抖阴社区

CHAPTER 44

130 13 0
                                    

VANCE's POV

Hinayaan ko pa si papa na kausapin ang kung sino mang binabanggit niyang mama pero pagkatapos nung huli niyang sinabi ay hindi na siya ulit nagsalita.

"Vance? Anak? Andiyan ka na ba?" Maya-maya ay tawag ni papa.

Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at seryoso akong tumingin sa kanya.

"Kanina ka pa sa labas? Bakit hindi ka man lang nagsalita?" Tanong ni papa. Tinignan ko ang cellphone niya pero naka-off na ito.

"Kanina pa ako at napakinggan ko lahat ng sinabi mo." Sagot ko.

"H-Ha? Anak...."

"Bakit pakiramdam ko ang dami mong sinisikreto sa akin papa?" Pagputol ko sa sasabihin niya sana.

"Wala ano ka ba naman, kung magtatanong ka naman e sinasabi ko naman sayo hindi ba?" Tumayo si papa at nilagay sa drawer ang cellphone niya.

"So sino yung mama na kausap mo? Wala ka namang pinakilala sa akin na lola ko ah?" Tanong ko.

"Oh akala ko ba napakinggan mo lahat? Tsk! Halika maupo ka muna."

Iginiya ako ni papa paupo sa kama, hinawakan niya ang kamay ko bago siya ngumiti at nagsalita.

"Yung kausap ko ay si mama Valencia yun, kapatid ng totoo mong lola." Sabi ni papa.

"E bakit parang nagagalit ka kanina? Sabi mo pa na 'wag nila akong galawin hangga't hindi ako nag-21." Kunot-noong tanong ko ulit.

"E kasi nga gusto ka nilang kunin, gusto mo bang manirahan sa probinsya at bantayan ang farm nila?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni papa at mahigpit na umiling.

"No way! Hindi ko pwedeng iwan si...." I paused.

"Aysus ituloy mo na, alam ko naman kung sino ang tinutukoy mo." Sabi ni papa.

"Papa naman e! So bakit hindi mo nga pinakilala sa akin?" Paglilihis ko sa usapan.

"Bakit nagtanong ka ba? Kung saan ka lang naman interesado yun lang din ang sinasabi ko sayo." Ginulo ni papa ang buhok ko.

"Mayaman ba sila? Bakit hindi man lang tayo tinulungan?" Bumusangot ako kaya napatawa si papa.

"Kaya nga kausap ko na ngayon 'di ba? Nagbigay na sila ng tulong kaya sabi ko pwede ka nilang kunin kapag nasa tamang edad ka na, yun ay kung gusto mo." Nagkibit balikat si papa.

"Pass! Ayoko munang maging mayaman, ayokong matulad kila Kael hehe." Pagbibiro ko.

"Pero kung sakaling sayo ipamana ang meron si lola mo tatanggapin mo ba anak?" Biglang sumeryoso si papa.

"Alin yung farm?" Tanong ko.

"Well, sabihin na lang natin na medyo hindi basta bastang ari-arian lang. Tanggapin mo ba ang responsibilities?"

Napaisip ako sandali, "ewan pa, 'di ko alam hehe. Ay teka, so it means buhay pa ang totoo kong lola?" Tanong ko.

"Oo naman, gusto mo ba siyang makita? Ibo-book kita ng flight papunta sa....."

"Ay hindi! Ayoko! Saka na papa kapag successful na ako hehe." Natawa na rin si papa sa sinabi ko.

"Ikaw bahala. Gawin mo lang ang kung anong gusto mong gawin, nakabantay lang ako palagi okay? Sige na, magbihis ka na at kakain na tayo." Sabi ni papa. Napaisip naman ako sa sinabi niyang nakabantay lang palagi, ewan ko pero iba ang dating ng pagkakasabi niya sa akin nun.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon