抖阴社区

CHAPTER 53

214 23 1
                                    

VANCE's POV

"Hinayaan mong lumamig ang kape Vance." Sabi ni papa nung nagising ako. "Masama ang pakiramdam mo o masakit ang puso?" Hirit niya pa.

"Hindi na ako papasok ng SB High papa." Matamlay kong sagot.

"Hays. Talagang buo na ang desisyon mo." Napabuntong hininga siyang umupo sa tabi ko.

"Pero sige, nakausap ko na ang principal sa Bien Unido Integrity School. Pwede ka na pumasok doon ngayong Monday." Sabi ni papa.

Gusto kong matuwa pero nanghihina ang katawan ko. "Thank you papa." Sabi ko na lang.

Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan niya iyong hinilot.

"Kawawa naman yang itsura mo anak, umayos ka nga, ngumiti ka." Sabi ni papa. "Alam mo kung ano ang mas nakakalungkot? Yun yung hindi ka umalis sa sitwasyong alam mong hindi ka mananalo." Dugtong niya pa.

"Masakit papa. Pakiramdam ko hindi ako sapat, pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat na pahalagahan." Tumulo ng kusa ang mga luha ko.

"Masakit kapag hindi ka pinili, masakit kapag trinaydor ka ng mga taong mahalaga sayo. Alam ko kasi danas ko yan."

"Mahirap pasukin ang mundo ng mga kagaya nila Vance. Money, power, and sharp minds, those things are very important when you step into their worlds."

Napatingin ako bigla kay papa, nag-iba ang aura niya at nakikita ko si Perseus sa kanya nung una ko siyang nakilala.

"Hindi dapat ito ang inuuna mo." Turo niya sa dibdib ko. "Dapat ito." Itinaas niya ang isang kamay niya at tinuro ang sentido ko.

"Kapag pinairal mo ang emosyon mo tiyak na matatalo ka. Sa sitwasyon niyo ni Kael ay siya ang mahina, hinayaan niyang pangunahan siya ng emosyon niya kaya kayo humantong sa ganitong sitwasyon."

Napakunot ang noo ko at gusto kong magsalita pero hindi ko nabuka ang bibig ko.

"Your relationship with him is a threat to those who are hungry for money and power. Kasi nakikita nilang nagbabago na si Kael through you." Napalunok ako. Ibang Valentine yata 'tong kaharap ko.

"They can't break the roots so they slowly cut down the stem together with its branches."

Itinaas ko ang dalawang palad ko.

"T-Teka. Papa saglit lang ha? Ano ba yang sinasabi mo? May sapi ka ba?" Tanong ko. Pero seryoso talaga siya at hindi tumawa.

"Matapang ka pero hindi ka marunong bumasa ng galaw ng mga tao sa paligid mo." Sabi ni papa. Nahihiwagaan na talaga ako sa kanya.

"Rael is just a decoy, but the persons behind that trick did not know also that they are being manipulated too." Sabi ni papa.

"Partially they can take their victory seat but not the crown. When the time comes, they will voluntarily cut off their tongues and offer their back to the real heir and master."

Napanganga ako, bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. Paano niyang nakilala ang daddy ni Kael?

"A-Anong ibig mong sabihin papa? Ano bang gusto mong malaman ko?" I asked.

"Oh I won't tell you, I'll let you discover it for yourself." Sabi ni papa at malawak siyang ngumisi.

"Kilos na, tulungan mo akong magluto hehe." Tumayo si papa at hinanda ang mga lulutuin. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya kasi hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin. Nabaliw na ba 'tong tatay ko?

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon