VANCE's POV
"Is there a problem Vance?" Pukaw ni Perseus sa akin kasi napatulala ako.
"H-Ha? Ah wala, halika na. May gusto akong i-confirm ngayon." Seryosong sabi ko.
"Huh? About what?" Naguguluhan si Perseus.
"Basta, makinig ka na lang mamaya." Sabi ko sa kanya.
Sumakay kami sa kotse at umuwi na sa condo, as expected papa Valentine is not home.
"Saan ba nagpupunta si tito?" Perseus asked.
"Malalaman natin mamaya, order ka naman ng foods oh habang hinihintay natin si papa." Sabi ko.
Nag-order si Perseus at kumain kami.
Nagkwentuhan kami hanggang sa umabot ang alas 6 ng gabi.
*Knock knock*
May kumatok kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakangiti si papa na itinaas pa ang hawak niyang supot.
Hindi muna ako nagsalita, pinapasok ko muna siya at nagulat na makitang kasama ko si Perseus.
"Uy tamang-tama, hali kayo sa kusina kumain muna tayo." Masiglang sabi ni papa pero hinarangan ko siya sa balak niyang pagpunta sa kusina.
"Saan ka galing?" Seryosong tanong ko.
"Sa lumang bahay, 'di ba nga sinabi ko na sayo kahapon....."
"Nakausap ko si aling Dory, sabi niya hindi ka pumupunta doon."
Natigilan si papa at bahagyang lumunok. "A-Ah, b-baka hindi niya lang ako napansin. Alam mo namang nasa barangay hall sila....."
"Wala na sila sa barangay hall, pinaayos na nila ang bahay nila." Putol ko sa sasabihin ni papa.
"H-Ha? Ah o-oo, oo nga pala hehe."
"Nagsisinungaling ka sa akin papa, saan ka ba pumupunta?" Tanong ko.
"Anak, sinabi ko na sayo na...."
"Aamin ka o magda-drop out ako sa school?" Biglang hinablot ni Perseus ang braso ko.
"Hey watch your words." Sita niya sa akin.
"Shut up Perseus, kilala ko 'tong tatay ko. Hindi yan magsasabi hangga't hindi bina-black mail." Naiinis kong sabi. Alam kong nahahalata na ni papa na galit na ako.
"Okay sige, aaminin ko na." Sabi ni papa. Bumuntong hininga siya bago madamdaming nagsalita habang hawak ang kamay ko.
"Naghahanap ako ng trabaho anak, nahihiya na kasi ako kay Perseus. Atsaka malapit na maubos ang ipon ko e, baka hindi ko kayaning ipaayos yung bahay natin." Naiiyak na sabi ni papa. Parang may kumirot ng dibdib ko, hindi ko naisip na nahihirapan na pala si papa.
"Tito no, you don't need to be shy. Kayo nga tinanggap kami nung nagkaproblema kami e. Especially me, kahit nasaktan ko si Vance but still tinanggap niyo pa rin ako." Lumapit si Perseus at niyakap si papa.
"Pasensya ka na, eto lang ako e. Ayoko lang na isipin mong umaabuso kami ng anak ko." Sabi ni papa.
Naluluha akong lumapit sa kanya at niyakap na rin siya.
"Papa naman e, dapat sinabi niyo sa akin. Pwede naman akong mag-part time job para matulungan kita." Sabi ko.
"Kaya nga hindi ko na sinabi kasi alam kong gagawin mo yan. Gusto kong mag-focus ka lang sa pag-aaral anak." Sabi ni papa.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.