PERSEUS POV
After what I did to Vance and Kael ay mas lalo akong naging malungkot. Doon ko lang na-realize na maling-mali yung ginawa ko.
Vance was right, hindi niya kasalanan ang mga ginawang pangmamaltrato sa akin ng mama niya. But I was blinded by anger kaya hindi ko na naisip ng maayos ang ginawa ko.
Mahirap din sa akin na hindi ako pinapansin ng grupo, mas lalo akong nawalan ng kakampi dahil sa ginawa ko.
Pinuntahan ko si Vance sa bahay nila para personal na humingi ng sorry pero nagulat ako sa naabutan ko.
Nagkakagulo ang mga tao sa kalsada at kakatapos lang maapula ng sunog.
"Shit what happened? Okay lang ba kayo?" I asked worriedly.
"Mukha ba kaming okay?" Sagot ni Vance.
Umiyak ako dahil sa sobrang guilt na nararamdaman ko, naaawa din ako kay tito kasi naging mabait siya sa akin nung mag-stay ako sa bahay nila pero binastos ko lang siya.
"Sorry tito Valentine, sorry po." Humagulgol ako at yumakap kay tito.
"Nagalit ako kay Vance at sinaktan ko siya. Hindi ko na po kasi kinaya ang mga ginawa ni Vangie sa akin. Sorry po talaga." Sabi ko.
Hinagod ni tito ang likod ko at hinayaan niya akong umiyak.
"Oh tapos ngayon nagpapakampi ka kay papa? Ang kapal din ng mukha mo e." Galit na sabi ni Vance.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay tito at hinarap ko si Vance.
"I-I'm sorry. Alam kong nagkamali ako, please patawarin mo ako Vance." I said.
"Neknek mo! Umalis ka na! Ayokong nakikita yang pagmumukha mo!" Singhal niya sa akin.
"Kaya ko lang naman ginawa yun kasi napuno na ako. Nung sinundo ako ni papa sa school para pauwiin ay sinabi niya sa akin na gumagawa ng papers ang mama mo para sila ang maging beneficiary ko incase may mangyaring masama sa akin." Pag-amin ko.
"Bukod sa lagi akong sinasaktan ni Vangie ay sinasaktan din ako ni daddy not just physical but verbally too. Si mommy naman sunod-sunuran lang sa babaeng yun. Alam kasi ng mama mo na inilipat na ni daddy sa akin ang company niya. Hindi kasi siya magkaanak kaya sa akin niya pinasa ang responsibility." Pagpapaliwanag ko.
"Pakiramdam ko kasi may gagawin si Vangie sa akin na masama kaya ginawa niya yun. Nagkagulo kami sa bahay kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos." Dugtong ko pa.
"Kaya ako ang pinagdiskitahan mo ganun? Napahiya ako sa ginawa mo Perseus!" Panunumbat niya sa akin.
"I know and I'm sorry. Hayaan mo akong makabawi sayo, sa inyo ni tito." Sabi ko.
"Alam mo Perseus, mas mabuti pang umalis ka na sa bahay niyo." Biglang sabi ni tito.
"B-Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.
"Alam ko ang ugali ni Vangie e. Mapapahamak ka lang sa kanya." Sabi ni tito at pati si Vance ay napatingin sa kanya.
"Balak ko nga pong palayasin na sila sa subdivision namin. Kaso wala pa po akong karapatan, after graduation pa po ako magkakaroon ng karapatan base na rin po sa agreement na pinirmahan ni daddy."
"E bakit hindi na lang ang daddy mo ang magpalayas sa kanila?" Tanong ni Vance.
"Because he wants us to be miserable. After kong ma-take over ang lahat ng meron siya ay iiwanan niya na rin ako at hayaan ang lahat ng responsiblity sa akin. I have no choice then, wala naman akong ibang mapupuntahan. I need to fight back to save myself." Malungkot kong sabi.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.