KAEL's POV
Pinulot ni Caloy ang iilang sachet na nakakalat sa sahig habang pinihit ko naman si Perseus papaharap sa akin.
"Perseus? Is that really a c-cocaine? Gumagamit ka ba niyan?" Duda kong tanong.
"What? No! I don't even know what it looks like." Tanggi niya.
"Siguro gumagamit kayo nito noh? Dinadamay niyo pa 'tong half brother ko sa pagiging adik ninyo!" Pambibintang ni Caloy sa amin.
"Hoy! Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo ha!" Duro ni Jackson sa kanya. Lalapitan niya sana si Caloy pero pinigilan ko siya.
Tinulak ni Perseus si Caloy at halata ko ang galit sa mukha niya.
"Pwede ba Caloy! Bakit mo ba ako tinatawag na kuya? Atsaka, hindi sa akin yang sachet na yan, wala akong ganyan sa bag ko kahapon!" Perseus said.
"Kuya magkapatid tayo sa ama. Hindi ka kasi sumama sa mommy mo at kay tita Vangie sa supposed to be dinner ng family natin." Sagot ni Caloy.
"Ano? A-Anong magkapatid? Baliw ka ba?" Hindi makapaniwalang sambit ni Perseus. At kahit kami man ay nagulat sa sinabi niya.
"Doesn't matter. But this? How can you explain this drug? Ah, baka meron kayong lahat nito noh?" Sabi ni Caloy. Lumapit siya sa akin at inagaw ang bag ko.
"Fck you! Ibalik mo yang bag ko!" Habol ko sa kanya.
Hinablot ko ang bag ko, pero nung naagaw ko na ay nahawakan na pala niya ang zipper at bumukas ang bag ko. Naglaglagan ang mga gamit ko at kataka-takang may iilang sachet rin na kasama.
"See? Sinasabi ko na e, mga adik kayo!" Malakas na boses na sabi ni Caloy.
Hinalungkat din ni Jackson at Jayden ang bag nila.
"Sht ano 'to? Bakit may ganito sa bag ko?" Sabi ni Jackson na pinakita ang iilang tablet ng drugs sa bag niya.
Biglang bumukas ang pinto ng room kasabay ang pag-ingay ng mga kaklase namin. Pumasok ang teacher kasunod si grandpa at daddy kasama ang mga bodyguards niya.
"Grandpa! Tito Rael! Look!" Mabilis na tumakbo si Caloy papunta sa kanila at ipinakita ang sachet na hawak.
"What is this? Bakit may ganito ka Caloy?" Kunot-noong tanong ni daddy.
"That's not mine tito, galing sa bag ni Perseus yan. Actually po silang lahat na kaibigan ni kuya Kael including him ay may mga drugs." Sumbong ni Caloy.
"W-What? Is this true?" Matalim ang mga matang tanong ni daddy na sa akin nakatingin.
"You're a liar! Obviously it's planted, naiwan namin ang mga bag namin kahapon dahil sa pagmamadaling hanapin si Vance!" Sagot ko.
"And who will dare to frame up your group kuya Kael? Ang sabihin mo kaya malakas ang loob niyong gumawa ng gulo kasi gumagamit kayo nito!" Parang sinilaban ang ulo ko sa sinabi ni Caloy. Sinugod ko siya at sinuntok ng malakas dahilan para dumugo ang ilong niya.
"Tarantado ka! Tigilan mo na ang kakasira sa pangalan ko!" Sigaw ko. Susuntukin ko pa sana siya ulit pero sinalag ni daddy ang kamao ko at ibinalibag ako.
"Nakakahiya ka! Lahat na lang ng katarantaduhan pinasok mo na!" Galit na galit na sabi ni daddy at kinwelyuhan ako.
"Daddy naman, maniniwala na naman ba kayo kay Caloy?" Naiiyak sa galit na sabi ko.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.