抖阴社区

CHAPTER 55

199 17 0
                                    

KAEL's POV

"Nakaka-miss ka din pala bro." Jackson said and laugh after.

"Shut up!" Sabi ko na hinampas ang braso niya. "Si Vance? Pumasok na ba?" Tanong ko.

Nagkatinginan sila. "Don't just stare to each other, answer me! Nasaan na si Vance?" Tanong ko ulit.

"Ehem! Kael sorry pero lumipat na ng school si Vance. Last week pa." Sabi ni Perseus.

"What? And you didn't even tell me?" Taas kilay kong tanong. "Saang school? Tara puntahan natin ngayon." Sabi ko. Akma akong lalabas sa gate pero pinigilan ako ni Jackson.

"Uhm bro, h-hindi kasi namin alam kung saang school siya lumipat e." Sabi niya.

"Damn it! Hindi niyo ba tinanong sa principal? Or kahit sa teacher? Bakit hinayaan niyo na lang e alam niyo namang nagpapagaling pa ako nung time na yun?" Bulyaw ko sa kanila.

"Hindi rin kasi nila alam e. Ang sabi ng principal hindi si Vance or si tito ang pumunta para kunin ang card niya." Sabi ni Jackson.

"Kalokohan! Pwede ba naman yun?" Inis kong sabi.

"Hindi namin alam bro. Sinubukan naman naming hanapin dito sa mga school na malapit pero wala talaga e." Jackson said.

I sighed heavily. "Shit! Tara tara na nga! Saka na lang natin hanapin, 1 week na lang din naman at vacation na." Nagpatiuna akong maglakad papunta sa room namin.

Nakaramdam ako ng kaunting guilt kasi sinadya kong 'wag na munang pagtuunan ng pansin si Vance.

Ayoko lang kasing masira yung pagiging maayos ng samahan namin ni daddy ngayon. But I swear, I will find him at susuyuin ko siya para bumalik siya sa akin.

At sisiguraduhin kong kapag nagkita kami ulit ay nasunod ko lahat ang bilin niya. Magiging maayos ang buhay ko at hinding-hindi na kami magkakaroon pa ng problema.

"Anyway, nagyaya si daddy ng dinner mamaya. He wants to apologize to all of you." Sabi ko nung pagkapasok namin sa room.

"Really? So you mean wala na yung sinabi niyang panggigipit sayo? As in like we are free?" Hindi makapaniwalang tanong ni Noemi.

"Yeah. Pero ewan ko na lang sa mga magulang ni Jackson, yung about sa kasal niyo." Sabi ko at kaagad napalitan ng lungkot ang saya sa mukha ni Noemi.

"Magagawan natin ng paraan yan. Ilang buwan na lang sa akin na ang Nase Group ng buong-buo." Sabi ni Perseus.

"Oh I hope so. Ikaw ba Jayden, wala bang balita sa parents mo? Like kung anong plano nila para sayo?" Noemi asked Jayden.

"Ayun, daddy wants me to take criminology. Sabi ko ako na lang ang bahala sa business namin pero ayaw niya." Nalungkot bigla si Jayden.

"Awe that's sad. Sana magbago pa ang desisyon ng daddy mo." Sabi naman ni Noemi.

Malakas na tumunog ang bell kaya naman umupo na kami. Nakinig kami sa klase hanggang sa sumapit ang lunch time.

"Tara sa cafeteria, doon na tayo......." Natigilan si Jackson sa pagsasalita nung sabay-sabay na nag-ring ang mga cellphone namin.

Kanya-kanya kami ng sagot. "Hello daddy? Napatawag ka?" Tanong ko.

"Kael may susundo sayo diyan sa school, pumunta ka dito ngayon sa kumpanya." Sabi ni daddy.

"Why? Daddy are you okay? Your voice is shaking." Nag-aalalang tanong ko.

"I'm having a problem here. Kasabay mo si grandpa mo and please alalayan mo siyang mabuti okay?" Mahinahon man pero halata pa rin na parang nanginginig si daddy.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon