抖阴社区

CHAPTER 48

116 11 0
                                    

VANCE's POV

"Papa alis na po ako!" Sigaw ko at kinatok sa banyo si papa. Naliligo na kasi siya para pumunta sa trabaho niya.

"Sige ingat ka!" Sigaw din niya pabalik.

Nagmadali akong bumaba at iniisip na baka sinundo ako ni Jackson tapos kasama si Kael dala ang surprise niya para sa akin.

Pagkarating sa parking space ay hindi ko nakita ang kotse ni Jackson o 'di kaya ay ang kotse ni Perseus.

"Ah baka late lang ng konti." Sabi ko sa sarili ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang dumating isa man sa kanila.

"Ay! Baka nandun na sa school ang surprise niya hehe." Sabi ko ulit at nagtawag na ako ng taxi.

Ang ganda ng mood ko, pakanta kanta pa ako habang nasa byahe at iniisip kung anong bagay kaya ang ibibigay niya sa akin.

Maybe a bouquet, chocolates, big plushies or something na magagamit sa school. Knowing him, marami yung pera ngayon kaya makakabili siya ng kahit na ano.

Pagkarating sa SB High ay kaagad akong nagbayad at kaagad pumasok.

Wala si Kael at Jackson, ang tanging nasa gilid ng gate na naghihintay sa akin ay si Noemi, Perseus, at Jayden.

"G-Good morning, si Kael?" Tanong ko na pilit huwag ipahalata ang pagkadismaya ko.

"Nasa room na Vance, kasama si Jackson." Sagot ni Noemi. Mailap ang mga mata niya, para bang hindi niya ako kayang titigan ng matagal.

Siguro nandun na sa room yung surprise hehe. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanila.

"Oh ano? Tara na sa room." Excited na sabi ko.

Naglakad kami at kapansin pansin ang pananahimik ng tatlo. Hindi na maganda ang pakiramdam ko pero pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili ko na walang problema, na isu-surprise lang nila ako kaya ganito sila sa akin.

Nauna akong nakapasok sa room at kaagad kong hinanap si Kael. Pero nalaglag ang mga balikat ko nung makita ko siyang natutulog lang sa table niya. Nandun ulit siya nakaupo sa dating pwesto niya.

Inilibot ko ang mata ko sa loob ng room, nagbabakasakaling may inilagay sila o may isinabit na pang-surprise sa akin pero wala. Kumirot ng kaunti ang dibdib ko pero pinilit ko pa ring ngumiti.

Hindi ko na muna nilapag ang mga gamit ko at inuna kong nilapitan si Kael.

"Dada? Dada gising." Tinapik ko ang braso niya. Gumising naman siya at saglit akong tinignan.

"Good mor...." Akma kong hahalikan ang pisngi niya pero umiwas siya sa halik ko.

"I'm still sleepy." Sabi niya.

Napapahiya akong tumingin kay Jackson kaya tahimik na lang akong umupo sa upuan ko.

"Psst hoy!" Tawag ko kay Jackson. Lumingon siya pero hindi niya ako tinitignan ng diretso sa mata.

"Anong problema ni Kael? Bakit puyat siya?" Bulong ko.

"I don't know Vance." Sagot ni Jackson.

Hindi na ako nagtanong pa ulit kasi ramdam ko ang malamig na pakikitungo ng lahat sa akin.

The bell rang. Pumasok si sir at umayos ng upo si Kael. Napatingin siya sa direksyon ko kaya nginitian ko siya pero hindi niya ako pinansin o kahit tipid na ngiti man lang.

Nag-assume lang ba ako? May problema na ba sa amin? Wala naman silang sinasabi sa akin kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla silang nagbago.

Hindi ako makapag-focus sa lesson, kahit nga nung tinawag ako ni sir ay hindi ko napansin.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon