"Hindi lahat ng gangsters ay masamang tao," I said.
"Yeah, you're right Eice!" pagkumbinsi ni Riella sa akin. "This girl was creating a lot of illusions over and over again. We don't do these things to show other people that we are nagpapakitang tao lang. Think about it, gosh! You're a student council officer, but you're acting like an uneducated person!"
"Naturingan kang apo ng may ari ng Zage, pero ganyan ka kabastos magsalita!" sumbat ni Karen.
"For your freaking information, ever since I was really rude to speak, not like you. Grr, just suck a d*ck to shut you up, b*tch!" kontra ni Riella.
Bastos talaga siyang magsalita dahil mala-amazona talaga 'yan, which is like a mythical greek-warrior.
"Shut up! Nagsisimula na naman kayo at lalo ka na, Miss Terrazzo. Pwede bang ako naman muna ang magsalita?" pag-aawat ni Dean kaya naman napatahimik ang dalawa. "Ngayon ay nakapagsalita na ang dalawang panig kaya ako naman ang magsasalita. Pakiusap, wala munang side comments at sana ay rumespeto kayo . . ." Sabay sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito. ". . uunahin muna kita Mr. Macalintal, alam kong libre ka na sa scholarship, pero kahit na ganiyon, may karampatang parusa pa rin ang mga aksyon mo dahil kahit na napag-utusan ka lang nila . . ." Sabay turo kina Kieth. ". . . Aba ay, suspended ka pa rin dahil sa paglabag mo. Isang linggong suspension at karagdagan ang obserbasyon ng isang buwan, pero kung nagkataong may namatay sa aksidente, maari kang ma expell sa school na ito at makulong. Naiintindihan mo ba? Clear na ba tayo roon?"
"Opo, Dean."
"Kayo naman Mr. Salvador, hindi kayo makakaligtas sa akin. Isang linggong suspension ang para sa inyo . . ."
"B-Bakit Dean?" tanong ni Vhan. Palibhasa kasi si Vhan, iniingatan niyang magkakaso sa school kaya iyan ang reaction niya.
"Dahil gangster kayo, 'di ba't pinagbabawalan ang pagkakaroon ng anumang grupo o gang sa school?Puwera lamang kung hindi ko alam, hindi kayo mararapatan ng parusa, ngunit nalaman ko kaya may suspension kayo. Pero dahil sabi n'yo hindi lahat ng gangsters ay masama at natulong kayo sa kapwa. O siya . . ."
"Hindi na po tuloy?" tanong ni Vhan.
"Tuloy pa rin at isang linggong suspension pa rin."
"Dean naman!!" reklamo ni Vhan.
"Gusto mo bang ma-expell? Ayaw mong suspension kaya baka gusto mong ma-expell."
"Sino bang may ayaw ng suspension? Syempre wala! Heto namang si Dean, parang nagbibiro lang naman po!" sabi naman ni Vhan-stupid Vhan.
"At para naman sa inyo Mr. Villegas, isang linggong suspension at kailangang dalhin n'yo sa akin ang mga magulang ninyo, ora mismo at para mapag-usapan namin ang issue n'yo regarding this para matapos na at daily observation."
"P-Pero Dean! Si Kieth naman po ang may kasalanan eh!" sabi ni Karen na kanina'y pinagtatanggol si Kieth laban sa amin.
"Gosh Karen, kahit kailan talaga ang balimbing mo!" sabi ni Grace.
"Nakita niyo na? Pati pala kayo'y hindi nagkakainitidihan. Matanong ko lang kayo, bakit n'yo nga ba ginawa 'to?" tanong ni Dean. "May nagawa bang kasalanan si Mr. Salvador sa inyo?"
Hindi sila makaimik. Sinasabi ko na eh, alam kong gusto ni Kieth na maging presidente at maalis ako sa puwesto kaya gumawa sila ng paraan para masiraan ako, pero wala pa rin, wala silang nagawa.
"Kaya kong ibigay sa 'yo ang katungkulan ko bilang presidente," sabi ko, sa wakas nakaimik na rin ako. "Pero ako ang pinili ng kapwa ko estudyante bilang kanilang presidente at ikaw Kieth, kayong lahat, pinili kayo kasi may tiwala sila sa inyo at maging inspirasyon sa kanila . . ." Napalunok muna ako bago magsalita. "Kieth, kung gusto mo lang pala na maging presidente e 'di sana tumakbo ka pa noon pa. Kayo Karen, isa kang treasurer at ikaw ang pinagkakatiwalaan sa pera ng student body, pero bakit nababawasan 'yon?" Sabay harap ko sa dalawa. "Kayong dalawa, chairperson kayo, kaya dapat ginagampanan ninyo ang katungkulan n'yo bilang chairperson, at ikaw Kieth, kanang kamay kita, pinagkatiwalaan kita pero parang sinaksak mo ako patalikod. Hindi n'yo ba naisip na baka masira tayo sa mga estudyante at hindi nila tayo pagkatiwalaan? Gusto n'yo ba 'yon?"
Umiling silang lahat at siguro'y naiisip na nila na tama ang sinasabi ko. "Pasensya na rin sa pagiging mahigpit ko pagdating sa council related works. Tandaan n'yo na kaya tayo'y naroon ay para maglingkod sa student body at medyo luluwagan ko na ito para hindi na kayo makaramdam ng pagkasakal. Syempre, isa pa rin kayong council members at wala akong karapatan para patalsikin kayo. Nasa desisyon n'yo na ang pagbaba sa tungkulin n'yo, ngunit alam kong kaya kayo sumali sa student council noong una pa lang ay para maglingkod sa mga kapwa estudyante natin kaya naman mas maganda kung nagtutulungan tayo at hindi nagtatrayduran," sabi ko.
Napapalakpak si Dean. "Karapat-dapat ka ngang maging student council president," sabi niya pa. "Sana magkaayos na kayong dalawang panig at sana rin wala ng makaalam ng mga pinagusapan natin ngayon para hindi masira ang imahe ng bawat isa sa inyo. Malinaw ba?"
"Opo."
"Okay, you may go now," sabi ni Dean at kami'y nagsilabasan na.
Nag-umpok ang mga members na nakailitan namin kanina at lumapit sa akin.
Napangiti ako at tinanong sila, "Commit or quit?"
"Commit," sagot ng mga ito.
"Then good, I am very glad working with you guys!" sabi ko sabay ngumiti.
"Pasensya na Mr. President," paghingi nila ng pasensya sa akin.
"Haharapin namin ang karampatang parusa ninyo ni Ma'am Ziamara," sabi ni Grace. "Pasensya na talaga sa mga nasabi ko."
"Hindi ako magpaparusa 'no! Basta magpaliwanag lang kayo ng maayos kay Ma'am Ziamara at sabihin ninyo ang totoo," sabi ko. "O siya, go back to work na."
Nagsikilos na ang mga officers at natira na lamang si Keith. "Patawad Kaizer sa pagiging unworthy na officer, patawad," sabi nito. "Ipinapangako ko rin na hindi namin sasabihin kahit na sinuman na gangster kayo. Sasabihin ko rin sa napagsabihan ko sa news organization na fake news ang nasa diyaryo at walang katotohanan ang sinabi ko."
"Alam kong hindi n'yo na uulitin ang pagkakamali n'yo kaya ayos na!" sabi ko at sumagi sa isipan ko ang isang mahalagang bagay. "Nabanggit mo kanina na may natanggap kang message sa kung sinuman, spy ba kayo? Or something?"
"Hindi," sagot nito. "Pero kapalit lang ay paninira sa inyo at pagsunog ng laboratory," dagdag pa nito. "Kapag nagbibigay siya ng cue, saka lamang kami nakilos. Dala siguro ng galit kaya kami nakagawa ng mga iyon, kaya patawad talaga."
"Ayos lang." Ibig sabihin niyon, hindi pa rin alam ni Kieth kung sino 'yung nag-message sa kanya. "Nakita mo na ba siya sa personal? Nakausap man lang through phone?"
Umiling ito at sinabing, "Hindi, Nagkakapalitan lang kami ng impormasyon through message."
"Pwede ko bang mabasa ang message?" tanong ko.
"Oo naman," sabi nito. "Bakit nga ba isiniwalat niyon na gangster kayo? May atraso ba kayo sa kanya?" tanong nito habang tinatanggal ang sim card niya. "Here! Dito kami madalas magkausap sa second sim card ko."
"Saka na ako magpapaliwanag sa 'yo ah," sabi ko. "Sana hanggang sa inyo na lang ang nalalaman n'yo tungkol sa amin."
"Oo, pangako," sincere na sabi ni Kieth. Naniniwala ako na hindi siya nagsisinungaling.
"Maraming salamat," sabi ko sabay naglakad na palayo para pumunta sa tambayan.
Pagkarating ko roon, kaagad kong isinalpak sa phone ko ang sim card ni Keith sa phone ko at tiningnan ang message ni Adamiyn sa kanya.
From: Anonymous
To: Kieth VillegasThe four's biggest secrets,
Expose them using evidence,
Ruining their reputation is a must,
To reveal them in their true husk.So he is really desperate to turn us down.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? SIXTY-FOUR
Magsimula sa umpisa