VANCE's POV
Inismiran ako ni papa at hinila niya ang tatlo papunta sa kusina.
"Papaaaa! Ano 'to hindi ka talaga makikinig sa akin? Ako na lang kaya ang maglayas noh? Sa tingin mo?" Asar na asar ako sa kanilang lahat.
"Okay sige." Sagot ni papa kaya naman padabog akong sumunod sa kusina.
"Anong okay sige? Hahayaan niyo akong lumayas?" Sabi ko.
"Hindi ito naman, umupo ka na kumain na tayo." Mas lalo akong nainis kasi parang binabalewala niya ako. Hindi ako sumunod at lumabas ako ng kitchen. Ibinagsak ko ang pinto ng kwarto para malaman nilang galit talaga ako at hindi lang nag-iinarte.
Naghihimutok ako sa inis nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kael.
"Lumabas ka! Ayaw kitang makita!" Singhal ko sa kanya.
Hindi siya nakinig at umupo pa talaga siya sa harapan ko.
"Baba 'wag mo naman akong....."
Malakas ko siyang sinipa. "Lumabas ka sabi!" Sigaw ko.
Napayuko siya at narinig ko na lang siyang humikbi.
"Oh! Anong iniiyak-iyak mo diyan?" Singhal ko pa rin kahit medyo nakukunsensiya ako. Sa akin lang naman siya nagiging fragile mwehehehe.
"E bakit kasi kailangang maghiwalay tayo? Wala namang problema kung malaman ng lahat ang relasyon natin e, hindi ko din naman balak na itago ka sa lahat." Humihikbing sabi niya.
Well, nasaktan at nagalit kasi talaga ako sa nangyari. Dinamay nila ako sa mga problema nila kaya damay-damay na 'to.
"Balik ka na sa akin baba, nalulungkot ako kapag hindi mo ako pinapansin." Sabi niya. Dahan-dahan siyang lumalapit at hinahawakan ang mga kamay ko.
"Don't touch me!" Hinampas ko ang kamay niya pero nagpatuloy pa rin siya sa paghawak sa akin.
Bumukas ang pinto at pumasok si Perseus at Jackson.
"Vance I'm sorry, dahil sa akin kaya nasunog ang bahay niyo." Sabi ni Jackson.
"Huh? What do you mean?" Takang tanong ko. Nalingat lang ako saglit ay nakasiksik na naman si Kael sa akin.
"Teka nga umalis ka diyan sa harap ko! Kinakausap ko si Jackson!" Tinulak ko si Kael kasi nakapulupot na siya sa baywang ko.
"No!" Sagot niya.
"Si daddy ang nag-utos na sunugin ang barangay niyo." Sabi ni Jackson kaya nalipat na naman ang atensyon ko sa kanya.
"Ay punyemas! Bakit daw? Dahil kay Noemi?" Tanong ko. Naramdaman ko ang kamay ni Kael na pumasok sa ilalim ng damit ko kaya hinarap ko siya at pinanlakihan ng mata.
"Ano ka ba linta? Lumayo ka nga Kael!" Tinulak ko siya ulit pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Yes it's because of Noemi, hindi sila papayag na hindi matuloy ang kasal namin." Sabi ni Jackson kaya nalipat na naman ang atensiyon ko sa kanya.
"E 'di palpak pa rin pala yung plano natin. Hay naku, ang sakit niyo sa....."
Naramdaman ko ang labi ni Kael sa leeg ko kaya natigilan ako.
"Punyemas naman 'tong isang 'to! Inuunti-unti mo ako ah? Ano ka ba? Sabing lumayo ka sa akin e!" Binigay ko na ang buong lakas ko sa pagtulak sa kanya at sa wakas ay nabitawan niya ako.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.