抖阴社区

PROLOGUE

652 40 3
                                    

DISCLAIMER

This story carries the usual disclaimer about the characters bearing no relations to living persons.

This is all fanfiction.

------------

Vance is having his nap time at 4:00 o'clock when his father shouted his name outside of the house.

"Vance Valentine...." He called the boy by it's full name. Inis na inis itong nagtalukbong ng kumot.

"Lalabas ka ba diyan o hindi?" May halong pambabanta ng kanyang ama.

"Ano ba kasi yun? Natutulog ako e tsk!" Sigaw din ni Vance.

"Lumabas ka diyan impakto ka!" Tila galit na galit na sigaw ng kanyang ama. Padabog siyang bumaba sa kama at nakabusangot na lumabas ng kwarto.
Nadatnan niya ang ama niya sa sala at kaagad siyang sinuntok ng mahina sa dibdib.

"Ano na naman bang sinabi mo kay Dory at galit na galit na naman yung matanda?" Tanong ni Valentine Ajero, ang tatay ni Vance.

Si Dory ay kapitbahay nila na kung tawagin ni Vance ay seahorse.

"Wala akong sinabi, yung seahorse na yun ang maraming dakdak. Aba, akala naman ng matandang yun e uurungan ko siya." Inis na sagot ni Vance.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na huwag mo nang patulan yun? Ipapabarangay ka daw niya dahil sa mga pang-iinsulto mo sa kanya." Tila nawawalan ng pasensya ang tatay ni Vance.

"Pang-iinsulto mukha niya. Bakit? Totoo namang amoy lupa siya e." Sagot ni Vance sa ama.

"Bibig mo Vance ha! Sumusobra ka na!" Muntik nang sungalngalin ng matanda ang bibig ni Vance.

"S-Sorry po. Pero papa siya yung naunang nang-insulto, sabi niya kaya ipinagpalit ka ni mama sa mayaman at hamak na mas gwapo sayo kasi nangangamoy bulok na siomai ka na daw. Kaya sinabihan ko siya na amoy lupa na siya at pwede nang ikahon." Sagot ni Vance.

"Mas matanda sayo si Dory kaya dapat igalang mo na lang. Huwag mo na lang pansinin yung mga sinasabi niya." Sabi ng matanda.

"Hindi lahat kagalang-galang at nangunguna siya sa listahan. Magharap kami sa barangay, tignan ko lang kung hindi siya iiyak kapag sinabi ko kay kapitan na yung SK niyang anak e bumili ng NMAX gamit ang pera na dapat ay sa barangay." Matapang na sabi ni Vance kaya napabuntong-hininga na  lang ang papa niya.

"Ewan ko ba sayo, kumpleto ka naman sa vitamins at bakuna pero bakit ganyan kang bata ka!"

Umupo si Valentine sa lumang sofa nila at may dinukot sa bag.

"O, binigay ng messenger ng SB High kanina. Baka pasado ka na sa scholarship exam." Huminahon ang matanda.
Nanlalaki ang mga matang hinablot yun ni Vance.

"Sheesh, sana this time pumasa na ako." Panalangin niya habang binubuksan ang letter.

"Yes pasado nga! Pumasa ako sa wakas yohooo!" Ang taas ng talon ni Vance sa labis na galak at saya.
Napangiti naman ang matanda at mababakas ang pagka-proud nito sa anak niya.

"E pano yan? Puro mayayaman ang mga nag-aaral dun nak, kayanin mo kaya?" Tanong nito.

"Sus, ano ba ang ginagawa sa mayayaman?" Kumunot ang nooo ng matanda.

"Ano?" Tanong nito.

Ngumisi si Vance, "e 'di pini-perahan bwahahahah!" Humalakhak si Vance na may sa demonyo kaya sinipa siya ng ama.

"Puro ka talaga kalokohan, magsaing ka na nga dun." Ani ng ama niya.
Sumunod naman si Vance sa utos ng ama.

Bata pa lang si Vance ng iniwanan sila ng nanay niya. Walang nakakaalam kung saan ito nagpunta pero bali-balita na sumama daw ito sa isang mayaman na lalaki.

Habang nagsasaing ay ini-imagine ni Vance ang mangyayari sa kanya sa SB High. Dati pa naman talagang nag-e-exam si Vance for scholarship dahil kapag naging valedictorian siya ay sasagutin ng paaralan ang pagco-college niya.

"Bans! Hoy Bans lumabas ka diyan!" Biglang may nagsisisigaw sa labas ng bahay nila. Nagmadaling magpunas ng kamay si Vance at binuksan ang kalan bago patakbong lumabas.

"Aling seahorse este Dory. Ano na naman bang kailangan mo?! Vance ho hindi Bans pinagsasasabi mo?!" Napipikon na tanong ni Vance. Doon din ay sabay na sumulpot ang anak ni Aling Dory at ang papa ni Vance.

"Hoy Vance 'wag mo ngang binabastos ang nanay ko!" Matapang na sabi ng anak ni Aling Dory.

"Yang nanay mo ang pagsabihan mo." Sagot ni Vance kaya nakatikim siya ng pinong kurot galing sa tatay niya.

"Bastos ka talaga halatang galing sa public school." Sabi ng matandang si Dory.

"Uy excuse me ho, sa SB High na ako ngayong pasukan at ipapakain ko sa inyo ang diploma ko!" Pagmamalaking sabi ni Vance.

"Tama na nga yan. Vance tumigil ka na ha, napupuno na ako sayo. Aling Dory pasensya ka na, SK pasensya na." Pagpapakumbaba ng tatay ni Vance kaya umikot lang ang mga mata nito. Umalis ang mag-ina kaya bumalik na sa loob si Vance at ang tatay niya.

"Vance iwasan mo na lang sila parang awa mo na. Pag-aaral ang atupagin mo para pagmakapagtapos ka na e wala na silang masasabi pa tungkol sa atin." Payo ni mang Valentine.

Bumuntong-hininga si Vance.

"Watch and learn pa, gagawin ko lahat para mag-valedictorian ako. Makakaalis din tayo sa mabahong mga kapitbahay natin hmp!" Sabi ni Vance kaya napatawa na lang ang tatay niya.

Nagtitinda ng siomai si mang Valentine at yun ang pantustos niya sa kanila sa araw-araw.

Natapos ang bakasyon, handa na lahat ng gamit ni Vance para pumasok sa SB High na pagmamay-ari ni Mr. John Rael Suson.

Ama ng warfreak, troublemaker, at maangas na si Kael Timothy Suson.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon