sa pang araw-araw na pamumuhay nila."
"Ako," sabat ni Vhan. "Ako ang sasagot sa pagpapagamot sa kapatid mo, Erwin. Ipapatakda ko na kaagad ang araw ng operasyon ng kapatid mo, kaya huwag kang mag-alala."
"Zander, why don't we hire him for our restaurant as a waiter?" Ethan suggested, then Zander nodded as a response.
"Babae ba siya?" seryosong tanong ni Riella at kaagad na nag-nod si Erwin. "Okay, I am supporting her needs and yours as well. You just need to study well at patunayan na magbabago na."
Bigla namang napahagulhol na lang ng iyak si Erwin. "Maraming maraming salamat po sa inyo! Talagang hulog kayo ng langit! Napakabuti n'yo!" sabi ni Erwin.
Nakakaheart catching naman ang scene na 'to at deserve lang niya 'yan. Bw*set lang ang officers na traydor, tsk.
"Tapos ngayon gagawa kayo ng maganda para naman kami ang magmukhang masama! Mga pakitang tao lang naman kayo!" sumbat ni Karen. Ayan na naman ang tirada nIya. "Ang gangsters ay masamang tao kaya hindi bukal sa kalooban n'yo ang tumulong."

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? SIXTY-FOUR
Magsimula sa umpisa