VANCE's POV
Tinawag kami ng hapunan kaya lumabas kami ng kwarto. Wala kaming imikan habang kumakain kaya panay sulyap si papa sa amin at nagtataka.
"Teka nga, magkaaway ba kayong apat? Bakit ang tahimik niyo?" Hindi nakatiis si papa at nagtanong na siya.
Sabay kaming umiling maliban kay Perseus.
"Hay naku kayo talaga, Kael inaway ka ba ni Vance?" Kaagad tumaas ang kilay ko.
"Ako agad? Si papa halata na masyado, si Kael na lang siguro anak mo noh?" Asar kong sabi.
"E bakit nga tahimik kayo?" Tanong ni papa.
"Tsk! Pinagalitan ko lang sila kasi mali-mali ang sagot nila sa assignment. Yun lang yun pa tsk."
Nawalan ako ng ganang kumain kaya naman sinalin ko na lang kay papa ang kaunting kanin na natira sa pinggan ko. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay dumiretso ako sa kwarto at tumulala.
Ang totoo niyan e iniisip ko talaga kung paano ko mapapayag si Gaara sa plano ni Noemi. Naaawa talaga ako kay Jayden lalo na nung makita ko kung paano siya saktan ng daddy niya.
"Here baba." Pumasok si Gaara at inabot ang mangkok na may lamang ice cream. Hindi ko yun tinanggap kaya umupo siya sa tabi ko at siya na lang kumain.
"Bakit mo kinakain yan?"
"Ha? Akala ko ayaw mo e, hindi mo kasi tinanggap."
"Subuan mo ako." Utos ko sa kanya.
"Okay. Open your mouth baba." Malambing niyang sabi. Pagalit naman akong ngumanga at kinain ang ice cream na isinubo niya.
"You want more baba?" Tanong niya. Tumango ako, medyo kumalma ang isip ko kasi nalamigan ng ice cream.
"Are you mad at me?" Tanong ko.
Umiling siya. "Why should I? It's because of what you said earlier? Baba ang sabi ko lang ayokong pumayag, pero hindi naman ako galit." He explained.
"Bakit ayaw mong pumayag? Magpapanggap lang naman ako e."
"I'm jealous. Gusto ko ako ang magpapakilala sayo sa family ko at hindi si Noemi."
Napamaang ako sa sinabi niya. "Kael pagpapanggap lang ang lahat, iba yung sayo at kay Noemi." Sabi ko.
"Kahit na, atsaka hindi ordinaryo ang family ni Noemi baba. Her parents are politicians at marami silang negosyo."
"And so? Susubukan lang naman namin, kung hindi gumana e 'di tapos. Ganun lang kasimple."
"Ayoko pa rin. Last bite baba, open your mouth." Isinubo niya ang huling ice cream. May dumikit sa gilid ng labi ko kaya pinunasan niya iyon gamit ang daliri niya atsaka isinubo niya rin. Kadiri kung tutuusin but I find it sweet.
Lalabas na sana siya pero pinigilan ko siya at kinuha ang mangkok. Nilagay ko iyon sa bedside table atsaka pinaupo siya sa kama at umupo ako sa hita niya.
"Kael naaawa ako kay Jayden, kung nakita mo lang kung paano siya saktan ng daddy niya kanina. Tapos mawawala pa si Jackson sa kanya na kung tutuusin ay siyang dahilan kung bakit mas pinili niyang lumayas na lang." Sabi ko.
He sighed. "Baba ayoko, huwag mo ng ipilit yan."
"Sige naman na, tulungan natin sil......."
Hindi niya ako pinatapos at tumayo na siya kaya umalis na lang din ako sa hita niya.
"Kael sandali lang......" Hindi siya nakinig at lumabas na ng kwarto. Lumabas na rin ako at naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay naglinis ako ng katawan.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.