Kaizer
NAGTATAKBO na ako papuntang tambayan. Naiwan ko na 'yung dalawa kong kapatid sa pagmamadali dahil sa isang balita, magandang balita! Kaagad kong binuksan ang pintuan napatigil sila sa kani-kanilang ginagawa. Si Ethan at Vhan lang ang nasa kwartong 'to at wala si Zander.
"Anong nang nangyari? Nanalo ba si K.O?" bungad na tanong ni Vhan. "Lintek pinatayan mo kami kagabi eh! Sabi mo sasabihin mo kaagad!"
Nag-nod ako bilang sagot. "Yes!" sigaw ng dalawa.
"Tara na sa Dean's Office!" aya ni Ethan.
"Alam na ba ni Zander?" tanong ko.
"Alam mo naman 'yon, advance palagi. Kaya tara na at gusto ko ng makita ang pagmumukha ng hacker," sabi ni Vhan.
Pagkatapos niyon, nagpunta na kami sa dean's office at syempre naroon na rin sina Ellaine, Jamie, Taba at Sharmaine. Pinapunta rin namin sina Katherine para matapos na ang lahat ng problema.
Lumibot ang aking paningin at hinanap si Zander, ngunit wala siya rito.
"Wala si Zander?" tanong ni Vhan. "Nasaan iyon?"
"May aasikasuhin lang daw siya," sabi ni Ethan.
Ano naman kaya iyon? Iimik pa sana ako, ngunit kaagad kaming napadako sa direksyon ng pinto nang ito ay nag-bukas.
"Narito na si . . ." sabi ni Vhan.
"Nakahanda na ang flying phone ko!" bulong ni Jamie.
Noong pagbukas na pagbukas ng pintuan ng dean's office, may pumasok na lalaking medyo matangkad at nakasalamin. Teka nga! Parang kilala ko kung sino ito!
"Shawn?" tanong ni Jamie.
Siya si Shawn Ramirez, ang nakalaban ko sa pagka-presidente. Lumapit si Jamie kay Shawn at hindi makapaniwalang tumingin dito. "Ikaw ba ang may gawa niyon?" tanong ni Jamie.
"Let me . . ." Biglang sinampal ni Jamie si Shawn kaya naman nagulat ako. Si Vhan naman hayun, pakiramdam ko'y iniisip nito na serves you Shawn, something like that.
"Pinagkatiwalaan kita, pero bakit ganoon ang ginawa mo sa akin?! Ang kapal din ng pagmumukha mo Shawn! Ano bang nagawa ko sa 'yo?!" si Jamie.
"Wait Jamie, okay lang na sinampal mo ako, okay lang! Pero may rason ako kung bakit ko nagawa 'yon!" kontra ni Shawn.
"Hindi! Hindi sapat ang sorry lang! Nadamay si Ellaine nang dahil sa 'yo!"
"Let him explain first, Miss Jackson!" sabi ni Dean saka tumingin kay Shawn. "Go Ijo!"
"Inaamin kong hinack ko ang account mo Jamie," pag-amin ni Shawn kay Jamie kaya naman lalo itong nagalit para bang sasabog na sa galit si Jamie dahil sa nalaman niya.
"Kaya pala! Kaya pala hindi ko mabuksan ang accou—"
"Miss Jackson! Let him to explain first, please."
Hinigit ni Ellaine si Jamie paupo at sinusubukang pakalmahin ni Sharmaine.
"Oo, nagawa ko 'yon dahil nakita ko 'yung article na 'yon na account mo mismo ang nag-post. Malalaman ko talaga kung sino ang nag-post kasi member ako ng club natin. At alam kong hindi mo 'yon gagawin kaya nagtaka na ako. Na-hack ang account mo kaya binuksan ko ang account mo without your permission, pinalitan ko ang password mo para hindi na mabuksan ulit ng naunang nang-hack sa 'yo."
"Bakit mo hindi binura ang post?"
"Huli na! Kalat na kalat na ang pictures ni Katherine. Hindi na rin ma-delete ng admins at moderators ang picture dahil kahit mismong forum, na-hack na rin," sabi ni Shawn. "Hindi si Ellaine ang may gawa niyon, kundi si . . ."
"Si Doreen," pagtutuloy ko sa sinasabi ni Shawn.
"P-Paano ako nadamay sa isyung 'yan? 'Di ko magagawa 'yan 'no!" kontra ni Doreen.
"Bakit naman nadamay rito ang kaibigan ko?" tanong ni Katherine. "Hindi gagawin ni Doreen 'yon!"
"Sinasabi ko na nga ba eh! Tama ang kutob kong isa sa kanila ang gumawa niyon," bulong ni Jamie.
"At talagang bumubulong ka pa riyan eh naririnig ka naman namin!" sabi ni Doreen.
"Oh eh bakit natamaan ka?" Sabay halakhak ni Jamie. "E 'di ikaw nga ang may kasalanan!"
Napadako ang tingin ko kay Shawn at ngayo'y may kinuha ni Shawn sa bag nya at linakita nya ang content ng nasa laptop. "Narito ang pruweba na si Doreen ang naka-match sa address at kung sino ang naunang nang-hack ng account mo, Jamie."
"Huwag n'yo akong pagbintangan sa kabaliwang 'yan!" sabi ni Doreen na todo deny pa.
"At dapat malaman lahat ng mismong Kuya mo ang lahat ng nangyari sa 'yo, Ellaine, noong araw na wala siya sa campus."
Napalaki ang mata ko at dumako kina Ellaine at Shawn ang tingin ko. "A-Anong dapat malaman?"
"Na biktima ng bullying si Ellaine," sabi ni Vhan na siyang ikinagulat namin. May alam si Vhan? Heto ba 'yung tinutukoy na dahilan ng sigalot na 'to?
Bakit wala akong alam!?
"Go, continue, Mr. Alonzo," sabi ni Dean.
"Sorry Ellaine at Jamie, alam kong nangako ako, pero ayaw ko namang maging piping saksi na lang sa lahat nangyari sa 'yo. Tama si Shawn, Kaizer, dapat mong malaman ang lahat ng nangyari kay Ellaine."
"Ito po bang proof na nagsasabi kami ng totoo ni Mr. Alonzo," sabi ni Shawn saka ipinatong ni Shawn ang laptop niya sa table ng dean at lumapit naman kaming apat doon.
Nasasaksihan namin ngayon kung gaano nila sinasaktan ang kapatid ko at halos hindi ko makaya ang napapanood ko.
Alam kong marami na akong nakikitang ganito sa school, pero hindi ko alam na kasama na pala sa binubully ang kapatid kong si Ellaine. Napakawalang kwenta kong Kuya. Nakakahiya ako! Wala akong kaalam alam sa nangyari.
"H-Hoy, naiinis lang kami kay Ellaine pero hindi kami nambubully sa kanya!" kontra ni Christine.
"Ano't tatanggi ka pa riyan eh palagi n'yong binubully si Ellaine, pero ayaw lang talagang magsumbong ni Ellaine kasi ayaw niyang magkagulo," sabi ni Sharmaine.
"Mas malala pa talaga ang nasasapit niya kaysa sa ibang nabully," sabi ni Jamie. "Baka nga binubully rin siya habang nakatalikod kami eh."
"And they were the one who set-up doon sa nangyari noong awarding," sabi naman ni Taba. "Nariyan na rin po sa laptop ni Mr. Ramirez ang evidence."
Lalong uminit ang atmospera sa kwartong ito nang dahil sa inihahayag nila. Hindi ko magawang magsalita dahil wala akong alam sa nangyari.
"Malakas na ang ebidensya na bully kayong apat at si Doreen ang tinuturong nag-post ng article using Miss Jackson's account," sabi ni Ma'am Dean.
"Ahmm, k-kasi po . . ."
"E 'di totoo nga!" sabi ni Katherine. "Totoong ikaw! Akala ko kaibigan kita? Bakit mo ba nagawa sa 'kin 'yon?!" tanong ni Katherine kay Doreen.
"Pati kaibigan mo sukang suka sa 'yo, eww," bulong ni Jamie-dakilang ranter talaga 'to.
"K-Kase gawa ni Vhan," sagot ni Doreen.
"Ano't nadamay pa ako riyan?" biglang tanong ni Vhan.
"Gusto kong siraan si Jamie kay Vhan, gamit 'yon para mapantshin mo ako kasu may gusto ako sa 'yo, Vhan."
"Sorry pero ayaw ko sa taong naninira ng reputasyon ng ibang tao," sabi ni Vhan. Tengene, lakas makacharming ng unggoy na 'to ah. "Walang sakitan ng kalooban, pero hayun ang totoo."
"I am really sorry Katherine," naiiyak na sabi ni Doreen.
"No, I won't accept your apology!" sabi ni Katherine.
"Nag-sorry na nga ah!" sabi ni Irene. "Napakatigas naman ng kalooban mo Katherine."
"Sige, magkampihan pa kayo, tsk," sabat ni Christine.
Biglang tumayo si Dean sa kaniyang upuan noong may tumawag sa kaniya. "Excuses everyone." Saka siya umalis sa kwartong ito. Mayamaya rin ay bumalik siya na para bang balisa.
"For the four of you," sabi ni Dean saka humarap sa tatlo. "Papatawan kayo ng expulsion. Sa sobrang dami n'yong violations sa school rules, dapat lamang na patawan kayo ng expulsion."
"Dean!" Napatingin kami sa direksyon ni Ellaine. "Please po, I am pleading to you po, huwag n'yo po sanang patalsikin sila for the sake of their future."
"Grr, heto na naman siya," inis na sabi ni Jamie.
Nakakainis din ito minsan eh! Dapat nga pumayag syia na maalis 'tong nambubully sa kanya. Takte.
"Bakit ayaw mong maituloy ang eviction? Hindi ba't nabully ka na? Ano pa ang dahilan kung bakit ayaw mong matuloy?" tanong ni Dean.
"Sapat na po 'yung malaman ang katotohanan," sabi nito. "Lahat naman po ng tao kayang magbago, kaya bigyan po natin sila ng second chance and let themselves realize their lesson po," sabi nito. "Madadaan naman po siguro sa pakikipagusap ang nangyayari." Sa pagkakataong ito diretsong nakatingin si Ellaine kay Dean. "Kasi po, maari pong masira ang kanilang kinabukasan kung sakaling matuloy ang expulsion. Ayaw naman po siguro natin na may masirang buhay nang dahil sa isang pagkakamali."
Takte! Bakit ang bait ng kapatid ko?
"At naniniwala po ako na kaya nagagawa nila ang mga bagay na mali man o mabuti, dahil sa kanilang mga rason kung saan, nagmamahal lang sila kaya intindihin n'yo rin po sana ang side nila."
"Nakakainis ka talaga bess!" sabi ni Jamie. "Pero tama ka sa sinabi mo."
"Please, consider her request po sana," sabi ni Taba.
"I considered it," sabi ni Dean. "How about you Jamie?"
"Ganoon din po ang akin, kung ano ang desisyon ni Ellaine, hayun po ang susundin ko."
"Fine, let's have a deal," sabi ni Dean. "Kung mangyayari muli ang ginawa n'yong apat, lalo ka na Doreen, I have no choice, mapipilitan akong ma-expel kayo. Is that clear?" Nag-nod naman ang tatlo. "Starting tomorrow, imo-monitor namin kayo, please bring your parents tomorrow. Meeting dismissed."
Umalis na si Dean kaya naman nagsitayuan na rin kami, since dismissed na ang meeting.
"Pasensya na talaga sa ginawa ko kanina," paghingi ng pasensya ni Jamie kay Shawn.
"Ahh! Ayon ba? Okay lang 'yon, saka deserve kong masampal ng malakas kasi ginamit ko ang account mo nang walang permiso." Sabay kamot ni Shawn sa batok niya.
"May purpose naman eh, basta't ibalik mo na lang sa dati ang password ko at ako na ang bahalang palitan 'yon," sabi naman ni Jamie. "And please, huwag mo na pakikialaman ang account ko ah! Uupakan talaga kita!"
"Promise," sabi ni Shawn.
"Good!" sabat ni Vhan. "At nang hindi na ulit magkagulo."
Pagkatapos ng usapan nila, tumingin naman sa akin si Shawn na nakangiti, habang lumapit sa akin. "You're not K.O right, D.C?"
"How did you know?" I asked him back.
"Hindi magpapakita si Kian para ibulgar ang sarili niya," sabi nito. "Besides, D.C means death club, your code name," he added kaya bigla na akong kinabahan. How did he know about my code name? "Nice, two Salvadors defeat me," he said. "By the way, beware for who you trust in student council, anytime they will stab you behind."
"A traitor in student council?" Sumeryoso ang tingin ko sa kaniya. "I see."
"Yeah, that's why I am willing to help, just ask me."
After he said those, umalis na siya at si Ellaine naman ay lumapit sa akin.
"Kuya . . ." Napatungo ito. "Kuya, sorry kung hindi ko sinasabi sa 'yo 'yung nangyari sa akin, I am scared that you will lose your position, because of me."
Ginulo ko ang buhok siya. "Hindi ka dapat natakot na magsabi sa akin. Wala akong pakialam kung mawala ang posisyon ko sa student body, alang-alang lamang sa kapakanan n'yo, gagawin ko ang lahat."
Pagkarating namin sa tambayan namin, nadatnan namin si Zander na nakaupo, tila hinihintay kami. "Kaizer," he called me. "You're Adamiyn's next target."
Ellaine
"Guys," I called their attention. Napatigil naman sila sa pagkain at tumingin sa akin. "I don't know how to start this, but . . ." Isa-isa ko silang tiningnan. "MJ, he confessed again and told me that he will court me."
"Oh eh anong sabi mo?" tanong ni Jamie.
"I didn't answer him," sabi ko. "I have still no plan to reject him nor accept him."
"If I were you, I won't accept him," sabi ni Alexia. "I have a very bad feeling about him and I didn't trust him."
"I know, ganiyan din ang pakiramdam ko matapos kong malaman na pinapaasa niya lang ako," sabi ko. Sa katotohanan niyan, parang na-offend na ako sa kanya, pero ayaw ko namang tuluyan siyang ipagtabuyan.
"But why you're still undecided?" tanong ni Sharm.
Ngumiti ako. "Kasi may utang na loob ako sa kaniya, he saved me in a numerous ways," sagot ko.
Napalaki ang mata ni Jamie. "Oh wait, is he the one who saved you that night?"
"Knight in shining armor?" tanong ni Sharm.
Nag-nod ako bilang sagot sa kanilang mga katanungan.
"Well if I were you, I still not accept him," sabi ni Jamie. "By the way, it is up to you, kung sasagutin mo siya o hindi."
"Oh by the way, nakita ko kanina si Doctor Harvey!" sabi ni Sharm. "Tinanong niya sa akin kung kumusta si Jamie."
Napatingin ako kay Jamie na biglang nag-blush. "I-Is that true?"
Sharmaine chuckled and said, "I told you, Alexia! Crush ni Jamie si Doctor Harvey!"
"Oh yeah, talo na nga ako! Mamaya bibilihan kita ng mga books na nilista mo."
"Yays! I won! I won!" sabi ni Sharm kaya nagtaka kaming dalawa ni Jamie.
"Pinagpustahan n'yo 'ko?" tanong ni Jamie. "Mga bruha talaga kayo ano? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko eh! Kayo talaga! Oo na! Inaamin kong crush ko si Doctor Harvey pero wala namang masama roon 'di ba!" sabi ni Jamie.
"Paano naman kung may magkagusto sa 'yong iba? Anong magiging reaction mo saka ano gagawin mo?" tanong ni Alexia kay Jamie.
"Magiging mabait ako at hindi lalayo sa kanya hanggang sa madevelop ang feelings ko sa kanya, pero kung may chance ako kay Doctor Harvey, doon na ako!"
"Assuming ka!" sabay-sabay naming sabi.
"Aray!" sabi nito sabay tumawa pa siya. "Oo nga pala . . ." Sabay kuha niya ng bag niya. "Lalabas pa kami ni Vhan kaya sige na bye bye na!"
"Kailangan natin nang pustahan!" sabi ko. "I will kiss Zander kung magiging sila!
Ngumisi si Jamie. "Aba, matindi! Tingnan lang natin."
"Oy! Walang ganiyanan! Mukha kasing jojowain mo na kaagad si Vhan eh!" sabi ko. "Huwag ganoon Jamie! Dapat bukal!"
"Fine fine!" sabi nito. "Oh paano kayong dalawa?"
"Jojowain ko si Eice kapag naging kayo," sabi ni Alexia. "Alam kong mabigat na desisyon ito pero alang-alang kay Jamie, gagawin ko ito!"
Napatawa kaming tatlo kay Alexia saka tumingin kay Sharm. "I will ask Ethan to go out, kapag nagkatuluyan sina Jamie at Vhan."
Napatingin ako sa kaniya at ngumisi. "Oy ah! Hindi ko alam na may pagtingin ka kay Ethan ah!" panunudyo ko.
Napatawa si Sharm. "Of course wala! I have no choice kaya! Besides, mas challenging kung 'yung H4 ang pagpupustahan natin."
"Eh puro yes kayo eh! Madaya kayo!" sabi ni Jamie. "Ako rin dapat! No ang akin! Since all of you are yes, well I am no side na pumupustang liligawan ko si Doctor Harvey kapag hindi naging kami ni Vhan."
"Oo na! Umalis ka na! Baka inaantay ka na ni Vhan," sabi ko.
"Eh naman! Parang gustong gusto na ma-kiss si Zander!" sabi nito sa akin at ngumisi ulit.
