VANCE's POV
Pagkauwi sa condo ay kaagad akong nagpahinga, hindi ko na namalayan si papa na dumating kasi nakatulog na ako.
Maya-maya pa ay naalimpungatan ako sa mahinang tapik sa pisngi ko.
"Baba wake up, wake up." Malumanay na sabi ni Kael. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang magandang ngiti niya.
"Dada? Bakit nandito ka?" Takang tanong ko.
"Binisita kita, look what I've got here." Inilabas niya ang kutsilyong may bahid ng dugo kaya naman napabalikwas ako ng bangon.
"D-Dada......." Halos kapusin ako ng hininga nung ngumisi siya ng nakakatakot. Bumulwak ang dugo sa bibig niya at saka ko lang napansin ang napakaramkng kutsilyong nakatarak sa likod niya.
"Kaeeeeeeeeeel........."
*Pak*
May sumampal sa pisngi ko kaya nagising ako sa masamang panaginip ko. Masakit ang ulo at lalamunan kong bumangon at nakita ang nag-aalalang mukha ni papa.
"Anak? Naku po ang taas ng lagnat mo." Sabi ni papa pagkatapos niyang hipuin ang noo at leeg ko.
Humiga ako ulit at napapikit, parang totoo yung panaginip ko kanina. Lumabas si papa ng kwarto at may dala ng towel at tubig pagbalik niya.
"Ayan na nga bang sinasabi ko e, dahil sa part time job na yan kaya nagkakasakit ka." Sermon niya sa akin habang pinupunasan ako.
Hindi ako umimik, ayoko munang makipagtalo. Pinakain ako ni papa at pinainom ng gamot pagkatapos.
Habang nakahiga ay nakaramdam ako ng hilo at antok, bago pumikit ay nakita ko si papa na lumabas ng kwarto na bitbit ang cellphone.
"Yes mama?" Dinig kong sabi ni papa. Hindi ko alam kung nagdedeliryo na ako o totoo ang mga naririnig ko.
"Nakausap ko ang tauhan mong sumusunod kay Vance. Pwede ba? Bigyan mo naman ng katahimikan ang anak ko!" Sabi ni papa.
"Yes yes I know. Bantay sarado yang anak ko simula pa noong bata, do you think na hahayaan ko lang siyang mapahamak? All I want for him is to live a normal life, yung malaya at walang mabigat na responsibilidad." Sabi ni papa kasunod ang malalim na buntong hininga.
"Vangie? Oh I don't care about her, malaya siyang gawin kung anong gusto niya basta 'wag lang niyang gagalawin ang anak ko." Matigas na sabi ni papa.
Totoo ba 'to? Hindi ko alam kasi parang lumulutang ang pakiramdam ko, nahihilo at parang masusuka.
"Stop bothering your grandson, he's safe with me mama." Yun ang huling narinig ko bago ako nawalan ng ulirat.
Nagising ako kinabukasan sa alarm ng phone ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero himalang wala na yung lagnat at maayos na ang pakiramdam ko.
Bumangon ako at pinuntahan si papa sa kusina.
"Oh anak, okay ka na ba? Huwag ka na kaya munang pumasok total Friday naman." Sabi ni papa.
Umiling ako. "Uhm papa, m-may kinausap ka ba kagabi? Tumawag ba si lola Valencia sayo?" Pag-iiba ko ng tanong.
"Ha? Hindi naman bakit?" Takang tanong ni papa.
"Ah wala po. Sige pa, maliligo muna ako." Sabi ko na lang. So nagdedeliryo na nga ako kagabi tsk.
Nagligo ako at pagkatapos ay kumain, pinainom pa ako ng gamot ni papa para daw tuluyan na akong gumaling.
Bumaba ako sa ground floor at nadatnan ko si Perseus.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.