抖阴社区

CHAPTER 17

146 13 2
                                    

KAEL's POV

Naglabas ng alak si Perseus kaya umahon si Jayden at Jackson sa pool.

"Hoy hoy ano yan? Hindi kayo pwedeng uminom." Sita ni baba sa amin.

"We're not minors stupid!" Sagot ni Jackson.

"Kahit na, magda-drive ka 'di ba? Kael ha hindi ka pwedeng uminom."

Lumapit siya sa akin at aagawin sana ang bote pero mabilis ko yung iniwas.

"Come on baba, hindi naman kami....."

"Sshh bibig mo! Tigilan mo nga ako sa kaka-baba mo!" Sabi niya na parang nahihiyang tumingin kay Perseus, Jackson, at Jayden.

I laughed. "They already knew baba." I said.

"Huh? Alin?"

"Wala. Sit still if you don't want to drink or kumain ka, o kaya ay maligo sa pool. Ikaw na bahala kung anong gusto mong gawin." Sabi ko.

"Kulit niyo naman e! Ayokong mag-alaga ng lasing ha!" Sabi ni baba at umupo na lang sa harap ng mga pagkain.

Uminom kami at nagkwentuhan hanggang sa hindi namin namalayan na 11:30 na pala ng gabi.

"Party's over, can you drive Jackson?" Nag-aalalang tanong ni Perseus.

"Oo naman, sige alis na kami. Happy birthday sayo bro." Nagyakapan sila at pati na rin kami. Bumati na rin si baba sa kanya.

"Sure ka ba kaya mo? Mag-taxi na lang kaya tayo?" Sabi ni Jayden na lumapit kay Jackson.

"Kaya ko, parang hindi mo naman ako kilala. Tara na hatid ko na kayo." Hinawakan ni Jackson ang kamay niya at nagngitian sila.

Ako naman ay umakbay kay baba pero malakas niya akong siniko.

"Ang baho mo! Huwag ka ngang dumikit." Sabi niya.

"Aray! Nahihilo ako baba e." Maktol ko.

"Ginusto mo yan bahala ka sa buhay mo." Mabilis siyang naglakad at nakarating kaagad sa kotse. Mahilo-hilo akong sumunod na lang din sa kanila.

Sa byahe ay panay ang bangayan namin ni baba. Ayaw niya kasi akong patabihin sa kanya kasi ang baho ko daw.

Pagkarating sa bahay ay bumaba agad si baba pero nagpaiwan kami ni Jayden sa kotse. Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang hikbi niya.

"Sshh honeybun stop crying." Nahahabag na niyakap ni Jackson si Jayden.

"Birthday mo na next month, they will officially announce the engagement between you and Noemi. Paano na ako Jackson? Paano na tayo?" Lumakas ang hagulgol ni Jayden.

"I told you that I will find a way. Trust me please, alam mo namang ikaw lang ang mahala ko e."

"Yeah you love me but the fact that we can't be together is the hardest for me. Wala naman akong magawa para tulungan ang daddy mo sa nalulugi niyong negosyo."

"Tsk don't think about it, it's my family's problem at hindi ko hahayaang makasal kami ni Noemi."

Napabuntong hininga na lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Sobrang tatag nila kung tutuusin, nakaya nilang itago ang relasyon nila for more than 3 years.

"Sige na pumasok na kayo sa loob. I'll try to visit you tomorrow okay?" Jackson said while wiping Jayden's tears.

Jayden nodded. "Ingat ka, I love you." He said.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon