VANCE's POV
Nakakatakot ang aura ng daddy ni Gaara, siya yung tipong marinig mo lang ang pangalan niya ay kakabahan ka na. Marahan siyang naglakad palapit sa pwesto namin at nag-poker face ang lima.
"Sleeping during discussion?" Sabi ni Mr. Suson. Hindi umimik si Gaara, sumandal lang siya sa upuan at inakbayan ako.
Punyemas! Gusto niya pa yata akong masali sa sermon ng daddy niya. Kaasar talaga grr!
"You!" Baling ni Mr. Suson sa akin. Napalunok ako, Ayan na nga bang sinasabi ko e kainis!
Dahan-dahan akong tumayo ay kinakabahang humarap sa daddy ni Gaara."G-Good afternoon po sir...."
"New recruit ka ba sa grupo nitong anak ko?" Putol niya sa pagbati ko sa kanya.
"Ay naku hindi po sir. Ang totoo po nyan...."
Biglang tumayo si Gaara kaya napatigil ako. Kinuha niya ang bag niya at akmang aalis pero malakas siyang hinatak ng daddy niya at sapilitang pinaupo pabalik sa upuan niya."Bastos ka talagang bata ka! Hanggang kelan mo ako bibigyan ng kahihiyan ha? You're really a disgrace to our family!" Namumula sa galit si Mr. Suson.
"I know. Paulit-ulit mo ba namang sinasabi yan e." Malamig na sagot ni Gaara. Gusto kong ipitin yung bibig niya para manahimik siya e. Napakabastos niya talaga kahit kelan.
"Then why don't you fix yourself? Change yourself and make me proud! Hindi yung puro ka na lang trouble dito sa SB High!" Sabi ng matanda. Tumawa ng nakakaloko si Gaara umiling-iling.
"Walang aalis, makinig kayo sa klase!" Pagtatapos ni Mr. Suson sa usapan at lumabas na siya ng room.
"Okay let's continue with our topic..." Sabi ng teacher kaya napaupo na ako ulit. Hindi na ako pinapansin ni Gaara at nag-cellphone na lang siya. Wala na talaga siyang pag-asang magbago pa tsk tsk.
Bago matapos ang klase ay may kinuha si ma'am na isang papel.
"Bago ko makalimutan class, you will be having a group project and you should pass it on Monday okay?" Sabi niya. Habang iniisa-isa niya sa pagtawag ang magkakagrupo ay nanalangin ako na hindi ako mapasama sa mga bano.
"Niza, Joan, Noemi, Roy, and Vance Valentine." Sabi ni ma'am.
"Yes! Yes!" Sabi ko na may kasamang palakpak. Buti naman dininig ang dasal ko. Itutuloy na sana ni ma'am ang pag-announce ng biglang magtaas ng kamay si Gaara.
"Ma'am alisin niyo si Vance sa group ni Noemi, he belongs to my group." Sabi ni Gaara.
Kaagad akong tumayo at pinag-ekis ang kamay ko sabay mariin na umiling.
"Ayoko ma'am! Huwag po kayong makinig sa kanya ma'am please po!" Pagtanggi ko pero sinipa ako ni Gaara sa pwet.
"Shut up! Sa amin ka sa ayaw at sa gusto mo!" Sabi niya. Naiiyak akong napakamot sa pwet kong sinipa niya.
"Ma'am please, ayoko po sa grupo ni Kael." Bumusangot ako. Ibinalibag ni Gaara ang upuan ko.
"Sit down! Uwian na kaya hayaan mo si ma'am para makauwi na tayo!" Sabi ni Gaara. Sumenyas pa ang ulo niya na umupo na raw ako. Napatingin na lang ako kay Noemi na humihingi ng saklolo pero nagkibit balikat lang siya.
"France, ikaw na lang ang pumalit kay Vance." Sabi ni ma'am kaya nawalan na ako ng pag-asa.
Matapos mag-announce ni ma'am ay nag-bell na rin. Sabi niya kailangan naming gumawa ng portfolio of art pieces inspired by a specific artistic movement, with each group member focusing on a different aspect. So paano ko aasahan yung apat? Baka sa akin lang din nila ipagawa lahat. Lintik na buhay naman 'to oh!

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.