VANCE's POV
Nakaupo ako sa isang table at kumakain na nakapalibot sa akin ang apat na bano. Hindi ko alam kung ano na naman ang trip nila e.
Tinitignan nila ako na parang binibilang nila ang bawat subo ko. Sa inis ko ay ibinalibag ko ang kutsara at nagsalita ako kahit puno yung bibig ko ng pagkain."Ano na naman bang trip niyo? Umalis nga kayo diyan sa harap ko!" Sabi ko sa kanila. Tumayo naman sila pero lumipat sa likuran ko.
"Anak ng...anong ginagawa niyo diyan?" Nauubos na talaga ang pasensya ko sa kanila.
"You said 'wag kami sa hirap so dito kami sa likod." Simpleng sagot ni Gaara.
"Ay bobo! Ano ba naman!? Nawawalan ako ng gana sa inyo e tsk!" Reklamo ko.
"Oh 'di akin na lang." Biglang kinuha ni Gaara ang baon ko at umalis sila habang kinakain niya yung pagkain ko.
"Punyemas...hoy akin yan! Baon ko yan!" Nagmadali akong bitbitin ang bag ko at hinabol ko sila.
"He's coming Kael!" Sigaw ni Jackson at sabay-sabay din silang tumakbo.
"Hoy ibalik mo yan! Gutom pa ako e kainis naman!" Sigaw ko sa kanila pero biglang may pumatid sa akin kaya nadapa ako. Nagtawanan ang lahat ng students at nakita kong napahinto si Gaara. Sinubo niya yung huling pagkain at tinawanan din ako. May dalawang pares ng mga paa ang huminto sa harap ko at inilahad niya ang palad niya.
"Stand up, are you okay?" Si Caloy pala. Inabot ko ang kamay niya at napangiwi ako nung maramdaman ang gasgas ng siko ko.
"What would you like to eat? Mag-oorder ako para sayo." Nakangiting sabi ni Caloy.
I pouted. "Kahit yung combo meal na lang pwede? Salamat ha?" Sabi ko. Mas lumawak ang ngiti niya and he even pat my head.
"Don't touch him!" Marahas na tinanggal ni Gaara ang kamay ni Caloy. Nakapalibot na naman sa akin ang apat at seryosong seryoso ang mga mukha nila. Lumapit din ang mga kaibigan ni Caloy at pumwesto sa likod nito.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng bawat grupo kaya marahan kong pinaglayo si Gaara at Caloy. Pumagitna ako at inis kong hinarap si Gaara."Ako napupuno na talaga sayo ha! Ano bang problema mo?" Singhal ko kay Gaara. Hindi siya sumagot bagkus ay hinablot niya ako para ilayo Kay Caloy. Tumalim ang titig ni Caloy at hinablot niya ako palapit sa kanya.
"I said don't touch him! Do you want to die huh?" Pagbabanta ni Gaara. Hihilahin sana ako ulit ni Gaara pero inilayo ako ni Caloy kaya muntik na akong matumba.
"S-Sandaliiii! Sandali punyemas!" Hinablot ko ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Caloy at bumalik ako sa gitna.
"Ang lakas talaga ng mga sapak niyo sa ulo ano? Utang na loob lunch time pa oh! Kung gusto niyong magpatayan dun kayo sa labas kasi gusto ko lang naman kumain!" Mataas ang boses na sabi ko.
"Then let's go, let's eat somewhere else." Sabi ni Gaara at hahawakan sana ako pero hinampas ko ang kamay niya.
"Kumain ka mag-isa mo bwisit ka! Tara na nga Caloy, mauubos yung oras natin sa mga walang kwentang mga tao na 'to." Sabi ko at hinila na si Caloy papunta sa mesang gamit ko kanina.
Narinig ko na lang na kumalampag ang isang upuan dahil malakas iyong sinipa ni Gaara. Lumabas silang apat sa cafeteria kaya parang nakahinga ako ng maluwag.Si Oliver ang inutusan ni Caloy na bumili ng pagkain namin.
"Are you okay? Sorry Vance ha?" Tila nakukunsensyang sabi ni Caloy.
"Ba't ka nagso-sorry? Ako nga ang dapat mag-sorry at magpasalamat sayo e." Sagot ko.
"Alam mo ibang klase ka, ba't hindi ka kaya sumali sa grupo namin? I can protect you from Kael." Napangisi na lang ako sa sinabi ni Caloy.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.