抖阴社区

CHAPTER 34

112 10 0
                                    

VANCE's POV

"Lola bakit po kayo nandito? May sinusundo po kayo?" Tanong ko sa matanda pero sa pin ako nakatingin.

"Meron sana." Nakangiting sagot ni lola.

"Bakit po sana? Ay nga po pala, ano pong pangalan niyo?" Inalis ko ang tingin sa pin at tinitigan siyang maigi. May kamukha siya pero hindi ko matukoy kung sino.

"Isabella Valentina, yan ang pangalan ko." Sagot ni lola.

"Lah ang gara ng name hehe. Ako po si Vance Valentine, at ito naman po si Perseus Jade. Oh 'di ba dala-dalawa name nating lahat." Sabi ko at humagikhik.

"Hello po lola, mag-ingat po kayo kung saan man po kayo pupunta. We have to go po pasensya na." Sabi ni Perseus.

"Ay sige lang, walang problema. Mag-iingat kayo mga apo." Tinapik ni lola ang balikat ko sabay hawak ng pisngi ko. Nagkatitigan kami at nagngitian. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, feeling ko ay matagal na kaming magkakilala.

Naglakad si lola ng mabagal habang nasa likuran ang mga kamay niya. Kami naman ni Perseus ay sumakay na sa kotse.

Habang nasa byahe, "did you see the pin on her left chest?" Perseus asked.

"Alin? Si lola Valentina?" Kunot-noong tanong ko at tumango siya.

"Oo nakita ko. Ang ganda nun, saan kaya pwedeng makabili ng ganung pin?" Tanong ko sa kanya.

"Baliw! Walang ganun na binibenta dito." Perseus said.

"Weh? E bakit may ganun si lola?"

"I don't know if I'm right, pero sa tingin ko ay member ng NEXUS yun si lola." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Perseus.

"Totoo ba? Paano mo nasabi? Kasi diamond at gold dragon ang symbol ng pin ganun?" Tanong ko.

"Yep. Ang NEXUS lang ang alam kong may pin na ganun. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit gold dragon ang kay lola? Kasi sa mga investors at stockholders sa company ni daddy na nakikita ko ay diamond and silver dragon ang meron sila." Napaisip ako sa sinabi ni Perseus.

"Baka trip niya lang, malay mo gusto niyang maiba. Alam mo yun, baka gusto niyang magpauso." Sabi ko sabay tawa.

"Baliw ka talaga. Sa tingin mo ba biro ang maging member ng NEXUS? Hindi mo ba alam kung gaano kayaman ang mga taong yun?" Sabi ni Perseus pero nagkibit balikat lang ako. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya bakit pag-aaksayan ko pa sila ng oras.

Pagkarating namin sa condo ay umuwi na rin kaagad si Perseus. Pagkapasok ko sa loob ay nagtaka ako kasi wala si papa. Hindi naman siya nagbebenta ng siomai kasi wala naman siyang ginawa.

Tatawagan ko na sana ang number niya pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si papa na may dalang supot.

"Where have you been Valentine?" Taas kilay kong tanong. Tumawa si papa at niyakap ako.

"Chineck ko yung bahay natin tapos bumili na rin ako ng uulamin mamaya. Karating mo lang ba? Bakit hindi ka pa nagbibihis anak?" Sagot ni papa.

"Karating ko lang po hehe. Sige pa magbibihis na rin ako." Paalam ko sa kanya.

Naghapunan kami ni papa at nag-review ako saglit bago matulog. Kailangan kong agahan bukas para makapagbasa-basa pa ako kahit sandali.

Kinabukasan nga ay maaga akong nagising at nag-taxi ako papuntang SB High. Nagulat pa ako nung pagdating ko sa room ay nandoon na si Noemi. Sabay kaming nag-review habang hinihintay sila Kael, Perseus, Jackson, at Jayden.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon