抖阴社区

CHAPTER 35

121 9 0
                                    

VANCE's POV

Kayakap ko si Kael ng bigla kong maalala yung birthday ni Jackson.

"Ay wait dada....." Kumalas ako.

"Hmm?" Hinaplos niya ang pisngi ko habang nakatitig siya sa akin.

"I just remembered the birthday of Jackson, alam mo na ba ang plano niya?"

"Yeah, sasamahan kita sa pagpunta sa bahay nila Jayden." Sagot ni Kael.

"Wala pa nga akong naiisip na pwedeng idahilan e. Pero bahala na, papayag naman siguro sila kapag sinabi kong project ang pupuntahan natin." I said.

"Next year birthday ko na, dapat andun ka din." Singit naman niya.

"Sus, lagi mo na lang talaga sinisingit yang sarili mo tch! Tara na nga sa sala, susunod ba daw sila dito?" Sabi ko. Hinila ko siya palabas ng kwarto pero hinila niya ako pabalik at niyakap ang baywang ko.

"Oo, pero habang wala pa sila pa-kiss muna ako ulit hehe."

"Adik! Tumigil ka ha, baka mamaga naman yung labi ko kakahalik mo!"

Tinanggal ko ang mga braso niya at lumabas ako ng kwarto.

"Bakit ba ang damot mo sa akin? Minsan na nga lang ako....."

"Ay sshhh! Manahimik ka na, ayoko, hindi ako papayag." Pagpapatigil ko kay Kael kaya naman para siyang batang nagtatampo na padabog na umupo sa couch.

"Sus ang arte, mag-review ka na lang para naman matuwa ako sayo." Sabi ko.

"Ayoko!" Kael said and he crossed his arms. Natawa ako sa itsura niya kaya mas lalo siyang sumimangot.

"Spoiled brat tss!" I said and rolled my eyes while walking towards him. I sat on his lap and kissed him on his cheek.

"Ehe, payag ka na ulit?" Nakangising tanong niya kaya sinampal ko siya ng mahina.

"Oo na, sarap mong kurutin nakuuuu! Kung 'di ka lang gwapo e." Sabi ko na pinisil ang dalawang pisngi niya sabay dampi ng halik sa labi niya.

"Pinapakilig mo ako lagi baba." He said.

I initiated the kiss but when Kael is about to respond the door suddenly opens so I stand and stay far from him right away.

"Woah! Ang hirap takasan ng lintik na mga bodyguards na yun!" Jackson said.

Nagkatitigan kami ni Kael at pareho kaming nagpipigil ng tawa.

"Where's tito? Did he cook something?" Kaagad na dumiretso si Perseus sa kusina.

"Wala si papa tangek, baka bumisita sa lumang bahay." Sigaw ko kaya laglag ang mga balikat ni Perseus pagkalabas niya galing sa kitchen.

"Let's have a drink, tagal na nating hindi uminom ah." Sabi ni Jackson na dumiretso sa mini fridge.

"Subukan niyo, tatanggalan ko kayo ng dila talaga." Banta ko sa kanila.

"Tara na, umuwi na lang tayo. Let's celebrate on Saturday kapag nakapasa tayo sa exam." Tumayo si Kael at lumapit sa akin.

"Let's have a party after the exam baba, if my score is higher than yours you will drink with us. Ano deal?" Tumaas ang kilay ko.

"Ako pa talaga hahamunin mo? Sige deal." Mayabang kong sagot kay Kael.

"Yown! Hahaha!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo at nakipag-apir pa kay Kael.

"At bakit? Sa tingin niyo talaga matataasan niyo ako ng score?" Taas kilay kong tanong.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon