抖阴社区

CHAPTER 23

138 12 1
                                    

VANCE's POV

Naglakad ang daddy ni Perseus papalapit sa kanya, "go home." Sabi nito.

"For what? You said you don't need me." Sagot ni Perseus.

"Don't be stubborn Perseus, pasalamat ka nga sayo ko pa ipapamana ang lahat kahit na...."

"Because you don't have a choice, wala kang ibang anak maliban sa akin." Singit ni Perseus sa sasabihin ng daddy niya.

"Anak? Hahaha! You're funny." Sabi ng matanda.

Bakit? Anak naman talaga niya si Perseus ah? Hindi ba? Bakit nakakainsulto ang mga tingin niya kay Perseus?

"Class will start, you can leave now." Malamig na sabi ni Perseus. Lalagpasan niya sana ang daddy niya pero hinablot nito ang braso niya at may ibinulong kay Perseus.

Nakita kong nanlisik ang mga mata niya at napakuyom ng kamao. Binitawan siya ng daddy niya at lumabas na ang matanda sa classroom.

Lumapit si Gaara kay Perseus.

"Hey, you okay?" Tanong ni Gaara. Hindi sumagot si Perseus at akma siyang susunod sa daddy niya pero humarang si Jackson at Jayden.

"Perseus what's wrong?" Jackson asked.

"Nothing. Uuwi na muna ako, may kailangan akong ayusin sa bahay." Sagot ni Perseus at tuluyan siyang umalis.

Nagtataka man ay hindi ko na pinilit pang alamin kung anong problema ni Perseus. Bukod sa ayaw niyang magsabi e ayoko munang dagdagan ang mga isipin ko.

"Hayaan na muna natin siya. Let's take a seat baba." Nagsalita si Gaara.

Umupo na kami, tuluyan na ngang nakipagpalit ng upuan si Gaara kay Jackson.

Nagsimula ang klase, malapit na pala ang first quarter exam kaya sinabihan ko silang mag-focus sa klase.

"Students, maaga matatapos ang subject ko kasi nakiusap ang PE teacher niyo. After ng klase ko ay dumiretso kayo sa court maliwanag?" Sabi ni sir.

Umoo naman kami sa kanya.

Hindi pa nga lumagpas sa kalahati ang oras ni sir ay nagpaalam na siya.

"Diretso sa court." Sabi pa nito. Nagsitayuan na rin kami para pumunta sa court ng biglang lumapit si Noemi sa akin.

"Vance samahan mo muna ako sa locker, magpapalit lang ako ng uniform." Sabi niya.

"No." Si Gaara ang sumagot.

"Tsk Kael! Sige na mauna na kayo sa court susunod na lang kami." Sabi ko.

"Ayoko. Sasama na lang din ako sa locker room." Sabi niya.

"Ano? Huwag na, kami na lang."

"Sasama ako. Bakit ayaw mo akong pasamahin?" Sumama ang tingin niya sa akin.

"Pwede ba? Magbibihis lang si Noemi 'wag ka ngang ano diyan." Medyo nairita ako sa kanya.

"Magbibihis lang naman pala e, bakit kailangang kasama ka pa? Ikaw ba maghuhubad sa kanya?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa gulat ko ay nahampas ko ng malakas ang braso niya.

"Para kang tanga alam mo yun? Huwag kang makulit naiinis na ako sayo." Sabi ko.

Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya, parang nagalit siya sa sinabi ko at hindi niya kayang itago ang nararamdaman niyang selos.

"A-Ah Vance, s-sige 'wag na lang pala. A-Ako na lang ang pupunta sa locker room." Singit ni Noemi.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon