抖阴社区

CHAPTER 8

144 13 3
                                    

VANCE's POV

"Anak kakain na!" Narinig ko ang sigaw ni papa. Pagtingin ko sa oras ay 9pm na pala. Bumangon ako at nagtungo sa kusina.

"Halika na, maupo ka na. Nagluto ako ng tinola." Sabi ni papa. Nilagyan niya ako ng kanin sa pinggan ko at nagsimula na kaming kumain.

Bigla kong naalala yung project namin.

"Ah papa, baka po may bisita ako bukas. Mga kagrupo ko po, gagawa kami ng project." I said.

"Ha talaga? Naku sige, maglilinis ako ng maaga bukas. Dito ba kayo hanggang hapon?" Tanong ni papa.

"Siguro po. Pa pwede pa-request ng ampalaya? Namimiss ko na yung ampalaya mo e." Paglalambing ko.

"O sige magluluto ako ng ampalaya bukas para sa tanghalian niyo na rin." Sagot ni papa.

"Thank you pa." Ngumiti siya sa akin at kumain na kami ulit. Ako na ang nagligpit at naghugas ng pinggan.

Pinag-iisipan ko ang magiging portfolio namin. May printer naman sa labas kaya okay lang, or pwedeng i-save muna tapos si Perseus na lang ang magprint. Pero baka hindi naman niya gawin tapos, ay naku ako na nga lang ang bahala.

Ay shit oo nga pala, bulok na yung laptop ko. Nakakahiya naman sa kanila.

E ano naman? Bulok man at least gumagana pa rin. Tsaka importante may utak ang gumagamit bwahahaha.

Pagkatapos kong maglinis ay pumasok na ako sa kwarto. Nag-research ako ng pwede kong topic para yung apat na lang ang poproblemanhin bukas.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay nakarinig na lang ako ng mga nagkakalampagang mga gamit. Bumangon ako at lumabas.

"Papa? Alas 6 pa lang ah?" Sabi ko na nagpupunas ng muta sa mata.

"E may bisita ka kamo hindi ba? Mayayaman yun panigurado kaya nakakahiya naman kung dugyot itong bahay. Saka tapos na rin naman ako hehe." Nilibot ko ang mata sa buong bahay at kulang na lang ay kuminang iyon sa sobrang linis.

"Parang ikaw pa yung ka grupo kaysa sa akin ah?" Sabi ko na napakamot sa hita.

"Puro ka reklamo, sige na mag-almusal ka na doon. Ako na ang bahala at hindi naman muna ako magtitinda ng siomai." Sabi ni papa.

"Lah bakit po?" Nagtaka ako.

"Ay e bakit ba? Gusto kong magpahinga e saka 'wag na maraming tanong. Kumilos ka na!" Tinulak ako ni papa papuntang kusina kaya wala na akong nagawa.

Kumain ako at nagkape. Nagpaalam sa akin si papa na mamalengke kaya nagligo na ako baka kasi biglang sumulpot yung apat.

Pagkatapos kong makapagbihis ay inilatag ko na ang mga gagamitin para sa project. Tinuloy ko yung ginawa ko kagabi na nakatulugan ko.

Maya-maya pa ay biglang kumalabog ang pintuan kaya napaigtad ako.

"Punyemas! Dahan-dahan naman sa pagkatok baka bumigay yang pinto namin!" Sigaw ko.

Inis akong pumunta sa pintuan at binuksan iyon.

"Tagal mo! Ang init dito sa labas!" Bungad ni Gaara sa akin. Pawis na pawis yung apat at mukhang iniluwa ng sawa.

I laughed. "Anong mga itsura yan?" Sabi ko.

Inis na binangga ako ni Gaara at nagtuloy-tuloy sila papasok sa loob ng bahay.

"Ay wow good manners. Pinapapasok na ba kayo?" Taas kilay kong sabi.

"Then you want us to leave? Okay." Sabi ni Gaara na lalabas sana ulit.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon