抖阴社区

CHAPTER 9

145 10 2
                                    

KAEL's POV

*Burp*

Narinig ng lahat ang dighay ko. Nakabalik na kami sa maliit nilang sala at ang sama ng tingin nila sa aking lahat.

"What? First time hearing me burping?" Inis kong tanong.

"Hindi. Pero naiinis ako kasi halos inubos mo lahat ng ulam." Inis na sagot ni Perseus.

"Tss! Para yun lang, mag-research na kayo." Sabi ko. Lumapit ako kay Vance para sana humiga ulit sa hita niya pero natigilan ako nung nagdidilim ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Sige subukan mong humiga kakalbuhin kita." Sabi niya.

"I'm sleepy, and besides I'm almost done with my part." Sagot ko pero tinaas niya lang ang kilay niya.

"Almost but not yet done. Tapusin mo muna yan!" Sabi niya.

"Then I can sleep in your lap after?" Ngising sabi ko.

"Hindi! Manigas ka diyan!" Sabi niya at tumayo siya. Lumipat siya ng pwesto malapit kay Perseus.

Inis na inis akong tinignan siya pero hindi na niya ako pinapansin.

"Perseus palit tayo." Utos ko kay Perseus. Binitbit ko ang laptop ko at tatayo na sana pero ayaw kumilos ni Perseus.

"Perseus? Narinig mo ba ako?" Inis kong sabi.

"Yeah." Sagot niya pero hindi niya ako tinitignan.

"Then move." Tumaas ang boses ko.

"Shut up Kael, just focus on what you are doing." Sabi niya.

Tumayo ako at sumiksik sa gitna nila.

"Punyemas! Ano bang trip mo? Masasapak na talaga kita e." Sigaw ni Vance sa mismong mukha ko.

"E 'di bumalik ka dun sa pwesto mo." Sagot ko. Inis na inis siyang sinabunutan ang buhok niya at padabog siyang bumalik sa pwesto niya.

Sumunod ako, I saved my works at kaagad akong humiga sa hita ni Vance.

"Sinabi ko nang....."

"I'm done, now you shut up will you?" Singit ko sa kanya at pumikit ako.

Nakakaantok pala kapag sobrang busog ka. Naparami ang kain ko dahil sa ampalaya ni tito Valentine. Parang gusto ko ng tumambay dito lagi kahit mainit at masikip.

Tuluyan akong nakatulog at naalimpungatan na lang ako nung may humihila ng buhok ko. I opened my left eye at nakita ko ang pagod na pagod na mukha ni Vance.

"What?" I said.

"Watawat! Tumayo ka na diyan namamanhid na yung paa ko. Magpapa-print na ako." Sabi niya.

"Ayoko!" Sabi ko at bumalik ako sa pagpikit.

"Utang na loob Kael pagod na pagod na ako oh! Baka naman pwedeng sumunod ka sa akin ngayon?" Parang paiyak na yung boses niya kaya naman dumilat ako. Nakatitig siya sa akin at nagmamakaawa yung mukha niya.

Saan niya ba natutunan 'tong ugali niya? Nakakainis na, ayoko siyang sundin pero naaawa ako everytime he is making that face or whenever he's crying. Damn it!

Tumayo ako at padabog na lumipat sa maliit na couch. Nakita ko rin ang pagod at inis sa mukha ng mga kaibigan ko.

Tumayo si Vance pero bigla siyang napaaray at nawalan siya ng balanse. Nanlalaki ang mga mata niya nung babagsak siya sa pwesto ko.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon