抖阴社区

CHAPTER 19

510 31 1
                                        

VANCE's POV

"Oh lapit kayo, oorder order kayo tapos gusto niyong ako pa ang magbigay!" Malakas na sigaw ni Gaara.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa lakas ng sapak niya sa utak. Nung nagpa-order siya paladesisyon siya, tapos ngayong binigay ang order napakareklamador. Tapos na ang klase at uwian na, nagkukumpulan ang karamihan para kunin ang order nilang siomai.

Si Jackson at Perseus ang may hawak ng mga box ng siomai, si Gaara naman ang tagabigay at nagkolekta ng bayad. Si Jayden, nevermind. Sitting pretty as always tss.

"Oh last two, bilis ang kilos ang bagal bagal tsk!" Singhal ni Gaara sa dalawang lalaki.

"Pst hoy umayos ka nga! Anong klaseng nagbebenta yan!" Sita ko kay Gaara.

"Ay sorry po hehe." Ngisi niya sa akin.

Pagkaubos ng mga siomai ay ibinigay niya sa akin ang pera. 150 per box at 32 box lahat yun kaya meron kaming 4,800. Napangisi ako kasi kung laging ganun ang kita namin ay malaking tulong na sa amin.

"Baba wait me on the outside, magbabanyo lang ako." Maya-maya ay paalam ni Gaara sa akin.

"Sama ako, wanna come Jayden?" Sabat naman ni Jackson at tumango naman si Jayden. Umalis sila at naiwan kami ni Perseus.

"Bilis mong napaamo si Kael ah?" Sabi ni Perseus habang naglalakad kami.

"Oo nga e, mabait naman pala siya." Sagot ko.

Hindi na siya ulit nagsalita kaya awkward ang paligid.

Pagkarating namin sa tapat ng kotse ni Jackson ay sumandal doon si Perseus at nakapamulsa siyang nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay may biglang nagtakip ng ilong at bibig ko.

"Hmmmm....." Nagpumiglas ako. Inabot ko ang kamay ni Perseus pero nawalan na ako ng malay.

Bakit? Huling nasabi ko sa utak ko.

"Vance. Vance. Wake up." May dumadamping malamig na kamay sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakangiting mukha ni Noemi ang humarap sa akin.

"Huh? N-Noemi? N-Nasaan ako?" Inilibot ko ang mata ko sa paligid at talaga namang nanlaki ang mata ko sa tingkad at gara ng malaking bahay.

Dumako ang tingin ko sa likuran at nagulat ako.

"Sir grandpa?" Kaagad akong tumayo. Doon lumabas si Perseus na nakapamulsa at may mentos na naman sa bibig.

"Sit down Vance, mag-usap tayo." Ani ng matanda. Hindi ako umupo hangga't hindi pa siya nakakaupo dahil parang sasabog ang utak ko sa mga nangyayari. Akala ko pina-kidnap na ako ni Perseus.

"A-Ano pong nangyayari? A-Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhan kong tanong.

"Ang totoo niyan Vance, si grandpa talaga ang nag-utos kay Perseus na makipag-deal sayo." Si Noemi ang sumagot.

"Ano?" Tumaas ang boses ko.

"You heard it right." Malamig na sabi ni Perseus.

"Remember nung first day of class? Tinawag ako ni grandpa at ako ang kinausap niya pero tumanggi ako, kasi hindi ko alam kung paano ka mapapayag na baguhin mo si Kael. Kaya si Perseus na lang ang kinausap ni grandpa." Mahabang paliwanag ni Noemi.

"S-So ibig sabihin hindi totoo na sasagutin ni Perseus ang college ko?" Tanong ko.

"Ako ang magsusuporta sayo iho. Maka-graduate lang ang apo ko at magtino ako na ang bahala sayo. Kahit pa anong hingiin mo sa akin ibibigay ko sayo." Sabi ni grandpa.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon