抖阴社区

                                        

“Ano bang ginawa ko para i-deserve ‘to…” bulong ko habang hindi mapigilang umiyak.

“Huwag mong tanungin ‘yan,” sagot niya habang maingat na tinatapik ang likod ng kamay ko. “Ginawa nila ‘to kasi they all agree on one thing—ikaw ‘yung taong worth ipaglaban. Worth ipag-effortan. Worth mahalin.”

Tahimik akong napayuko habang umiiyak.

“Walang halong biro, Eli… hindi ka lang minahal ng isang lalaki. Minahal ka ng buong komunidad—friends, classmates, teachers, even people you don’t talk to daily. At ako? I just made sure I honored you the way you deserved.”

Walang salita ang pwedeng makasapat sa nararamdaman ko ngayon. Para akong binuhusan ng liwanag mula ulo hanggang paa—mainit, mabigat, pero puno ng pagmamahal.

“Eli…” muling tawag ni Rhyler sa pangalan ko, this time mas mahina, mas mababa, parang may susunod na sobrang bigat o sobrang lambing.

Napatingin ako sa kaniya, basang-basa pa ang pisngi ko sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan pero ayaw talaga tumigil.

“Hindi lang students ang kasali, love…” marahan niyang sinabi, tapos saglit siyang napangiti. “Pati faculty. Teachers natin. Lahat ng senior high school teachers… kasabwat.”

“Anong—huh?” halos mapalunok ako. “Rhyler, pati teachers?”

Tumango siya. “Oo. Faculty. Admin. Staff. Guidance Office. Lahat. Every Friday simula first week ng January hanggang kahapon—January 26—nagsi-stay sila after class para tumulong.”

Napanganga ako. “Rhyler, paano mo sila napa-oo?”

Huminga siya nang malalim, parang pinipigil ang tawa at kilig sa sarili niyang kwento. “Pumunta ako sa Faculty Room noong January 5. Dalang-dala ko pa ‘yung proposal ko. Handwritten pa ‘yon. Tapos ‘yung iba sa kanila, akala siguro may problema ako sa academics or sa section, pero noong sinabi ko kung para saan, tahimik silang lahat for three seconds… tapos sabay-sabay silang ngumiti.”

My hand flew to my mouth again. “No…”

“Oo,” sabay kindat niya. “Sabi ni Ma’am Carreon, ‘About time. We’ve been rooting for you two.’”

Napatawa ako, umiiyak pa rin. “Pati si Ma’am Carreon?!”

“Siya ang pinaka-active! Si Ma’am Carreon ang unang nag-suggest ng layout ng event place. Siya rin ang nag-organize ng volunteers sa senior high wing.”

“Grabe…”

He started listing everything, one by one, as if every memory of it was sacred.

Ma’am Carreon: Over-all coordinator ng teacher-volunteers. Siya ang nag-ayos ng floor plan, seating arrangement, and nag-assign ng teacher chaperones tuwing may late night meetings.

Sir Reyes (Physics teacher): Siya ang nag-supply ng lighting system. Personal equipment daw niya ‘yung ginamit sa event—para mas cinematic.

Ma’am Beltran (Guidance Counselor): Siya ang gumawa ng letter to allow the event inside school grounds. Siya rin ang tumulong kay Rhyler sa confidential coordination para hindi ako mahuli.

Sir Pio (PE teacher): Siya ang nag-train ng STEM 6 boys na parte ng performance team. Yung mga ‘kunwari’ sabay-sabay na cheer kapag dumadaan kami ni Raine—may count pa pala sila n’un.

School Nurse: Siya ‘yung nakabantay tuwing nag-overtime ang team sa school. May dalang first aid, water, snacks—lagi raw siya tinatawagan ni Atasha.

Two Canteen Staffs: Secretly tinatago raw nila ang mga props sa storage room sa likod ng cafeteria.

Utility Staff: Tinulungan si Rhyler sa pagbitbit ng sound system, folding tables, at extension cords sa tuwing may Friday rehearsals.

Senior High Coordinator: Inapprove ang paggamit ng AVR at terrace nang hindi ako nasisilip. “Para kay Eli raw,” sabi ni Rhyler, “Ilang beses siyang ngumiti na parang proud tita.”

“Every Friday,” dagdag pa niya habang hawak pa rin ang kamay ko, “mula January 5 hanggang January 26, lahat sila may contribution. Walang bayad. Walang reklamo. Para lang maging successful ang gabi na ‘to.”

Hindi ako makapaniwala.

“Ginawa ‘to ng buong school community, Eli. Kasi mahal ka nila. Mahal ka naming lahat.”

Hindi ako makapagsalita. Parang gusto kong yakapin buong mundo sa sobrang pasasalamat. Lalo na si Rhyler—na pinagsama-sama lahat ng taong mahal ko, kilala ko, at minsan ni hindi ko akalaing may pakialam.

“Ilang beses akong muntik sumuko, Eli. Minsan, hindi ko alam kung kakayanin pa. Pero every time na maiisip ko ‘yung ngiti mo—‘pag nakita mo lahat ‘to—paulit-ulit lang ‘yung tumatakbo sa utak ko: worth it ka.”

Hindi ko na talaga kayang pigilan. Tumayo ako mula sa upuan ko, hindi ko alam kung anong lakas ang tumulak sa akin, pero niyakap ko siya.

Mahigpit.

Mabigat.

Puno ng gratitude na hindi kayang isulat ng kahit sinong manunulat.

Tahimik na tahimik ang paligid. Umiilaw pa rin ang mga maliliit na fairy lights sa terrace, nakabitin sa mga halaman, sa mga railings, sa taas ng white sheer drapes na nilagyan ng string bulbs. Ang lamig ng hangin, pero mainit ang dibdib ko.

“May isa pa,” bulong ni Rhyler.

Napatingin ako sa kaniya. Medyo namumula pa rin ang mata ko pero napapansin kong parang kinakabahan siya bigla.

“Ha?” tanong ko. “May isa pa?”

Tumango siya. Hinugot niya mula sa loob ng bulsa ng blazer niya ang isang maliit na box—hindi gift box ha, kundi parang wooden case na may ukit sa ibabaw. Naka-engrave doon ang pangalan ko: Elisa Solene Vale, at sa ilalim noon, ang date na October 13, 2023.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Wait—Rhyler, anong—”

“Gift ko ‘to. Hindi lang ‘to basta regalo, love. Pinag-ipunan ko. Pinaghandaan ko. Matagal na.”

Marahan niyang binuksan ang kahon. At doon ko nakita ang laman: isang handcrafted, customized bracelet—pero hindi ‘yung typical na leather or chain lang. Ito ay mixture ng silver, white gold, and a single birthstone charm—isang maliit na garnet, ang birthstone ko.

May maliit na naka-engrave sa loob ng plate:

> For Eli, my first and last.
R.J.D.

Hindi ako agad nakapagsalita.

Parang natuyuan ako ng laway. Ang kamay ko, nanginginig habang nakatingin sa bracelet.

“Ginawa siya ng isang artisan sa Baguio,” paliwanag ni Rhyler. “Handcrafted ‘yan. Customized. Pinagawa ko noong November pa. Hindi siya mamahalin gaya ng mga branded… pero bawat detalye nito, ako ang pumili.”

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi dahil sa gulat. Kundi dahil sa dami ng emosyon na biglang sumabog sa akin.

“Rhyler…”

“I chose garnet kasi iyon ang birthstone mo. White gold at silver para bagay sa mga suot mo. Ayoko ng masyadong flashy, kasi alam kong gusto mo simple lang. Ayoko ng may pangalan ko… kasi gusto ko, kapag sinuot mo ‘to, hindi mo kailangang ipakita kung sino gumawa—alam mo na.”

Napaluhod siya sa harap ko, marahang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Hindi ito proposal—hindi ito ganoon. Pero sa moment na ‘yon, para siyang nanunumpa.

Nilagay niya ang bracelet sa pulso ko, sinarado ang clasp, tapos tinapik-tapik ang kamay ko.

“Happy eighteenth, love,” bulong niya. “This is my vow: sa araw ng debut mo… I’m not just celebrating you. I’m choosing you. Everyday.”

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano'ng mas nangingibabaw—ang kilig, ang iyak, ang kaba, ang saya.

Pero isang bagay ang sure ako:

Mula ulo hanggang paa, ako si Elisa Solene Vale

At sa gabing ito… akin si Rhyler Jace Davids.

Strings of FateWhere stories live. Discover now