VANCE's POV
Pumunta kami sa court, nandoon na ang lahat ng classmates namin at nagwa-warm up na. Pumuslit akong lapitan si Noemi habang hindi pa nakatingin si Gaara sa akin.
"Psst sorry kanina ha?" Sabi ko kay Noemi.
"Why is he acting that way? As if he owns you or something, nakakatakot talaga siya." Sabi ni Noemi.
"Nabaliw lang yun kaya ganun. Nga pala, payag na ako sa plano mo. Let's meet your parents tomorrow." Napasinghap si Noemi at akma niya akong yayakapin dahil sa sobrang tuwa.
"Uy uy teka lang, no hugging, no touching." Sabi ko at lumayo ako sa kanya.
"What? Oa mo ha!" She rolled her eyes.
"E ganun talaga, iwas conflict lang hehe. After class ba tayo pupunta or lunch time?" Tanong ko.
"Lunch time na lang, lagi silang busy e kaya baka hindi natin maisingit sa hapon." Sagot niya.
"Okay sige." Nakita kong papalapit si Gaara sa spot ko kaya naman mabilis akong lumayo kay Noemi na siyang puno ng pagtataka sa ikinikilos ko.
Oo nga, bakit ba ako umiiwas wala naman akong ginagawang masama? Hindi naman ako natatakot kay Gaara e tss.
"Anong pinag-usapan niyo?" Seryosong tanong niya nung makalapit siya sa akin.
"Hm? Wala, sinabi ko lang yung plano namin. Bukas daw ng lunch time makikipagkita kami sa parents niya." Sagot ko.
Sasagot pa sana siya pero dumating na yung PE teacher namin. Pinatakbo kami ng sampung beses paikot sa loob ng court. Habang tumatakbo ay nagulat ako nung tumabi at sumabay si Jackson sa akin.
"What did she say?" Tanong niya.
"Noemi?" Hingal kong tanong at tumango siya.
"Bukas ng lunch daw kami makikipagkita. Sasamahan niyo kami ha?" Sabi ko.
"Sure. Ahm may isang favor pa sana ako Vance." Sabi ni Jackson na nagpakunot ng noo ko.
"Ano yun?" I said.
"Pwede bang samahan mo si Jayden sa 21st birthday ko?"
Napahinto ako sa pagtakbo kaya naman nagkabanggaan ang mga nasa likuran ko.
"Vance Valentine! Why did you stop?" Sinigawan ako ni sir kaya naman taranta akong tumakbo ulit.
Napalingon ako kay Gaara na nagtatakang nakatingin sa akin. Hindi kasi siya makatabi sa akin kasi nasa hulihan siya inilagay ni sir.
"Bakit kailangang samahan ko si Jayden? Birthday lang yun, bakit kailangang may escort?" Tanong ko kay Jackson.
"Yun na nga e, ipagpapaalam mo sana siya sa parents niya na isasama mo. Alam mo namang galit yung parents nun sa akin e."
"Punyemas! Ginawa niyo pa akong tulay niyong dalawa ah?"
"Please Vance, I want him to be there." Pakiusap ni Jackson.
"Ni hindi mo man lang tinanong kung gusto kong pumunta! Alam mo, abuso na kayo talaga sa akin e." I said.
"Invited naman kayo ni Kael e, kaya sige na ipagpaalam mo si Jayden sa parents niya."
"Oo na oo na! Ilang beses ko na kayong tinulungan kaya dapat bayaran niyo ako ha!" Sabi ko. Nag-focus na ako sa pagtakbo hanggang sa matapos ang 10 laps.
BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
