抖阴社区

CHAPTER 2

140 15 5
                                    

VANCE's POV

Hinanap ko ang section A at kaagad akong pumasok sa loob. Magulo, makalat, maingay, may teacher sa front desk pero halos walang pumapansin sa kanya. Sa lahat ng section A na belong ako ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng room. Parang lowest section kung umasta ang mga students.

"Sir yohooo! Good morning po!" Sigaw ko. Kumaway pa ako ng dalawang kamay sa kanya. Parang siya pa ang nahiya sa ginawa ko, parang first time niya lang mapansin ng isang student.

"Hoy!" Malakas na sigaw ni Gaara. Napataas ang kilay ko, magkakatabing umupo ang apat na masamang nakatingin sa akin.

"Section A kayo? May utak?" Tanong ko at nagtawanan ang mga kaklase ko.

"You trash! How dare you!" Galit na tumayo si Gaara at akmang lalapit sa akin pero bigla na lang may lumipad na libro sa harap niya at muntik na siyang matamaan.

"Sit down all of you!" Kalmadong utos ni sir. Kaya pala tahimik siya kasi pisikalan ang pagtuturo niya. Kung sabagay, kailangan talaga pisikalan kung ganito kabalasubas ang mga students.

Nagsiupuan sila lahat at naghanap ako ng vacant chair. May isa katabi si Perseus Jade at likod si Jackson. Sa tabi ni Jackson si Gaara kaya naman nag-alangan akong umupo doon.

"Ikaw ba si Vance Valentine Ajero? New student?" Tanong ni sir kaya tumango ako.

"You may take your seat, they don't give a damn to know you." Napamaang ako sa narinig. Pati teacher nagmumura? Aba anong klaseng paaralan ito?

Habang naglalakad ay nakatingin ako kay Gaara na abot tenga ang ngisi. He stretched his leg at ipinatong sa bakanteng upuan.

"Alisin mo yang paa mo." Sabi ko sa kanya. Hindi siya nakinig at nagkunwaring tulog na nakasandal sa upuan niya.

"Ah ayaw mo alisin yang paa mo ha!" Sabi ko.

Inupuan ko ang paa niya at sinadya kong idiin ang pwet ko kaya naman malakas na sumigaw si Gaara.

"Uuggghh! You crazy! Do you want to break my leg?" Sabi niya at nalukot ang mukha niya nung hinila na ang kanyang paa. Hinilot-hilot niya pa ito at parang maiiyak na sa sakit.

"Talaga bang hindi ka titigil Kael?" Galit na si sir at napatayo na ito.

"Inupuan niya ang paa ko so natural na aaray ako!" Sagot ni Gaara.

"Oh bakit kasi paa mo ang pinaupo sa upuan ko? It's for the left and right bambi just so you know tch!" Sabi ko at nagtawanan na naman ang mga kaklase ko.

"Baliw ka, baliw!" Singhal niya sa pagmumukha ko.

"I said stop! Get one long bond paper let's have a quiz. Number 1....." Nagsipagreklamo ang mga kaklase ko pero wala na silang nagawa nung nagtuloy-tuloy si sir sa mga tanong.

20 items lang naman ang sinagutan namin at kaagad na yung pinapasa ni sir sa kanya. Halos lahat ng kaklase ko ay sa akin ang masama ang tingin. Hindi ko naman kasalanan na pagtripan ako ng mga spoiled na mga lalaking 'to tsk.
Pagkatapos maipasa ng mga sagot namin ay walang salitang lumabas si sir.

"Oh great, a quiz on our first day in school. Thanks to you loser." Sabi ng isang babae na katabi ni Noemi sa upuan. Section A din pala si Noemi, hindi ko man lang napansin na pumasok siya ng room.

"You're welcome...loser." Sagot ko din kaya inis na inis yung babae. Pero teka lang, yun na yun? Hindi man lang magdi-discuss or mag-iiwan ng homework? Anong klase yan?

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon