VANCE's POV
"Papa hindi pa ba tayo kakain? Nagwewelga na yung mga bulate ko sa tiyan e." Nakapangalumbaba ako sa lamesa habang tinitignan si papa na nagluluto.
"Matigas pa yung langka nak, may tinapay diyan sa ref yun na muna kainin mo." Sagot niya.
"Ayoko gusto ko ng kanin." I pouted.
"O mag-antay ka! Hindi pwedeng madaliin ang pagluluto kasi papangit ang lasa." Ani papa.
*Knock Knock*
"May tao sa labas Vance." Sabi ni papa.
"Buksan mo pa." Utos ko sa kanya kaya napamaang na lang siyang napatingin sa akin.
"Inuutusan mo ba ako?" Taas kilay niyang sabi.
"Ayoko na tumayo pa, mauubos ang energy ko gutom nga ako e." Maktol ko.
"Vance Valentine....."
"Tsk kainis istorbo!" Padabog akong tumayo at lumabas sa sala para buksan ang pinto.
Pagkabukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang naiiritang mukha ni Gaara na panay hampas at kamot sa braso niya.
"Why is it so hard for you to open this door quickly? Gusto mo ba akong ma-dengue?" Singhal niya sa akin.
"Ay punyemas ka! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat ako sa pagbisita niya.
"I'm staying here, ah no, I'm living here from now on." Sabi niya na papasok na sana.
"Sandaliiiiiii! Sandali punyemas ka!" Hinarangan ko siya.
"Baliw ka ba? Hindi ka pwede dito, umuwi ka na sa inyo." Isasarado ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang paa niya.
"Ano ba? Umalis ka nga papasok na ako!" Singhal niya.
"Aba! Bahay mo? Nagbabayad ka ng kuryente dito?"
"Dito na nga ako titira...."
"Hindi nga pwede Kael. Umalis ka na!"
"Papapasukin mo ba ako o sisirain ko 'tong pinto?!" Banta niya.
"Sige subukan mo, ipapakuyog kita sa mga tambay diyan sa labas. Umalis ka na, manggugulo ka na naman e." Pinagtulukan ko siya paalis pero mabilis siyang nakakapit sa doorknob at malakas siyang sumigaw.
"Titooooo! Tito Valentine!"
"Hoy!" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya pero huli na ang lahat. Lumabas si papa mula sa kusina at gulat na gulat siya nung makita si Gaara.
"Uy Kael? Bakit ka nandito? Tara pasok ka malamok diyan sa labas." Sabi ni papa.
"Ay hindi pa, aalis na rin 'to si Kael, 'di ba? 'Di ba Kael?" Sabi ko at pinandilatan si Gaara.
Tinanggal niya ang pagkakatakip ko sa bibig niya at madiin siyang umiling.
"No tito, may usapan talaga kami ni Vance na mag-sleep over ako dito sa house niyo." Pagsisinungaling niya.
"Ano? Hoy wala tayong usapan na ganyan! Umalis ka na nga sabi!" Tinulak ko ulit siya pero kumapit siya sa batok ko at humingi ng tulong kay papa.
"Titoooo, tito o si Vance."
"Vance ano ba yan? Papasukin mo si Kael, tamang-tama at luto na ang ulam sabay-sabay na tayong kumain." Sabi ni papa na masama ang tingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.