KAEL's POV
Malayo pa lang ay tanaw ko na yung pagtabi ng pinsan kong si Caloy kay Vance. Wala naman talaga akong pakialam e pero alam ko kasing gagamitin niya lang si Vance. Well, siguro may pakialam kaunti, ayoko lang kasi na kapag laruan ko ay papakialaman ng iba lalo na ni Caloy.
"Stand up." Seryosong utos ko kay Vance.
"Ano na naman bang problema mo?" Naiirita niyang tanong. Hindi ako sumagot, tinuktukan ko ang ulo niya sabay hablot ng braso niya.
"Ah! Aray!" Reklamo niya at pinukpok niya ang baba niya pataas.
Dinuro ko si Caloy. "Stay away from Vance!" Mariin kong sabi.
Tumayo si Caloy at nakangisi niya akong hinarap.
"Why? Are you afraid that he will know the truth that you're not just a bully but also a criminal?!" Sumiklab ang galit ko.
"No shut up! That's not true!" I yelled.
"Tss really? Hey you guys! You heard it right! This, Kael Timothy Suson is a...."
"I said shut up!"
Napasigaw ang mga students nung sinuntok ko si Caloy. I can't control my anger, nagdidilim ang paningin ko at punong-puno ako ng galit.
"Kael stop!" Dinig kong sabi ni Perseus. May dalawang pumigil sa braso ko pero malakas ko lang silang hinawi.
Bumawi ng suntok si Caloy pero hindi ako nakaramdam ng sakit. Mas nangingibaw yung galit at kagustuhan kong saktan siya.
I'm not a criminal, hindi ko ginusto ang nangyari at mas lalong wala akong kasalanan. Hinila ko ang buhok ni Caloy at paulit-ulit ko siyang sinuntok hanggang sa bumagsak siya sa semento. Napaubo siya ng dugo pero mas nakadagdag pa yun ng galit ko sa kanya.
"Vance do something!" Sabi ulit ni Perseus.
Doon ay humarang sa akin si Vance na takot na takot ang mga mata.
"K-Kael tama na, tama na." He said and he wrapped me with his arms.
"Bitawan mo ako!" Hinawi ko siya pero mahigpit ang pagkakapit niya sa akin.
"Please, tama na. Control your anger kasi baka pagsisihan mo yan sa huli." Sabi niya.
Hindi ako nakakilos, napakuyom na lang ang mga kamao ko na pinagmasdan ang walang malay na si Caloy.
"Oliver dalhin niyo na sa clinic si Caloy bilis." Utos ni Vance sa kagrupo ni Caloy.
"Kael.......!"
Dumagundong ang boses ni grandpa at doon ako bumalik sa ulirat.
"G-Grandpa...." Sabay-sabay na sabi ni Jayden, Jackson, at Perseus na pawang mga kinakabahan.
"You again Kael? Akala ko ba nag-usap na tayo pero ano na naman 'to?" Galit na wika ni grandpa. Binuhat ng mga tauhan niya si Caloy para dalhin sa clinic.
"S-Sorry grandpa..." Sabi ko.
"Ano pa bang dapat gawin para magtino ka na ha? Itatakwil na lang ba kita at pabayaan na lang ganun ba kasi pagod na pagod na kami kakasaway sayo Kael." Hindi ako nakaimik, yumuko na lang ako para itago ang pagpatak ng mga luha ko.
"A-Ahm sir grandpa makasingit lang po ano ho? Huwag po kayong magalit kay Kael, wala po siyang kasalanan." Pumagitna si Vance.
"Ang totoo po niyan e na-provoke lang po siya kaya nagawa niya 'yun. A-Ako po ang dahilan kaya sorry po." Dugtong niya pa. Narinig kong bumuntong-hininga ng malalim si grandpa.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.