抖阴社区

CHAPTER 43

114 11 0
                                    

VANCE's POV

Lumabas si Kael kaya naman mabilis din akong sumunod, nakayuko lang ako para hindi ko makita si mama at hindi ako mapansin ng daddy ni Jayden. Pero nung malapit na ako sa pinto ay may braso na biglang humarang sa harap ko.

"What's your name young man?" Napalunok ako, boses pa lang ni Mr. De Dios ay nakakatakot na.

As a respect to him ay nag-angat ako ng tingin at dumiretsong tumitig sa kanya.

"Sir, m-my name is Vance Valentine Ajero sir." Sagot ko.

"I remember you. And again, I will say this for the second time, stay away from my son. Do you understand?" Sabi nito. Para akong nabilaukan at hindi ako nakapagsalita.

"Vance let's go, don't listen to him." Bigla akong hinila ni Jayden palabas ng detention room. Hila-hila siya ni Jackson at ako naman ay hila-hila din niya. Nakasunod sa akin si Noemi at Perseus na magkahawak kamay din.

Bumitaw ako at tumakbo para maabutan ko si Kael. Nakarating kami sa garden dahil sa bilis ng lakad niya.

"Ahhhhh! Fck them!" Sigaw ni Kael at pinaghahampas ang mga dahon ng bulaklak. Hinayaan ko na muna siya hanggang sa kusa siyang nanghina at umupo sa bench. Napahilamos siya sa mukha niya at alam kong umiiyak siya kaya tinabihan ko na siya at niyakap.

"Dada, hoy? Tama naman na yan, tapos na oh, nabuking na si Caloy." Pagpapakalma ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong mabigat na kasalanan ang nagawa ko e, bakit nila ako pinagkakaisahan ng ganito?" Sabi ni Kael na puno ng hinanakit. Umupo na rin sila Jackson at pare-pareho silang napatulala.

"Wala tayong magagawa kung sadyang masama na ang ugali nila, ang importante ay hindi ka tutulad sa kanila dada. Ipakita mo sa kanila na kahit anong gawin nila sayo ay hindi ka magpapatalo." Sabi ko.

"Yun na nga e, ilang beses na nila akong natalo baba. At hindi ko alam kung kailan nila ako titigilan." Pumiyok siya sa sinabi niya. I cup his face and we both stare at each other's eyes.

"Makinig ka dada, huwag mong hintaying tigilan ka nila. Make a move, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para matigil sila sa panggugulo sayo. Look, we are here. We got your back." I said while smiling. Tinignan ko isa-isa ang grupo at tumatango din sila.

"Siguro kung hindi ka dumating sa buhay ko ngayon sumuko na ako. Binago mo ako, kami ng grupo." Sabi ni Kael sa akin.

"Ewan ko ba, scholarship lang naman sana ang habol ko pero heto ako, pinagtiya-tiyagaan ka ngayon." Sabi ko sabay tawa ng nakakaasar kaya sumimangot siya.

"Talaga ba Vance Valentine? E kung halikan kaya kita ngayon?" Naaasar na sabi ni Kael.

"Hehe, joke lang dada. Mamaya na sa condo." Nakangisi kong sagot.

"Tara cutting class tayo, let's hang out para naman mabawasan ang stress natin." Suggestion ni Noemi kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.

"Hindi pwede, lowest ka na nga sa exam magka-cutting class ka pa." Sagot ni Perseus sa kanya kaya sumimangot si Noemi at inirapan si Perseus.

"Seryosohin na natin 'tong taon na 'to, ilang buwan na rin lang naman ga-graduate na tayo." Desididong sabi ni Kael.

Tinaob ko ang palad ko sa ere, "ga-graduate tayo ng sabay guys. Walang maiiwan." Malakas kong sabi at ipinatong nila ang mga palad nila sa kamay ko.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon