抖阴社区

HATE ? SIXTY-FIVE: ENDING OF PART 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Almost a months ay nagsinungaling siya sa akin, na siya si Knight in Shining Armor para sa isang prank at pustahan? And now I really need to believe in my intuition. Bakit kasi nililihis ng isipan ko ang mga kutob kong tama!? Sana kung naniwala ako sa kutob ko e 'di . . . hindi ako iiyak ng ganito.

Kapal talaga ng mukha.

Napakuyom ang kamao ko sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko. Anumang oras kaya ko talagang manuntok, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko gamit ang suntok. Bigla tuloy sumagi sa isipan ko 'yung sinabi ni Alexia na masama ang kutob niya kay MJ. Noong sinabi ni MJ na siya si Knight in Shining Armor. 'Tapos 'yung mga sinasabi sa akin ni Kuya. Arrgh, bakit ba ang bilis kong maniwala? Bakit ba ang tanga ko para hindi 'yon malaman? Ang bobo ko para hindi 'yon maisip.

"Masaya ka na bang marinig ang katotohanan mula sa kanya?" tanong ni Remi.

"Hindi ako masaya," sabi ko.

"Bakit? Mahal mo ba siya?" nakanigising tanong ni Remi.

"Hindi," sabi ko at hayun ang katotohanan. "Hindi ko siya mahal, for your information! Hindi ako masayang niloloko ako ng ibang tao. Sinabi niya na siya si Knight in Shining Armor not knowing na 'yung taong 'yon ang nagliligtas sa akin and all I want is to thank for him, pero malalaman ko na maling tao ang dapat kong pasalamatan. MJ claimed that he is Knight in Shining Armor at ako naman itong utu-uto ay naniwala sa mga kasinungalingan niya!" I roared. "Masaya na ba kayong makita na masaktan ako? Bakit n'yo ba ginagawang biro ang isang tao?! Ano ba nagawa ko sa inyong masama para lokohin ako ng ganito, huh? May mapapala ba kayo sa panloloko ng iba? Sa panloloko sa akin!?"

Natahimik sila sa sinabi ko dahil sa mga oras na ito hindi ko mapigilan na magalit.

"Pwes, kung ganoon congratulations dahil nasaktan n'yo ako sa pustahan n'yong mga gunggong kayo!" sabi ko at saka tumalikod. "I was given you a chance to change MJ, pero mas pinili mo pa rin ang dati mong ginawa at napagtanto ko sa sarili ko na hindi na ako muli mahuhulog sa mabubulaklak mong salita."

Pagkatapos kong sabihin ang linyang 'yon, nagsimula na akong maglakad papalayo. Hindi ako dumiretso sa silid-aralan ngayon sa halip, sa secret garden ako pumunta. Dito ko kasi naibubuhos ang iyak ko na walang nakakakita. a lugar na 'to, dito lang ako nakakaramdam ng kalayaan.

Ibinaba ko muna ang bag ko at umupo sa may bench saka ibinuhos ang luha ko.

"Bakit ba ang bilis kong mahulog sa mga salita?" I asked myself. "Bakit kaya ako pa ang pinili nilang lokohin?" I asked myself again. "Ginusto kong manahimik, pero bakit palagi na lang ako ang nakikita nila?" tanong ko ulit sa sarili ko. "All I want is to find and say thanks to that mysterious guy, but he claimed someone's identity just for fun. Napakatanga ko talaga!" sabi ko. "Hindi ba sila nakakaramdam na nakakasawa ng ma-bully?"

Bigla akong nakarinig ng kaluskos kaya bigla akong napapitlag ako. Bigla kong nakita ang isang tao na natutulog. Geez, sobrang pinakaba ako nito.

"I don't forgive those who ruin my sleep no matter who they are," malamig niyang tugon saka siya umupo mula sa kanyang kinahihigaan kaya naman kaagad akong nagpunas ng luha sabay hinarap siya. Napapitlag ako nang nasa tabi ko na siya at nakatitig sa akin ng diretso. "Did you cry?" seryosong tanong niya. "Again, did you cry?"

"Bakit ka ba narito Zander? 'Di ba suspended ka ng isang linggo," sabi ko. "Hindi naman tayo magkabati ah para kausapin mo ako ng ganito saka umuwi ka na sa inyo at magpahinga."

"Did you cry?" pag-uulit nya muli sa tanong niya kanina.

"Paano kung ganoon na nga? Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Who made you cry?" tanong niya ulit at ang tanong na 'yon ang nagparamdam sa akin ng kaba.

"Don't mind me, Zander," sabi ko. "Umuwi ka na sa inyo! Dali!!"

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon