KAEL's POV
I was about to punch the guy who challenged me when I heard someone shouts my name.
"B-Baba...." Kaagad kong binitawan ang lalaki at kinabahan akong lumayo dito.
"Punyemas ka...." Dinig ko na naman ang favorite line niya kapag nagagalit siya. Malalaking hakbang ang ginawa niya para makalapit sa kinaroroonan ko.
"I-I didn't start it I swear." Depensa ko kaagad.
"Hindi ba sinabi ko na sayo na tigilan mo yang pagiging basag-ulo mo?" Naningkit ang mga mata niya at namumula na naman sa inis ang mga pisngi niya. Ugh such a cute entity damn!
"No, w-wala kang sinabing ganyan baba."
"Oh pwes ngayon sinabi ko na."
"P-Pero hindi naman ako ang...."
"Hinihingi ko ba paliwanag mo? Uwi! Gusto mong maiwan ulit?" I shook my head while tightening my lips.
"S-Sorry, heto na uuwi na. Tara sabay na tayo." Hahawakan ko sana yung kamay niya pero hinampas niya ako.
"Huwag mo akong hahawakan naiinis ako sayo!"
Hinila niya ako at si Jayden at tinulak niya kami pareho para lumakad.
"Ops! Someone is frightened right now." Pagpaparinig ni Perseus kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Oh lilingon-lingon pa! Bilis ang lakad tsk." Sita ni baba sa akin.
"Just like a scaredy little cat." Pang-aasar pa ni Perseus.
Gusto ko siyang dambahin e kung wala lang si baba sa likod ko.
Pagkarating namin sa sakayan ng jeep ay kaagad kaming sumakay. Hawak-hawak kami ni baba at inalalayan para hindi kami matumba ni Jayden.
Pagkaupo, "oh akin na mga pamasahe ninyo." Inilahad ni baba ang kamay niya.
"How much?" Jayden asked.
"500, akin na kung ayaw niyong mapababa dito." Sabi ni baba.
"Jayden ikaw na." Napakamot naman sa ulo si Jayden at nilabas ang wallet niya.
"Naku totoy, aba'y 8 pesos lang naman ang pamasahe sa jeep." Biglang may sumingit na matanda.
"Ay nanay sa dulo pa kami ng mundo kaya huwag ho kayong mangialam." Sagot ni baba at hinablot ang 500 na binigay ni Jayden. Ibinulsa niya yung 500 at nagbigay siya ng 50 sa driver.
"Hey! My money..." Angal ni Jayden pero sinabihan ko na lang siyang manahimik.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
Naabutan namin si tito na nagsasampay ng mga nilabhan. Umaliwalas ang mukha niya nung makita kami.
"Tito Valentine we're home." Sabay pa naming sabi ni Jayden.
"Ay hala hindi pa ako nakaluto ng meryenda, teka sandali...."
"Don't bother tito, magpapadeliver na lang ako ng food para maiba naman." Sabat ni Jayden.
"Ayan ganyan dapat. Gusto ko ng pizza at burger ha tapos iced coffee." Sabi naman ni baba.
"Okay. Yun na lang para sa ating lahat." Sabi ni Jayden. Nanahimik lang ako kasi wala naman akong pera pambili.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.