抖阴社区

CHAPTER 52

129 10 1
                                    

KAEL's POV

Nanginginig ang mga kamay ni Vance na hawak ang cellphone ko.

"V-Vance I can explain, you read my notes right? Baba hindi ko......"

"Fck you!" Putol ni Vance sa pagpapaliwanag ko. "Fck you Kael! Puyat ka? Pagod ka? Tapos anong idadahilan mo sa akin ngayon? Na inipit ka nila kaya nilayuan mo ako? Ha! Nakakatawa!" Sabi niya sabay marahas na punas sa mga luha niya.

"Vance I did it all protect you, lahat ng nakasulat sa notes ko, lahat yan totoo." Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya pero umatras siya.

"B-Baba I'm sorry, sorry please....."

"Sorry? Sorry because you chose them over me? Sorry because you chose to hurt me instead of explaining?"

"Then what do you want me to do? Natatakot akong saktan ka nila." Hagulgol ko. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.

"Kaya mas pinili mo ngang saktan ako? Kung sabagay, sino nga lang naman ako 'di ba? Sino nga ba ako kumpara sa mga kaibigan mo! I am worthless, a dirty rat, kaya bakit nga naman ako ang pipiliin mo 'di ba? 'Di ba?" Sigaw ni Vance at dinuduro ang dibdib ko.

"Sino nga lang ba ako e mas nauna pa yung pagkakaibigan niyo bago ako dumating! Siyempre mas pipiliin mo sila kaysa sa akin. Sa akin na wala ka namang mapapala!"

"Hindi totoo yan..." Umiiling na sabi ko.

"Totoo! Mas mahal mo sila kaysa sa akin kasi mas pinili mong talikuran ako!" Sigaw ni Vance.

"I love you....so much..." Halos pabulong kong sabi sa pagitan ng mga hikbi ko.

"No you didn't! Kasi kung minahal mo ako ipapaliwanag mo sa akin kung anong nangyayari! Hindi yung nagmukha akong tanga kakahabol sayo, sa inyo at iniisip na baka may ginawa akong mali!"

"Hindi mo ako mahal kasi hindi mo kayang manindigan. Duwag ka Kael, duwag ka!" Malakas niya akong tinulak kaya napaatras ako.

Hindi ako nakasagot. "Hindi ka makasagot kasi tama ako 'di ba?"

"Pvtangina naman! Ilang beses kitang tinanong, ilang beses kitang binigyan ng chance to explain but you keep lying to me!"

"I'm sorry....." Tanging nasabi ko.

"Paliwanag lang ang kailangan ko pero pinagdamot niyo!" Tinuro niya kaming lahat.

"Maiintindihan ko kung lalayo ka e, maiintindihan ko kung aalisin niyo ako sa grupo! Pero anong ginawa mo? Hinayaan mong magpatong-patong ang sama ng loob ko sayo!" Inihagis ni Vance ang cellphone ko at nawasak yun.

"Oh ayan! Pulutin mo lahat ng alinlangan at takot mo na inilagay mo sa cellphone na dapat ay sa akin mo sinabi! Ang tanga mo Kael, sobra!" Sabi niya na tinuro ang basag kong cellphone.

"Akala ko ba mas matanda ka sa akin pero bakit parang mas hindi ka nag-iisip?"

"Sobrang selfish mo na hinayaan mo akong masaktan habang sini-secure mo ang nararamdaman ng mga kaibigan mo!"

Napayuko ako at tinanggap lahat ng nilalabas na sama ng loob ni Vance sa akin.

"Anong sabi mo? Natatakot kang mapahamak ako? Natatakot kang masaktan ako kapag ikinasal ka kay Noemi? Gago ka ba? Bakit sa tingin mo ba ganun ako kahina?" Parang hinampas ng tabla ang dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay ni Vance at nagmamakaawa akong huwag na niyang ituloy ang sasabihin niya.

"Kaya kitang layuan Kael, kaya ko kayong kalimutan kung para sa ikakabuti ninyo." Napaluhod ako habang hawak pa rin ang kamay ni Vance.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon