抖阴社区

                                        

Kung bakit ikaw.

Nag-init ‘yung mata ko, pero pinigilan ko. Hindi ako iyakin. Hindi ako clingy. At lalong hindi ako sanay sa ganito—sa ganitong klase ng... pagiging pinili.

“Hindi mo naman kailangang pilitin sarili mong maging parte ng pamilya ko,” dagdag niya.

“Pero gusto kong maging deserve.”

Huminga siya nang malalim.

“Deserve mo na. Simula pa lang.”

Hindi ko alam kung paano siya paniniwalaan agad. Pero alam ko—ramdam ko—na totoo siya.

Kaya kahit tahimik ‘yung buong biyahe pauwi, hindi ako nainip. Hindi ako nabigatan.

Nagpasalamat ako.

Hindi dahil perfect ang araw.

Pero dahil kahit sa likod ng lahat ng tanong… sa likod ng kaba at takot at expectations…

Nandiyan siya.

Tahimik, pero buo.

At para sa unang beses, hindi ko na pinilit ikubli ‘yung kilig.

Tumitig ako sa kanya bago bumaba ng kotse.

“Thank you.”

Nag-angat siya ng tingin, half-smile, ‘yung tipikal niyang expression na parang laging may tinatago.

“Saan?” tanong niya.

Sa lahat ng bagay na hindi ko kayang ilarawan sa isang sagot.

Kaya ang sinabi ko lang…

“Sa hindi pagbitaw kahit hindi ko pa masabing ‘oo.’”

Natahimik siya. Pero bago pa ako pumasok sa gate ng bahay namin, hinabol niya.

“Hindi ko kailangan ng ‘oo’ para ipakitang ikaw ang gusto ko.”

Putek.

Wala man ‘kaming label, pero ang linya niyang ‘yon…

Sa dami ng tanong sa isip ko, isa lang ang malinaw:

Hindi ako kinukuwento sa pamilya niya para lang mapansin.
Kinukuwento niya ako kasi alam niyang ako ang pipiliin niya.

Sunday morning.

Tahimik ang buong bahay namin. Walang tunog kundi 'yung mahinang pag-ugong ng electric fan at kaluskos ng mga walis sa labas. Mama’s out sa palengke, si Papa tulog pa, at si Ate nasa kwarto, either naka-headset or naka-video call na naman with her thesis partner.

Ako? Nakatulala sa notebook ko.

Chem reviewer dapat ‘to. Pero ‘yung pangalan lang ng topic ang naisulat ko: Electrochemistry.

After that, wala na.

Blanko.

Literal na ako ang mismong example ng non-spontaneous reaction—may materials na, may potential na, pero walang spark.

Kasi kahit anong pilit ko, hindi mawala sa isip ko 'yung nangyari kahapon.

Lahat ng “normal” na naramdaman ko bago kami pumunta sa reunion—nawala.

Ganoon pala ang feeling kapag ipinasok ka sa mundo ng taong mahal mo.

Masaya. Nakakakilig. Pero nakakatakot din.

---

Nag-vibrate phone ko.

> Atasha:
gising ka na?
may i-chi-chismis ako

Strings of FateWhere stories live. Discover now