Excited na ako, pero syempre, nervous din. Graduation day na talaga—ang saya at ang bigat ng feeling sa puso ko. Habang hinihintay namin ni Mama at Papa sa parking area, naisip ko kung paano ko ba kaya dadalhin lahat ng awards na makukuha ko, at kung paano ko kakayanin makita si Rhyler na sobra rin ang preparations niya.
Paglabas namin ng car, ayun na si Rhyler, naka-ayos na with his toga and cap, naka-smile na parang laging naka-ready for a photo shoot. Seryoso siya pero may konting kiliti ng kilig sa mata niya pag nakita niya kami.
“Hi po, Tito, Tita,” bati niya kay Mama at Papa, habang niyayakap ko siya sa gilid.
“Hi, Rhyler! Ang gwapo mo talaga,” sabi ni Mama with a proud smile na halatang sobra ang saya.
“Salamat po, Tita. Tito, ready na po si Eli?” tanong niya, parang siya yung kuya na nagaalaga.
“Ready na ako. Thank you sa pagdating mo,” sabi ko habang hawak niya ang kamay ko na medyo kinakabahan pero steady.
Nakatingin si Papa kay Rhyler na may ngiti sa mukha—alam kong kinikilala niya siya bilang ‘the one who’s making his anak masaya.’
Pinuntahan ni Rhyler si Papa at Mama para magpakilala nang mas formal. “Thank you po sa pag-aalaga sa kanya. Promise, pangalagaan ko siya,” sabi niya na halatang sincere.
Na-touch ako sa mga ganung moments. Ramdam ko na ready na kami pareho sa malaking araw na ‘to.
Habang papasok na kami sa venue, napahinto ako saglit at lumingon kay Rhyler. “Ready na ba tayo, Love?”
Ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit, “Always, Love.”
At doon nagsimula ang aming araw na puno ng saya, pride, at pagmamahalan.
---
Tumigil ang mundo ko sandali nang narinig ko ang simula ng graduation march.
“Pomp and Circumstance.”
Yung classic na tunog na ilang beses ko lang naririnig sa mga YouTube videos ng mga graduation—ngayon, live na, at para sa batch namin. Para sa amin ni Rhyler.
Naka-line up na kami sa labas ng main hall. Mahigpit ang hawak ko sa rolled program ko, habang nagpapalit-palit ng hawak ang kamay ko sa toga at cap ko. Luminga ako sa paligid. Ang daming magulang, cameras, at nakangiting teachers. Kanya-kanyang makeup, suot, at drama sa buhok ang bawat estudyante—lahat proud, lahat excited. Pero ako? Kabado at may halo pa ring disbelief.
Ang daming pinagdaanan. Late night reviews. Quizzes na halos ikamatay ko. Moments na muntik ko nang i-give up ang STEM. Pero andito na kami. Final stretch.
Narinig ko ang pangalan ko tinawag ng marshall, at pumila na kami. STEM 4—third to the last section. I was grouped with my classmates, pero mata ko, instinctively, lumipat kay Rhyler sa unahan ng line ng STEM 6.
He stood tall, composed, nakaayos nang sobrang linis. Toga hanging perfectly, cap slightly tilted pero intentional. Gusto kong matawa kasi kahit graduation, mukhang photoshoot-ready pa rin siya. Pero nang tumingin siya sa akin—ngumingiti, ramdam ko agad na may silent message siya. “Kaya natin ‘to.”
Pagdating ng cue, isa-isa kaming naglakad papasok sa main hall habang umaalingawngaw ang instrumental na graduation march. Malamig ang aircon pero para akong pinapawisan sa kaba. Hawak ko pa rin yung diploma holder ko kahit wala pang laman. Palakad kami, one arm distance from each other, paakyat sa stage.
Pagpasok namin, dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga magulang. Maraming flash mula sa phones at cameras. Hindi ko agad makita sina Mama at Papa, pero naramdaman ko na nando’n sila. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lahat kami naka-smile, pero iba ‘yung smile na meron kami ni Rhyler. Yung parang... “I’ll see you at the top.”
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
