抖阴社区

CHAPTER 45

127 9 0
                                    

JACKSON's POV

Hindi ko pa sinabi kay Jayden na alam na ng parents ko ang relasyon namin, ayoko ring sabihin na pumayag na ako kay daddy na ikasal kami ni Noemi.

Pagkatapos kong maihatid si Vance ay dumiretso muna ako sa bahay ni Jayden, alam kong delikado pero sa kanya ko lang talaga makukuha ang kapanatagan ng loob ko kapag nakita at nakasama siya.

I texted him first, sabi ko nasa labas ako ng bahay nila naka-park sa katabing bahay nila. Bukod sa Lieutenant General ang daddy niya, mas mayaman na 'di hamak naman ang mommy nito.

Kung ira-rank ko ang grupo base sa katayuan ng buhay ay nangunguna si Kael, kasunod si Jayden, pantay si Perseus at Noemi, ako and then si Vance.

Sa pagkakaalam ko ay ang mommy ni Jayden ang nagpapatakbo ng business nila, under NEXUS too at hindi na ako magtataka kung protected ng daddy niya ang NEXUS Group.

Maya-maya pa ay natanaw ko na si Jayden na naglalakad palapit sa kotse ko. Palingon-lingon pa siya sa paligid at kinakabahan na baka may makasunod sa kanya. Nakapantulog na siya pero may iilan siyang bitbit na art materials.

"Honeybun what are you doing here? Alam mo namang delikado......."

Hinila ko siya payakap sa akin kaya natigilan siya sa pagsasalita. Ilang segundo ang lumipas at kumawala siya na nagtatakang tumitig sa akin.

"You have a problem, what is it Jackson?" Seryosong tanong niya. He knew me well.

"Wala, I just want to hug you that's all." Pinilit kong ngumiti.

"Alam mong hindi ka nakakapagsinungaling sa akin, come on tell me." Ani niya.

"Wala nga promise. Medyo nagkakasagutan lang kami ni daddy lately but I'm totally fine." Pagsisinungaling ko. Tumango siya at ngumiti, hinawakan niya ang kamay ko kaya hinalikan ko ang likod ng palad niya.

"You know what, hindi na ako sinasaktan ni daddy after niyang makaharap si Vance. But he still wants me to cut ties with you, at sa grupo." Jayden said.

"Kaya pa ba natin? I mean, hanggang sa dulo kaya mapanindigan natin 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit sumusuko ka na ba?" Balik tanong niya sa akin.

"Alam mong ikaw lang lagi ang pipiliin ko, pero ibang usapan na kapag safety mo na ang nakasalalay." Seryosong sabi ko sa kanya.

"I am always, always feeling safe when I'm with you Jackson. Sinabi ko na sayo noon that it's better to end my life than to live without you by my side." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, alam ko kasing kaya niyang gawin yun.

"Honeybun please, hindi kasi natin....."

"No. I love you, and if you love me you will fight for us, for this relationship. Leave me and I will end my life period. I don't see myself living alone, to end my life is my only choice." Matigas niyang sabi pero namumuo na ang butil ng luha sa mga mata niya.

"Okay, okay. I'm sorry honeybun, come here." Sabi ko at niyakap na lang siya ulit.

Mahina ang loob niya, vulnerable, kaya as long as kayang protektahan ng grupo si Jayden ay ginagawa namin. Ang pagiging sulsol niya every time na may away kami ay parang naging coping mechanism niya na. He's very fragile.

Hindi naman sa hindi ko siya kayang iwan dahil sa threat niya, I love him so much. Kaya mahirap sa akin na mamili kung itutuloy ang relasyon namin o hindi na kasi either of the two options ay mapapahamak ang buhay niya.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon