抖阴社区

CHAPTER 10

482 31 2
                                        

VANCE's POV

Monday, masama ang pakiramdam ko nung pumasok ako. Hindi ko ugaling umabsent kahit may sakit pa ako kasi ayokong  may miss na lessons.

Dahil siguro sa kakaiyak kaya masakit ang ulo ko at mabigat ang katawan ko.

"Vance!" Tawag ni Noemi.

"Natapos niyo ang project niyo?" Tanong niya nung makalapit siya. Naglalakad kami papuntang room.

"Hm, siguro." Walang ganang sagot ko.

"Anong siguro?"

"Basta, si Perseus ang magtutuloy ewan ko kung ginawa nga niya." Sagot ko.

"Wait, are you sick?" Hinipo niya ang noo ko.

"Oh you're hot. Bakit ka pa pumasok?" Nag-aalalang sabi niya.

"I'm fine." Simpleng sagot ko. Masakit ang lalamunan ko at ayokong magsalita ng magsalita.

Nakasalubong namin ang grupo ni Caloy at kaagad itong lumapit sa akin. Hinihila ako ni Noemi at ayaw niya sanang makipag-usap ako kay Caloy pero naharangan na nila kami.

"Hi Vance, kamusta?" Nakangiting bati ni Caloy.

"Ayos lang, medyo masama lang ang pakiramdam." Sagot ko. Kumunot ang noo niya at hinipo ang noo ko.

"Uy may fever ka, tara sa clinic." Sabi niya. Bago pa man ako makatanggi ay hinawakan na niya ako at hinihila palakad.

"Hey wait...." Sigaw ni Noemi.

Nakakailang hakbang na kami ng biglang may humablot ng kamay ko na hawak-hawak ni Caloy.

"Class will start soon where are you going?" Seryosong sabi ni Gaara na masamang nakatitig kay Caloy.

Hindi ako sumagot, nahilo kasi ako sa biglaang paghablot niya.

"Let's go." Sabi ni Gaara at hinila na ako pabalik  papunta sa room.

Nakasunod sa amin si Jayden, Jackson, at Perseus na bitbit ang portfolio. Bago makapasok sa pintuan ng room ay inakbayan ako ni Gaara at kaagad siyang natigilan.

"Stupid! Why are you here e may lagnat ka pala!?" Hihilahin sana niya ako palabas ulit pero pinigilan ko siya.

"Kael I'm fine, ayokong umabsent." Mahinang sabi ko. Ayoko munang makipagtalo.

"Tsk! Tara sa clinic." Sabi niya.

"Please, masama na ang pakiramdam ko huwag mo akong kulitin muna." Sabi ko at tumuloy na ako sa upuan ko.

The bell rang.

Inusog ni Gaara ang upuan ni Jackson sa table ko at siya na ang tumabi sa akin.

Pagkapasok ni sir ay kaagad siyang nag-recap sa previous lessons namin. Biglang nagtaas ng kamay si Gaara at tumayo siya.

"Sir no quiz please, may sakit si Vance." Parang lumobo ang ulo ko sa narinig. Punyemas ka talaga Gaara! Lakas ng sapak sa utak bwisit!

Pinagtinginan kami ng mga ka-klase ko. Yung init sa pakiramdam ko ay mas dumoble dahil sa kahihiyan lalo na nung tinignan ako ni sir.

"Okay I'll leave you a topic and study it for yourself. We will be having a long quiz tomorrow." Sabi ni sir. Kalahati pa lang ng oras niya pero lumabas na kaagad siya ng classroom.

"Good one Kael haha! Tara sa garden." Tumayo si Jackson at malakas na umingay yung upuan niya.

"Tsk 'wag kang maingay. Masakit daw ang ulo ni Vance." Sabi ni Gaara kaya napa-face palm na lang ako.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon