抖阴社区

                                        

He looked away, pinatong ang elbow sa manibela.

“Hindi kita iniwan.”

“Hindi mo ako kinausap. Hindi ka sumasagot. At 'yung sagot mo sa akin? Sigaw. Galit. Parang ako pa 'yung mali.”

“Because you were acting irrational.”

Biglang bumigat ang atmosphere. Parang may nahulog na bakal sa pagitan namin.

Rational? Irrational?

“You really think asking for clarity is irrational?” I asked, voice trembling.

“Hindi mo alam kung gaano ka nakakadrain kapag ginaganun mo ko,” Rhyler answered, his tone calm, pero cold. “Nagta-tantrum ka like a child. And I don’t know how to handle that.”

Nag-blink ako nang mabilis, trying to push the sting back.

“Tantrum? So ako lang ang may kasalanan sa lahat?”

He shrugged. “You didn’t have to accuse Raine of anything. Or me.”

“She replaced me!” I snapped. “She took everything I used to have with you! Or did you forget that I was your girlfriend?”

Tahimik siya. Walang sagot.

At mas masakit 'yon kaysa sa kahit anong mura.

“Hindi ko siya pinili,” he finally said. “Pero hindi ko rin siya tinulak palayo.”

Ouch.

Tumawa ako, bitter. “So ako ‘yung kailangan lumayo.”

“Eli, that’s not what I meant—”

“Pero 'yon ang ginawa mo.”

Nakahawak ako sa bulaklak, pero unti-unti ko itong ibinaba sa pagitan naming dalawa sa console ng kotse.

“I didn’t ask for flowers, Rhyler,” I whispered. “I asked for presence. For consistency. For clarity.”

Tahimik.

“Sana nag-effort kang ayusin ‘to bago pa kita sinigawan sa gate. Bago pa ako mapagod. Bago pa ako mawalan ng tiwala.”

Tumingin siya sa akin—pero wala na akong makitang dating lambing sa mga mata niya.

And for the first time, I realized…
Maybe he wasn’t sorry for how he made me feel. He was just sorry I reacted that way.

Nagbukas ako ng pinto.

“Thank you sa bulaklak,” I said flatly. “Pero hindi ‘yan ang kailangan ko ngayon.”

Bumaba ako, hindi ko na siya tiningnan.

Wala na akong marinig kundi ang tahimik na pag-bangon ng puso ko sa sarili niyang pagkadurog.

--------

Saturday – 5:07 PM, Labas ng Bahay

Wala akong balak lumabas ng bahay buong araw. I’ve declined Atasha’s invites, muted every group chat, and spent half my morning deleting old screenshots and unsent messages sa drafts.

Pero nang may biglang tumawag sa landline sa baba—rare na mangyari ‘yon—tumakbo si Mama paakyat.

“Eli, nariyan ang boyfriend mo sa labas. Labasin mo naman at may mahalaga ata kayong pag-uusapan. Anak, labasin mo naman para mapag usapan niyo kung ano man ang problema.”

"May ginagawa po ako,” palusot ko. “Pakisabi wala ako.”

“Anak, hindi ninyo maaayos ang problema kung ganiyan…”

Strings of FateWhere stories live. Discover now