VANCE's POV
"H-hi Ophelia, ako si Vance." Sagot ko sa babae pero hindi ako nakipag-kamay kaya napahiya siyang inilagay sa bulsa niya ang mga kamay niya.
"Ano tara? Hatid na kita, mukhang may pinagdadaanan ka e." Ngising sabi nito.
"Obvious ba?" Tanong ko at tumango siya.
"No thank you, hindi ko na kailangan ng ibang tao sa buhay ko." Napamaang siya sa sinabi ko.
Umalis ako at iniwanan siya, ayoko ng makipagkaibigan. Sarili ko lang sapat na, I have the best papa in the world though. Kaya kahit mag-isa ako okay lang.
Mas payapa, less toxic, less problems, less heart aches, and less betrayals. Sumakay ako ng taxi at sa bahay na ako nagbayad, may pera pa naman akong nakatago e.
---------
KAEL's POV
Kasalukuyan akong nakatitig sa tulog na si grandpa habang iniisip ang nangyari kanina pagkaalis ni Vance, gusto ko siyang sundan, sabihin ang totoo at makiusap na huwag akong iwan. But it's bullshit! I'm bullshit! Napakaduwag ko and I'm so stupid for hurting him and just let him go.
"Kael!" Malakas na tawag ni Perseus sa akin at tinulak ako. "Why did you kiss her? Hindi kasama sa script yun siraulo ka ba?" Galit na bulyaw niya sa akin. Napayuko na lang ako at hindi umimik.
"Pumayag ako to use Noemi pero wala sa usapan natin na hahalikan mo siya!" He pushed me again.
"Perseus stop, calm down okay? Calm down love." Pagpapakalma ni Noemi sa kanya.
"Argh damn it!" Sigaw ni Perseus. "Bakit kasi hindi mo na lang aminin kay Vance ang totoo? Hindi naman yun tanga para hindi niya tayo maintindihan!" Dugtong niya pa.
"And then what? Huh? And then what? Gagawa siya ng paraan para tulungan tayo? Gagawa siya ng plano para makatakas tayo sa pisting mga pamilya natin?" Bumuhos ang mga luha ko.
"Perseus hindi mo alam kung gaano kahirap at kasakit 'tong ginagawa ko. I chose all of you over him, I chose to save you over our relationship!" Sagot ko.
"Kung sasabihin ko sa kanya ang lahat sa tingin mo ba hindi siya mapapahamak? Mas pipiliin ko pang magtiis na malayo siya kaysa sa mapahamak siya!" Lumapit si Jayden at hinagod ang likod ko.
"Sobrang sakit dito, dito!" Turo ko sa dibdib ko. "Every time that I will touch Noemi para akong pinipiga sa isiping nasasaktan si Vance. Sobrang sakit isipin na umiiyak siya ng patago sa tuwing hindi ko siya pinapansin!" Nabasag ang boses ko.
"Hindi mo alam ang pakiramdam na para kang unti-unting pinapatay sa tuwing nakikita ko ang malungkot niyang mata na nakatingin sa akin na naghahanap ng explanation. Tapos isang dampi lang sa labi ni Noemi sisigawan mo ako? Fck you!" Panunumbat ko kay Perseus.
Natahimik siya at napabuntong hininga. "Kung may choice lang ako hindi ko hahayaang may tumulo kahit isang patak lang ng luha ni Vance."
Hindi kinayang suportahan ng mga tuhod ko ang katawan ko, dahan-dahan akong napaupo sa sahig at walang tigil sa pag-iyak.
"I-I'm sorry." Mahinang sambit ni Perseus.
"Baba ko yun e, mahal ko yun, mahal na mahal ko yun." Sambit ko habang nahihirapan na sa pagsasalita dahil sa labis na emosyong nararamdaman.
"You have no idea how much it hurts! Hindi kayo ang nangako sa kanya na mamahalin siya at pipiliin anuman ang mangyari." Napasubsob ako sa sarili kong tuhod at pinakawalan ang sakit na nararamdaman simula nung araw na iniwasan ko si Vance.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.