抖阴社区

CHAPTER 32

143 14 0
                                    

VANCE's POV

Akma na sanang ibabato ni Kael ang bote pero bigla siyang natigilan at tinitigan itong mabuti. Maya-maya pa ay tumingala siya, pumikit si Kael at nakita ko ang pag-agas ng luha niya sa mga mata.

"This! This is for the little Kael that they think he is not worthy enough!" Malakas niyang sigaw.

It broke me, pati ako ay napahagulgol at ang sikip ng dibdib ko. Hindi ako iyakin na tao pero pagdating sa kanila ay naaapektuhan ako ng lubusan.

"To the little Kael that they hate and ignore, stop blaming yourself man! You're not the same to this little bottle that is worth nothing! May halaga ka, may silbi ka! Forget the past and live freely Kael!" Dugtong niya pa saka niya ibinato ang bote sa pader.

Lumingon si Kael sa amin at sabay-sabay kaming lumapit sa kanya. Nagyakapan kaming lima habang umiiyak at tumatawa.

After a while, "uy si Vance pa." Perseus said.

"No need, though I have disappointments in life too but I never got mad to anybody or the universe hehe. Nag-suggest lang ako kasi alam kong need niyo 'tong apat." I said while smiling.

Bigla nila akong dinumog ng yakap na halos hindi na ako makahinga.

"Argh! A-Aray punyemas! Hindi ako makahinga mga baliw kayo!" Reklamo ko. Tumatawa silang kumalas sa akin at inakbayan ako ni Kael.

"What now? Balik na tayo sa school?" Jackson asked.

"Ayoko, nag-cutting class na rin lang naman tayo e lubusin na natin. Dada gusto ko mag-arcade." Nakangising sabi ko kay Kael.

"Sure baba, tara." Hinawakan niya ang kamay ko. "Mahuli manlibre!" Sigaw ni Kael at hinila niya ako para tumakbo.

"Honeybun run!" Sigaw ni Jackson at sumunod sila sa pagtakbo.

"What the.....hoy!" Malakas na sigaw ni Perseus kaya nagtawanan kami.

Bago kami makarating sa arcade ay nadaanan namin ang carousel, huminto ako at napatigil din sila. Hinihingal kaming lahat habang nakatingin sa mga nakasakay sa mga kabayo.

Yumakap ako sa baywang ni Kael at ngumisi. "Dada gusto ko diyan." Sabi ko sabay turo sa carousel.

"Okay sure, oh Perseus bayaran mo na." Baling ni Kael Kay Perseus.

"Boyfriend mo tapos ako ang gagastos? Kuripot tss!" Angal ni Perseus pero nagbayad naman siya sa counter.

Papasok na sana kami pero pinigilan ko muna sila. "Teka mag-picture muna tayo. Remembrance nating lima." Sabi ko.

They agreed, sakto namang may matandang babae ang mabagal na naglakad sa harapan namin. Nilapitan ko siya at kinausap.

"Excuse me po lola, pwede po ba kaming magpakuha ng picture? Okay lang po ba?" Magalang tanong ko sa kanya.

Nginitian niya ako at tinitigan niya akong mabuti.

Napansin ko ang pin sa kaliwang dibdib niya, isang diamond na pinuluputan ng gold dragon. It looks familiar, napaisip ako kung saan ko yun nakita pero bigla na siyang nagsalita kaya nawala na sa isip ko.

"O sige apo, akin na ang cellphone mo." Said the old lady.

Binigay ko sa kanya ang phone ko at ni-ready na yun sa camera para iki-click na lang niya.

"Oh game game! 1,2,3 say SB High......." Sabi ko.

"S-B-High......." Sabay-sabay naming sigaw at makailang ulit na kumuha ng photo ang lola.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon