抖阴社区

CHAPTER 1

206 17 1
                                    

VANCE's POV

Sa sakayan pa lang ng jeep ay tanaw ko na agad ang maasim na pagmumukha ng seahorse. First day ko sa SB High pero mukhang malas agad sasalubong sa akin.
Kinuha ko ang face towel ko at itatakip ko na sana sa mukha ko pero huli na ang lahat.

"Ay sus Bans, pinangarap mo pang makapasok sa SB High e wala na nga kayong halos makain." Patutsada ng matanda.

"Baka ho alam niyo ang ibig sabihin ng scholar ano ho?" Sagot ko naman.

"Alam ko hindi ako bobo!" Singhal niya sa akin. Pinalakpakan ko siya na may halong pang-aasar.

"O perfect! 'Wag na ho kayong magtanga-

"Ay bawal sabihin na-uh! O siya aling seahorse este Dory, papasok na ako sa pinakamahal na paaralan ho ano? Opo, pinakamahal bwahaha!" Binigyan ko siya ng malademonyong tawa at tinalikuran na.

"Sus nagmayabang. Tignan ko lang kung hindi ka huminto sa kalagitnaan ng taon." Sigaw niya sa akin.

Ngumiti ako na mapang-asar, "ay aling Dory, hindi ako yung anak mo." Sabi ko at inirapan siya. Nagtuloy na ako sa paglalakad kahit sigaw pa ng sigaw si seahorse.

Sumakay ako sa jeep at nag-123. Hindi naman siguro kawalan ng driver yung 8 pesos hehe.

Pagdating ko sa babaan ay nilakad ko na lang papunta sa SB High kasi walking distance na lang din naman. Inilabas ko ang lumang cellphone ko at nag-video ako ng pang story sa tiktok at IG. Dito ako magaling, magpost ng aesthetic photos para kainggitan ng mga kapitbahay namin. Nagselfie din ako ng marami with the background of SB High. Bumula sana ang bibig nila sa inggit hahaha.

"It's still early Kael, sige pa suntok pa haha!" Nabaling ang tingin ko sa likod ng guard house. May isang matangkad na student na may lollipop sa bibig ang nagsabi nun at inuutusan ang isa pang student na suntukin yung kinukwelyuhan niyang student rin.

"Ano Caloy? Laban! Wala ka pala e!" Sabi naman ng isa. Siya yung pinakapandak sa grupo at may lollipop din sa bibig.

May tatlo na studyanteng nakabulagta, yung isa ay hawak hawak ng lalaking red hair. I think he's Kael na para bang kambing kung ngumuya ng ngumuya ng chewing gum.

"Ano na Kael? Bagal oh!" Sabi ulit nung matangkad.

"Shut up Jayden, puro ka utos e hindi ka naman tumulong!" Singhal ni Gaara, bagay sa kanya kasi pula ang buhok niya e gaya ni Gaara sa Naruto na kalaban haha.

Nagtawanan sila. Itinutok ko ang phone sa kanila para kuhanan sila ng video.
Nung akmang babanatan na ni Gaara yung Caloy ay pinindot ko ulit yung start button.

*CLICK*

Punyemas picture pala yun. Nag-flash pa talaga kaya naman hindi natuloy ang pagsuntok sana ni Gaara. Napalunok ako nung sabay-sabay ang apat na tumingin sa akin.

"Son of a...Hoy!" Sigaw ni Gaara at binitawan ang kawawang Caloy. Nagsipagtakbukhan sila palapit sa akin kaya taranta din akong tumakbo papasok sa loob ng school.

"Aaahhhh papaaaa!" Sigaw ko. Punyemas unang araw pa lang trouble na agad. Kasalanan 'to ni seahorse e, malas talaga kapag nakikita ko ang pagmumukha niya.

"Stop!" Sigaw nila.

"I said stop!" Sigaw ni Gaara pero hindi ako nakinig. Hindi ako papahuli ng buhay neknek nila.

Maraming students ang nakatingin sa amin at sa pag-iling palang ng mga ulo nila ay alam kong matinding trouble 'to.
Umakyat ako sa second floor, may nabangga akong magandang babae at lumagapak siya sa sahig.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon