VANCE's POV
Umiiyak akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep. I want to comfort Kael, tell him that everything is fine, to secure him that he still owns my heart.
Pero pano? Nasasaktan din ako at hindi ako katulad ni papa na kayang magtiis, kayang palagpasin ang mga panloloko ng ibang tao sa akin.
"Vance, wait!" Noemi called me.
Nilingon ko siya pero nagpasya akong huwag siyang kausapin. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero humabol pala siya sa akin.
Humarang siya sa dadaanan ko. "You're ignoring me, pati ba sa akin galit ka?" She asked.
"Noemi, I need to breathe because I feel like I'm suffocating. I need a break, away from all of you." I said.
"Ayaw mo na ba akong maging friend?" She said crying.
"To tell you honestly yes. Ang hirap niyong kaibiganing mayayaman. Masyado kayong kumplikado." Prangkang sagot ko.
"It's so sad, you're my only friend Vance. You know what, I admire your perspective in life and the way you handle your problems. Marami akong natutunan every time na magkausap tayo."
"Thank you but I'm sorry. I don't want to lose myself by trying to fix all of your problems. I have to go, ingat ka pauwi."
Tinalikuran ko na si Noemi kaagad.
I hate saying those words but I need to. Kailangan kong unahin ang sarili ko kasi wala namang ibang tutulong sa akin.
Nakauwi ako ng bahay sa kabila ng pagiging tulala ko. Nadaanan ko pa nga si seahorse na masama ang tingin sa akin pero hindi ko na siya pinansin.
Naabutan ko si papa sa sala at parang nadismaya nung makita ako.
"Anak, bakit wala si Kael? Umuwi na ba siya sa kanila? Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin?" Tanong niya. Kahapon pa siya nangungulit kung nasaan na si Kael.
"Umuwi na pa. Salamat na lang daw." Tipid kong sagot kasi naiiyak ako.
Bumuntong hininga siya. "Halika nga dito."
Hindi ako lumapit sa kanya kaya siya ang tumayo at niyakap ako.
"Okay ka lang ba?" Sabi niya sabay hagod sa likod ko. Pinilit kong huwag maiyak pero nabigo ako.
"Sabi ko na may problema ka e, nag-away ba kayo ni Kael?" Tanong niya.
"Puro na lang si Kael bukambibig niyo papa, gusto mo bang magpalit na lang kami?" Sabi ko.
He laughed. "Masaya kasi ako nung dumating siya sa atin, nakita ko kasi kung paano nagbago ang ugali mo. Kinakabahan ako e, akala ko magiging loner ka na lang hanggang pagtanda mo. Kaya as much as possible e inalagaan ko sila para hindi ka nila iwanan."
"Yun na nga e, I let them enter on my circle, naging mabait tayo sa kanila pero sakit lang ang ibinalik nila sa akin." Sumbong ko.
"Bakit? Ano bang ginawa nila sayo?"
"Magagalit ka ba kung sasabihin ko sayong nag-kiss kami ni Kael? Tapos kinalat pa ni Perseus yung photo dun sa school namin." Umiiyak na sabi ko.
"Sa lagkit ng tingin ni Kael sayo e magugulat pa ba ako?" Sabi ni papa na tumawa ng bahagya.
"Uy wala naman yun pa, wala namang malisya yun." I tried to defend myself.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.