"Ayaw ko nga! Pero alang-alang sa love life ng aming kaibigan, gagawin namin ang ikabubuti," sabi ko matching acting-acting pa.
Pagkabalik ko ng classroom, sinabi sa akin ng kaklase ko na pumunta raw ako sa school files storage room para kuhanin ang pulang box sa may row one at ibigay mismo kay Ma'am Ziamara. Kaya naman sinunod ko ang utos ni Ma'am at nagpunta ng storage room, ora-mismo. Pagkarating ko roon, nadatnan ko si Zander na nagtitingin ng mga papeles. Narito kasi ang karamihan sa mga files ng school, kaya nagtataka ako kung bakit siya narito.
I ignored him. Hindi ko siya puwedeng pansinin dahil sa nangyari noong performance. Wala pa rin akong mukha na maihaharap sa kanya.
"Are you planning to accept his confession?" tanong nito kaya napatigil ako.
How did he know? Tumingin ako sa direksyon niya at ngumiti. "Ano naman kung tanggapin ko?"
"I am your boyfriend," he said.
"A contract boyfriend," I corrected. "Kaya ko namang gampanan ang nasa kontrata natin habang nililigawan ako ni MJ 'di ba?"
Hindi na siya nagsalita sa halip ay lumapit siya sa akin dahilan para mapaatras ako. He pinned me on the wall and stares at me. "Who the hell told you that I have a plan to lose you?"
Napatitig lamang ako sa kaniya, lalo na sa kaniyang mata. Something's weird happening. Naninibago ako sa mga kinikilos niya. He is very strange these past few days and I admitted it, ginagambala pa rin ako nang nangyari noong awarding. Gusto kong kalimutan ang halik niya, pero hindi ko malimot-limutan. Ayaw kong magpadala sa nangyari. Shit, alam kong nahuhulog na ako ng paunti-unti, pero paano kung malaman niya ang nararamdaman ko, he will definitely reject me.
Kaagad akong kumawala sa kaniya at pumunta sa pinto nang marinig ko ang malakas na pagsara nito.
Kaagad kong pinihit ang door knob, pero hindi ito nag-bukas. "Bakit na-lock? Bukas lang ito kanina!" sabi ko sabay nagkakatok para marinig ng mga tao sa labas. "Tulong! May tao ba riyan? Na-lock kami rito! Tulong!"
"No one can hear you," sabi ni Zander kaya napatingin ako sa kaniya.
"Tulungan mo na lang ako!" irita kong sabi at nagkalampag nang nagkalampag. But still he is standing beside me, hindi man lang niya ako tinutulungan. "Ayaw mo bang makalabas dito, Zander?"
He didn't respond, sa halip ay umupo na lamang siya sa sahig. I remembered someone like him. Ganitong-ganito kasi ako noon noong na-stuck kaming dalawa ni Zy sa basement nina Lola. Zy was very calm that time. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit mangyayari iyon, pero nangyari na nga ulit ito, kasama si Zander. "Wasting your energy can't help us to survive here, just shut your ass, dummy," sabi nito saka niya ako hinigit paupo.
"W-Why you being calm like that?" I asked.
"Are you scared?" he asked back without answering my question. And as a response, I immediately nodded. "Why?"
I looked at him. "Are you willing to listen?" And he just nod as a respond. "Do you remember a guy that I am talking about way back when we are in hospital?" I looked away from him. "Ganito rin ang nangyari sa amin noong na-stuck kami sa basement ng Lola ko. He is very calm that time while me, I am really scared. Iniisip ko kung paano kami makakalabas gayong nasa basement kami. Nagtataka nga ako kung bakit ang kalmado niya kahit ganoong na-stuck kami. Pero 'yung sinabi niya, parang kagaya mo. Nakakapraning kaya noon at hindi ko na alam ang gagawin ko noon, pero kumalma ako gaya nang sinabi niya and miracle happened! Kaya nakalabas kaagad kami roon. At pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako magpapa-stuck sa isang room. Kaso nangyari na naman ang kinatatakutan ko, hayun ay 'yung ma-stuck muli ako, kasama ka."
"Then you should be like Zy," sabi nito. "I have a question for you." He looked at me. "Did you love Zy?"
I looked at him, eye to eye. "Yes," sagot ko. "But there are times that I should let go from the past," sabi ko saka humarap muli sa harapan ko. "Kahit anong pilit mong balikan ang alaala ng nakaraan, hindi mo pa rin mababago ang hinaharap."